“What?” gulat na tanong ni Jiho.
Inialis ni Kaela sa kaniyang tainga ang cellphone dahil tila nabingi siya sa pagsigaw ni Jiho sa kaniya sa cellphone. Nagtaka naman siya kung bakit naging ganito ang reaksyon ni Jiho sa kaniya. Muli niyang ibinalik ang kaniyang cellphone sa tainga upang ipagpatuloy ang pakikipag- usap kay Jiho.
“Bakit naman parang gulat na gulat ka Jiho?” nagtatakang tanong ni Kaela.
“Sir, ito po pala ‘yung uniform na ipinapaabot ni Chairman Leviste,” sabi ng empleyado nina Chairman Leviste habang hawak ang uniform na nakabalot sa plastik.
The girl employee handed the uniform wrapped in plastic to Mang Toper and after that, she left immediately. Kaela smiled at her before she turned her back to show her gratitude unto her.
“Ay sorry Jiho, ibinigay lang ‘yung magiging uniform ni Papa,” pagpapasensya ni Kaela when she could not catch up with him.
“Can we talk, Kaela?” Jiho asked.
“Nag- uusap naman na tayo ah?” Kaela replied.
“I mean, talk personally. I just want to have a talk with you. I will explain everything,” Jiho said.
“Ano naman ang dapat mo i- explain?” nagtatakang tanong ni Kaela habang nakakunot ang kaniyang noo.
“Basta. Can we meet later now?”
“Ngayon? As in ngayong oras?” Kaela clarified.
“Yes. Doon sa kung saan kayo nag- inom ng kaibigan mo. I will treat you,” sagot ni Jiho.
Napatingin naman si Kaela sa kaniyang orasan at nakitang malapit na mag- alas onse.
“Sure. Ihahatid ko lang si Papa pauwi,” she responded.
Pumayag na si Kaela sapagkat wala naman na siyang gagawin at saka tapos na ang kailangan nilang gawin dito sa trabaho ng kaniyang Papa. Up until now, she was still unaware of what is happening. She was intrigued the way Jiho talked to her. She could not discern why Jiho urgently invited her to have a talk with her. Everything was fine for her, but she really wanted to hear what Jiho wants to say.
Agad na iniuwi ni Kaela ang kaniyang ama patungo sa kanila. Nagmadali si Kaela dahil mukhang importante ang gustong iparating ni Jiho sa kaniya. She wanted to know it to feed heer dying curiosity.
“Aalis ka ulit nak?” tanong ni Mang Toper sa kaniyang anak habang sila ay nasa labas na ng kanilang bahay.
Bigla namang bumukas ang pinto ng kanilang bahay at bumungad sa kanila si Aling Emily na mukhang abala sa kaniyang pagluluto.
“Oh, Ma,” gulat na sabi ni Kaela nang makita niya ang kaniyang ina na nakasuot ng apron at mayroon pang gloves sa kaniyang kamay.
“Narito na pala kayo. Naghanda pa naman ako ng masarap na pagkain,” nakangiting sagot ni Aling Emily sa kaniyang anak.
Napatingin naman si Mang Toper kay Kaela dahil batid niyang aalis ito at hindi matitikman ang pagkaing inihanda ng kanilang ina para sa kanila. Napatingin din si Kaela sa kaniyang ama at napakagat na lamang sa ibaba niyang labi dahil mukhang maiipit siya sa sitwasyong ito.
“Kumusta ang lakad niyo? Natanggap ka ba Hon?” pangungumsta ni Aling Emily.
“Ma, magpapaalam lang po ako. May kailangan po akong puntahan ngayon. Hindi na po ako makakakain ngayon ng tanghalian sa bahay,” nakabusangot na paalam ni Kaela sa ina.
Napatingin sa kaniya si Aling Emily.
“Gano’n ba anak? Sige ayos lang naman. Tatabihan ka na lamang namin ng ulam,” nakangiting tugon ng kaniyang ina.
Agad na niyakap ni Kaela ang kaniyang ina nang pumayag ito sa kaniyang pag- alis.
“Babalik din po ako agad. May kailangan lang po talaga akong kitain,” sabi pa ni Kaela bago siya umalis.
Tinanguan naman siya ng kaniyang ina habang ito ay nakangiti sa kaniya. Kumaway sa kaniya ang kaniyang mga magulang habang siya ay umaalis at naglalakad palayo.
Agad na nagtungo si Kaela patungo sa sakayan ng bus upang makarating sa kinainan nina Yeri. Dito rin ginanap ang blind date ni Jiho kung saan ay nagkagulo nang dahil sa kaniya.
When she entered the restaurant, she immediately let her eyes roam around every corner of this place. She is finding the presence of Jiho. Natigil ang kaniyang paghahanap nang makita niya ang isang lalaki na nakatalikod. Alam niyang si Jiho na ito kaya naman ay naglakad na siya patungo roon.
Nagbalak si Kaela na gulatin ito kaya naman marahan siyang naglakad patungo sa kinaroroonan ng lalaking iyon. Sinikap niyang hindi makalikha ng kahit anong yabag sa kaniyang mga paghakbang upang maging epektibo ang kaniyang panggugulat.
“Wah!” panggulat ni Kaela.
Nanlaki ang kaniyang mga mata sapagkat hindi pala si Jiho itong nakaupo, bagkus isang matandang tahimik na kumakain ng manok. Nagkatitigan ang dalawa. Halos mahulog ang panga ni Kaela nang makitang hindi ito si Jiho.
Halos gusto na lamang niya magpalamon sa lupa dahil sa matinding kahihiyan. Hindi naalis ang kaniyang tingin sa matanda dahil halos hindi niya maigalaw ang kaniyang katawan. Si Jiho mula sa malayo ay nasaksihan ang tagpong ito, humagalpak ito sa katatawa nang makitang mapahiya si Kaela.
“Hala sorry po Sir. Akala ko po kasi kakilala ko kayo,” Kaela apologized after humiliating herself.
She bit her lower lip while apologizing to him.
“Kaela!” pagtawag ni Jiho habang tawang- tawa kay Kaela.
Napalingon naman si Kaela nang marinig ang kaniyang pangalan. Kaagad niyang nakita si Jiho na pilit na pinipigilan ang kaniyang tawa. Agad na tumakbo si Kaela patungo sa kaniya upang makaalis na sa kahihiyang ginawa niya.
“Anong ginagawa mo Kaela?” natatawang tanong ni Jiho nang makaupo na si Kaela sa upuan na katapat niya.
“Malay ko bang hindi ikaw ‘yon,” may diing sambit ni Kaela.
Gamit ang dalang panyo, pinunasan ni Kaela ang kaniyang butil- butil na mga pawis sa leeg at sa noo. Pagkatapos nito, ipinaypay naman niya ito sa kaniya upang mapawi ang init mula sa pagkakahiya niya sa sarili.
“Anyways, bakit mo pala ako gustong makausap? Anong ie- explain mo?” kuryosong tanong ni Kaela habang patuloy na inaayos ang kaniyang sarili.
“Nakipagkita ako sayo kasi may gusto akong malaman mo.”
Jiho’s reaction shifted from laughing into serious. Kaela was shocked she saw the sudden transition of his reaction. She continued wiping her handkerchief on her face while waiting for Jiho’s additional words.
“Ano naman ang gusto mong malaman ko?” she asked with a curious tone.
“That man, Mr. Leviste, is not a trustworthy man,” he replied with emphasis.
Napakunot ang noo ni Kaela nang marinig ito. Hindi niya batid kung ano ang nais iparating ni Jiho sa mga salitang ito.
“What do you mean he is not trustworthy?” Kaela asked with a furrowed forehead.
“Wala ka bang alam how his company works?” pagtatanong pa ni Jiho.
“I know nothing about his company. Ngayon pa lamang ako nakapasok sa company nila at mukhang maganda naman ang pamamalakad nila. Why?”
The waitress drew near to them and handed them the menu.
“Sure ka, ililibre mo ako?” pagtatanong ni Kaela.
“Yes, um- order ka na ng kung anong gusto mo diyan,” sagot ni Jiho.
Agad na tumingin si Kaela sa menu at naghanap ng maaari niyang makain. Si Jiho naman ay tila ba hindi mapakali at nais nang sabihin ang kaniyang nalalaman patungkol sa kompanya nina Zach at ng kaniyang ama na si Chairman Leviste.
Matapos ang ilang segundong paghahanap ng kanyang makakain, tuluyan nang nakapili si Kaela.
“Ikaw, ano oorderin mo?” tanong pa nito kay Jiho.
“Kung ano na lang order mo, iyon na lang din ang akin,” seryosong sagot ni Jiho sa kaniya.
Ibinigay na agad ni Kaela ang order nila ni Jiho sa waitress na naghihintay ng kanilang order. Nginitian pa niya ito bago umalis upang maging magaan ang loob nito sa kanila.
“So ayon na nga, anong meron sa company nila?” muling tanong ni Kaela.
Bumugtong hininga si Jiho bago niya sabihin ang sagot kay Kaela. Marami siyang kailangan ipaliwanag sa kaniya ngunit hindi niya alam kung paano ito sisimulan at paano ito iisa- isahin sa kaniya.
“Are you aware na matindi ang korapsyon sa kompanyang iyan? Hindi mo kilala si Chairman Leviste at kung paano siya kumilos...,” pagbabanta ni Jiho.
Bahagyang napadiretso ng upo si Kaela sa kaniyang kinauupuan. Napaawang ang kaniyang bibig nang marinig ito at saka tumingin nang diretso kay Jiho. Nagtaka siya kung paano ito nasabi ni Jiho.
“Paano mo nalaman ang mga ganiyan? Do you personally know him?” pagtatakang tanong ni Kaela.
“Hindi ko siya ganoon kakilala, pero alam ko kung anong klaseng tao ‘yan si Chairman Leviste,” may diing saad ni Jiho.
Muling napatigil si Kaela. Nag- isip- isip ito nang saglit at pilit na inaalis at prinoseso ang sinambit ni Jiho.
“May ginawa bang masama sayo si Chairman Leviste?” Kaela probed with an intrigued tone.
She tilted her head and waited for Jiho’s response.
“Yes. And I will never forget how he f****d up my family, especially my father,” Jiho replied, full of rage and resentment.
Napakurap nang dalawang beses si Kaela. Mas lalo pa siyang naging kuryoso sa kwento ni Chairman Leviste at ng pamilya ni Jiho.
“Can you explain it with more detail?” Kaela requested.
“My dad used to work on their company. Ilang taong minamaliit ni Chairman Leviste ang aking ama at kailanman ay hindi siya noon trinato nang maayos. Maliit na sahod lamang ang natatanggap ng aking ama, but he did not complain about it because our family were at the verge of paucity. My mom were sick kaya kahit na maliit ang sahod ni Papa sa kung ano ang dapat niyang sahurin, hindi na siya nagreklamo because we badly needed money that time. However, I knew for sure that he was the one behind my father’s death. Wala akong matibay na patunay sa ngayon pero handa akong ipaglaban ang hustisya sa kamatayan ng aking ama,” gigil na sagot ni Kaela.
Napatakip sa kaniyang bibig si Kaela nang malaman ang kwento ni Jiho. Her mind could not contain how that man killed Jiho’s father in a pitiful way.
“Totoo ba ang sinasabi mo, Jiho?” tanong ni Kaela nang may panlalaki ng mata.
“Yes, siguradong sigurado ako sa sinasabi ko. Gabi kung kailan pinatay ang aking ama kaya sigurado ako sa bawat detalye na aking naaalala. Ang tanging naaalala ko lamang ay ang mata ng pumatay sa aking ama. Lalaki siya at noong mga panahong iyon, palagay ko ay kasing- edad ko lamang siya,” pagpapatuloy pa ni Jiho.
Napatango nang sunod- sunod si Kaela. Nagsimula na siyang matakot para sa kapakanan ng kaniyang ama ngunit may bahagi sa kaniyang puso na hindi naman ganoon ang sasapitin ng kaniyang ama kaya ayos lamang kung hindi niya pipigilan si Mang Toper.
“How about their company?” pagtatanong pa ni Kaela.
She was eager to dig deeper about the company where her father would work because she was concern about his safety. She wanted to ensure that her father will be safe and sound, and apart from jeopardy.
“Kung inaakala mo na ang kanilang kompanya ay maganda ang pamamalakad, nagkalalamali ka. The reason why I speculated them behind my father’s death is that, my father heard their conversation regarding the embezzlement, money laundering, and their mistreatment on their employees. He heard it clearly. He was almost caught but he was able to escape. Ngunit, after ilang days, doon namatay ang aking ama at sila lamang ang siyang pumasok sa isipan ko dahil wala namang kaaway ang Papa ko that time, sila lamang.”
Jiho became teary as he reminisced his father’s unjust death. He was yearning for his family, and badly want them to come back in life to see him achieve his success.
“Do you think my father will have the same fate as your father?” Kaela asked in a desolate tone.
She started to become anxious and worried. Her knees were trembling as well as her lips. She was begging that her father may be in a safe place while he was working on that company because her family will be needing it.
“’Yan ang hindi ko sigurado...,” sagot ni Jiho.
Bumagsak ang mga balikat ni Kaela at saka tumingin sa kawalan upang pansamantalang mag- isip. She heaved a sigh while thinking. She wanted to relax herself, and did not let the negativities contaminate her mind.
“Sana naman hindi, dahil kailangan ito ng pamilya namin. Hindi sapat ang kinikita ni Mama sa pagtitinda ng corndog, at ang trabaho na ito ni Papa ang siya makatutulong sa amin upang bahagya kaming makaahon sa hirap,” malumanay na sambit ni Kaela.
“Yes, I am hoping too na hindi rin magiging ganoon ang kahihinatnan niya sa trabaho. Sana tratuhin siya nang maayos sa trabahong kaniyang pinili,” Jiho replied with a desolate voice.
“Na kay Chairman Leviste rin kasi ang sagot upang maipagpatuloy ko ang pangarap kong makapag- aral sa law school. If hindi ipagpapatuloy ni Papa ang pagtatrabaho roon, hindi lamang siya ang maaapektuhan, maging ang pangarap kong makapag- aral ay maglalaho rin,” malungkot na wika ni Kaela.
Huminga nang malalim si Jiho. Hinawakan niya ang kamay ni Kaela dahil napansin niya itong biglang nalungkot sa kaniyang mga ikinuwento. Nais niyang pagaanin ang loob ni Kaela.
Nagulat naman si Kaela nang maramdaman niya ang paghawak ni Jiho sa kaniyang kamay na nakapatong sa ibabaw ng lamesa. Agad siyang napatingin kay Jiho at nagtaka sa ginawa niyang ito. Napatitig si Kaela. Kapwa bumilis ang t***k ng kanilang mga puso nang magtama ang kanilang mga tingin.
Jiho smiled at her so that her worries might fade, and Kaela also smiled back at him.
“Huwag ka nang mag- alala. Magiging maayos si Mang Toper doon. Hindi ko hahayaan na siya naman ngayon ang maltratuhin ni Chairman Leviste dahil para ko na rin siyang tatay. Asahan mong lagi lang akong nandito sa likod mo,” Jiho comforted her, then displayed a beautiful smile through his pinkish lips.
Kaela started to feel relief as Jiho’s hand embraced her soft hand.
“Thank you, Jiho!” nakangiting pagpapasalamat ni Kaela sa kaniya.
“If you have problems, don’t hesitate to call me. I’m a one call away. Balitaan mo lang ako when Chairman Leviste began to interrupt your family. Don’t do anything in return for your scholarship, especially when he is requesting for your assistance in his personal life. You might end up in danger. They are s****l predators. Always update me, ha?” with a pure smile, Jiho uttered.
Kaela nodded, and plastered a smile on her face too. Jiho withdraw his hand from Kaela because their order was arriving. Kapwa sila nakangiti nang tuluyang dumating sa kanilang lamesa ang inorder nilang pagkain.
“Bakit seafoods ang inorder mo?” gulat na tanong ni Jiho.
Nabigla naman si Kaela sa naging reaksyon ni Jiho. Bahagya siyang natorete at nagpanik.
“Why? Allergic ka ba sa seafoods? I’m so sorry, hindi ako aware,” she apologized.
“Nope, that’s my favorite,” nakangiting sagot ni Jiho at saka tumawa.
Kaela gave him an eerie glare when Jiho made fun of her. The crew who delivered their order also laughed when she saw her reaction. Umupo si Kaela nang may inis sa kaniyang mukha at saka nagsimula nang kainin ang kanilang pagkain.