CHAPTER 15: Assistant

2803 Words
 “Kaela, gumising ka na diyan!” pambubulabog ni Mang Toper sa kaniyang anak na natutulog pa. Kasalukuyang nakanganga si Kaela at malalim pa rin ang kaniyang tulog. Ang laway din niya ay tumutulo patungo sa kaniyang unan. Napakagulo ng buhok ni Kaela at animo’y isa siyang bruha. “Ano ba Pa, ang aga aga pa eh,” pagrereklamo ni Kaela habang antok na antok pa rin. Nagpagulong- gulong si Kaela sa kaniyang kama dahil labag sa kaniyang loob ang paggising sa umaga. “Anak, tanghali na mahuhuli na tayo,” muling pagpapaalala ng kaniyang ama na naggagayak na ng kaniyang sarili. Walang ibang nagawa si Kaela kaya napilitan na lamang siyang tumayo mula sa kaniyang higaan. Bumabagsak pa ang kaniyang mga mata at halos hindi maidilat nang maayos ang mga ito. Kinamot niya ang kaniyang ulo upang ipakita ang kaniyang pagrereklamo sa maagang pambubulabog sa kaniyang tulog. “Ano ba kasi ‘yan eh,” she blustered out of frustrations, then thre a tantrum. Kinamot niya nang kinamot ang kaniyang ulo dahil sa matinding inis. Pinilit niya ang kaniyang sarili na bumangon sa kaniyang pagkakahiga upang samahan ang kaniyang ama na magtungo sa ina- apply- an nitong kompanya. Her eyes were falling while she was walking from her room. Her mother, Aling Emily, was preparing the breakfast for the whole family. Si Mong Toper naman ay nakaupo na sa isang upuan at hinihintay ang pagdating ng kaniyang anak sa hapag. “Kaela, tanghali na inaantok ka pa rin,” her father scolded. Tinignan niya lamang ito habang siya ay nangangalumata. Wala siyang lakas at enerhiya, at mistulang nakikipaglaban pa rin sa kaniyang antok. Mabigat niyang inilapat ang kaniyang katawan upang umupo at saka yumuko sa lamesa upang ipagpatuloy ang kaniyang tulog, subalit kinurot ni Aling Emily ang kaniyang singit bago pa man ito tuluyang makatulog sa harap ng pagkain. “Aray!” she shouted. Tila ba nagising si Kaela sa malakas na kurot ng kaniyang ina. Bahagyang nawala ang kaniyang antok. Tinitigan niya ang kaniyang ina matapos siyang kurutin, subalit hindi nagpatalo si Aling Emily at nakipagtitigan sa kaniyang anak. Binigyan niya ito ng seryosong tingin at saka itinaas ang kaniyang kaliwang kilay. Marahang napangiti si Kaela nang makita niya ito sapagkat alam niyang seryoso ang kaniyang ina. Umiwas kaagad siya ng tingin dito at nagsimulang kainin ang nakahandang almusal sa lamesa. “May resume ka na po ba, Pa?” pag- aalala ni Kaela habang silang buong pamilya ay kumakain. Napatingin si Aling Emily sa kaniyang asawa, at si Mang Toper naman ay napatingin sa kaniyang anak. “Oo nak, naka- print na ‘yong resume ko. Ipapasa na lang iyon,” nakangiting sagot ni Mang Toper. “Ay Hon, salamat nga pala sa pagpayag mo na tanggapin ko ang alok na trabaho na iyon,” malambing na pagpapatuloy ni Mang Toper habang nakatingin sa kaniyang asawa. Diniretso ni aling Emily ang kaniyang postura sa pag- upo at saka tumingin sa kaniyang asawa. Nginitian niya ito. “Ayos lang iyon. Pasensya ka na rin kung ilang beses kitang pinagbabawalang magtrabaho sapagkat nag- aalala lamang ako sa iyong kalusugan at kaligtasan. At saka, hindi na rin kasi sumasapat ang kita ko sa pagtitinda ng pagkain sa plaza at paubos na rin ang pera sa bangko kaya kailangan talaga nating mas kumayod pa lalo pa’t papasok na sa law school itong si Kaela,” Aling Emily replied. Mabilis na napalingon si Kaela sa kaniyang ina at nakita niya itong nangingilid ang mga luha. Napaawang ang mga labi ni Kaela nang makita niya ito dahil hindi niya maatim na makitang umiiyak ang kaniyang mga magulang. “Saglit lang, kukuha lamang ako ng tubig,” pagpapaalam ni Aling Emily sabay kuha sa pitsel na walang laman. Habang naglalakad ito patungo sa kusina nila, nakita ni Kaela ang mga pagpunas nito sa kaniyang mga mata. Hindi na lamang niya ito binigyan ng pansin at nagpatuloy na lamang sa kaniyang pagkain. “Anong oras po ba pa ang punta natin doon?” tanong ni Kaela sa ama. “Bago mag- alas diez anak. Diretso na raw tayo kay Chairman Leviste. Tinawagan ko kasi kagabi ‘yong lalaking iyon tapos sinabi ko na tinatanggap ko na at pupunta nga ako ngayong araw tapos sabi niya sasabihan na lamang niya ang mga guard doon na i- guide tayo papunta ay Chairman Leviste,” sagot nito. Napatango naman si Kaela nang marinig ang sagot ng kaniyang ama. Tumingin siya sa oras at nakita niyang mahuhuli na sila kaya naman ay binilisan niya ang kaniyang pagkain. Pagkatapos mag- almusal, agad itong naggayak ng kaniyang sarili. Mabilis itong naligo at nagsepilyo. Naghanap din siya ng isang disenteng damit upang maging presentable siya kapag kaharap na nila ang may- ari ng malaking kumpanya na iyon. Wala pang alas- nueve ay tapos na sa paggagayak ang mag- ama. Bago umalis, inihanda muna nila ang kanilang mga kakailanganin upang hindi magkaroon ng aberya kapag sila ay naroon na sa Juri Company. Isinilid ni Kaela ang mga papeles at dokumentong kakailanganin ng kaniyang ama sa isang suite case. Tinulungan niya rin ang kaniyang ama sa pag- aayos ng sarili. Inayos niya ang kwelyo ng suot nito maging ang porma ng buhok nito. Napangiti si Kaela nang makita niyang presentable ang kaniyang ama. “Mag- iingat kayo, ha?” pagpapaalam ni Aling Emily sa pag- alis ng kaniyang asawa at anak. Ngumiti nang kaunti si Mang Toper bago siya tuluyang umalis sa kanilang bahay, at ganoon din ang ginawa ni Kaela. Ikinaway ni Aling Emily ang kaniyang kamay habang papalayo sina mula sa kaniya.   Wala pang alas- diez ay nakarating na sina Kaela at Mang Toper sa tapat ng Juri Company. Napatingala ang dalawa dahil sa taas ng gusali na nasa harap nila. This colossal building in front of them left them astounded. Napaawang ang mga labi nila nang makita ito. Nakita rin nila ang mga taong labas pasok ng building na ito at sila ay mga nakauniporme. Bahagyang kinabahan si Kaela sapagkat ngayon lamang siya makakapasok dito at wala siyang kakilala sa loob nito. Nagsimula nang pumasok sa loob sina Mang Toper at Kaela. Panay ang lingon nila sa paligid sapagkat maraming tao ang palakad- lakad sa loob. Nasilayan din nila kung gaano kaganda ang loob ng kumpanyang ito. Nagtungo ang dalawa sa reception area upang humingi ng tulong patungo sa opisina ni Chairman Leviste. “Good morning po, Ma’am,” Kaela greeted. The lady in the reception area immediately smiled at her. Kaela also gave her a wide smile. “Hello, how can I help you?” nakangiting tugon ng receptionist sa kaniya. “Saan po pala ang opisina ni Chairman Leviste?” tanong ni Kaela sa receptionist. “Maaari ko po bang matanong kung sino sila? Hindi po kasi kami basta basta nagpapapunta sa office ni Chairman Leviste for his safety po,” she replied.  “Uhm, Christoper Navarro po,” sagot ni Kaela matapos lumingon sa kaniyang ama. Dali- dali namang tumingin sa computer ang receptionist upang tignan kung may appointment ba kay Chairman Leviste ang nagngangalang Christoper Navarro. After minutes of looking at the desktop, the receptionist responded to her with a smile plastered on her face. “Mr. Christopher Navarro, pa- assist na lang po kayo sa kaniya patungo po sa office ni Chairman Leviste,” nakangiting sambit ng receptionist. “Maraming salamat po,” ani Kaela sabay yuko. Kaagad na inalalayan ni Kaela ang kaniyang ama patungo sa lalaking itinuro ng receptionist sa kanila. That man led them into the office of Chairman Leviste. Una silang sumakay sa elevator ng kompanya, at ang lalaking iyon ay pinindot ang pang- 13th floor. Nagulat si Kaela nang makitang ganoon pala kataas ang opisina ni Chairman Leviste. Nang bumukas na ang elevator, agad na lumabas ang tatlo. Pinangunahan sila ng lalaki patungo sa opisina, subalit bago pa man sila makarating ay biglang lumabas sa kaniyang office si Chairman Leviste kasama ang kaniyang anak na si Zach. Napatigil sa kaniyang kinatatayuan si Kaela nang makita ang mag- ama. Nakadama siya ng kaunting kaba at saka biglang kinilabutan sa hindi malamang dahilan. Si Mang Toper ay natigil din nang makita sila. Agad itong yumuko sa harap ni Chairman Leviste, at siya naman ay napangiti nang makita si Mang Toper. Si Zach ay nananatiling naka- poker face nang makita itong yumuko sa kanilang harapan. “Magandang umaga po, Chairman Leviste,” pagbati ni Mang Toper habang nakayuko. Yumuko rin si Kaela nang marinig niya ang pagbati ng kaniyang ama. Nag- aalangan pa siyang gawin ito subalit bilang pagpapakita ng paggalang, ginawa na lamang niya ito. “Buti naman at tinanggap mo ang alok kong trabaho sa iyo,” sambit ni Chairman Leviste. Sabay na iniangat ni Kaela at Mang Toper ang kanilang mga ulo nang marinig ang tinig nito. Ngumiti si Mang Toper sa kaniya kahit na labis ang pagkalabog ng kaniyag dibdib dahil sa matinding kaba. “Kailangan ko rin po kasi ng trabaho ngayon kaya hindi na po ako nag- atubiling tanggapin iyon,” sagot ni Mang Toper. Nalihis naman ng tingin ni Chairmaan Leviste patungo kay Kaela. Matalas ang tingin nito sa kaniya at napansin ito ni Kaela. Iniiwas niya ang kaniyang tingin, at tumingin na lamang sa sahog. Bumilis din ang pagtibok ng kaniyang puso. Pinagpawisan ito nang malamig at napansing muling tumayo ang kaniyang mga balahibo. “Iyan ba ang anak mo?” tanong ni Chairman Leviste kay Mang Toper. Napalingon si Mang Toper sa kaniyang anak at saka nakangiting sumagot. “Ay opo, anak ko po siya Sir,” tugon nito. Napangisi si Chairman Leviste sa kaniya at saka iniangat nito ang kaniyang kaliwang kilay. Si Zach naman ay napatitig din kay Kaela. “Malaki na rin pala ang anak mo...,” sabi ni Chairman Leviste. “Po?” ani Mang Toper. Napaangat naman ang tingin ni Kaela nang marinig si Chairman Leviste. Nagtaka ito kung bakit niya ito nasabi. Random thoughts started to formulate on her mind as she heard what Chairman Leviste said. Does he know me? Am I connected with him? Why did he say that? These questions screamed silently on her mind. Nakipagtitigan si Kaela sa kaniya at nasilayan niya ang nakauuyam na pagngisi sa kaniya ni Chairman Leviste. Nakita rin niya ang anak nito na mariing nakatingin sa kaniya. “Doon na lang tayo mag- usap sa loob,” nakangiting sambit ni Chairman Leviste kay Mang Toper. “Hija, maiwan ka muna rito sa labas ah. Pag- uusapan lamang namin ng tatay mo ang kaniyang magiging trabaho sa akin,” pagpapatuloy pa niya. Hindi umimik si Kaela, bagkus ay patuloy itong nakipagtitigan sa kaniya. Nagsimula nang pumasok ang kaniyang ama at si Chairman Leviste sa loob ng opisina at naiwan sila sa labas. Si Zach naman ay taas- noong umalis na rin sa harap nila at saka sumakay ng elevator upang magtungo sa kaniyang opisina. Agad din naman siyang sinundan ng lalaking sumama kina Kaela kanina. “Sir, ito po pala ‘yung resume ko,” saad ni Mang Toper sabay lahad kay Chairman Leviste ng inihanda niyang resume. Tinanggap naman agad ito ni Chairman Leviste at saka sinimulang tignan kada pahina nito. Kinakabahan si Mang Toper habang isa- isang nililipat ni Chairma Leviste ang pahina ng kaniyang resume. Napatingin si Chairman Leviste sa kaniya kaya itinuwid niya ang kaniyang postura at saka ngumiti. “Tanggap ka na,” he said. Namilog ang mga mata at bibig ni Mang Toper nang marinig ito mula kay Chairman Leviste. Lumundag sa tuwa ang kaniyang puso nang siya ay matanggap sa trabaho. Subalit, isa lamang ang siyang pinagtataka niya. “Bakit po ako natanggap agad?” tanong nito. “Simple lang. Nakita ko sa iyo ang potensyal sa hinahanap kong empleyado ko,” nakangiting sagot sa kaniya ni Chairman Leviste. “Pero, ano po ang maaaring maging trabaho ko?” Mang Toper curiously asked. “You are going to be my personal assistant from now on,” nakangiting sagot niya. “Pe- personal assistant po?” he clarified. “Yes, hindi mo ba ako narinig?” “Sorry po, narinig ko po kayo. Hindi lang po ako makapaniwala na magiging ganoon po kataas ang aking magiging katungkulan sa kompanya niyo,” nahihiyang saad ni Mang Toper. “Huwag ka mag- alala. You will earn much here as what my staff has said to you last time. I will give you P100 000 a month just became that loyal to me. Your family will also benefit in here, especially your daughter,” sabi ni Chairman Leviste nang hindi napapawi ang ngiti sa kaniyang mga labi. “My daughter? Paano po sila magbe- benefit dito?” tanong niya. “I will made your daughter as my scholar. Anong grade na ba siya?” “Graduating na po si Kaela sa college ngayon, pero nagpa- plano po siyang pumasok sa law school next year...,” sagot ni Mang Toper. “Good timing! Ako na ang bahala sa pagpapaaral sa anak mo. Just make sure na magiging loyal ka sa akin.” “Grabe salamat po talaga, Sir Leviste. Malaking tulong po ito sa pamilya namin,” mangiyak- ngiyak na pagpapasalamat ni Mang Toper. “You could start working here tomorrow. You have to be here at 7 in the morning. Your uniform will be delivered to you later; you just have to wait for it.” “Salamat po ulit, Sir Leviste,” muling pagpapasalamat niya. Lumabas na ng opisina si Mang Toper upang ipamalita ito sa kaniyang anak. “Oh Pa, ano nang balita?” pangungumusta ng kaniyang anak. Agad na tumayo si Kaela mula sa kaniyang kinauupuan nang makita niyang bumukas ang pinto ng opisina ni Chairman Leviste at lumabas ang kaniyang ama. “Umiyak ka ba, Pa? Anong ginawa niya sayo?” pag- alala ni Kaela nang makitang namumula ang mga mata ng kaniyang ama at may ilang mga bakas ng luha mula rito. “Hindi, Anak. Naluluha ako kasi matutupad mo na ang mga pangarap mo,” naiiyak na sagot ng kaniyang ama. Napakunot ang noo ni Kaela nang marinig ang sagot ng kaniyang ama. Nagtaka ito. “Anong ibig mong sabihin Pa?” kuryoso niyang tanong. “Natanggap ako sa trabaho at malaki ang in- offer na sahod sa akin. At inalok niya rin ako na siya na ang sasagot sa pag- aaral mo sa law school. Bibigyan ka raw niya ng scholarship,” sagot ni Mang Toper at saka bumagsak ang isang butil ng luha mula sa kaniyang mata na agad din naman niyang sinalo. “Totoo ba ‘yan, Pa?” paglilinaw pa nito. Nakadama ng init sa paligid ng kaniyang mata si Kaela nang makita niyang umiiyak ang kaniyang ama. Her eyes started to shed tears as her dreams are turning into reality. Walang mapagsidlan ang tuwa ni Kaela. Niyakap niya nang pagkahigpit- higpit ang kaniyang ama nang malaman ito. Umiyak siya sa balikat ng kaniyang ama at ibinuhos ang lahat ng luhang mayroon siya. Sa gitna ng emosyonal na tagpong ito, naramdaman ni Kaela ang pag- ugong ng kaniyang cellphone mula sa bulsa ng pantalon niya. Kumawala siya sa pagkakayakap niya sa kaniyang ama upang sagutin ang tawag na ito. Suminghap siya at saka pinunasan ang mga bakas ng luha sa paligid ng kaniyang mga mata bago niya sagutin ang tawag. Nang humarap siya sa kaniyang cellphone, nakita niya ang pangalan ni Jiho roon kaya naman agad niya itong sinagot. “Kumusta ka Kaela?” bungad ni Jiho. Muling suminghap si Kaela bago sumagot, subalit tila narinig yata ito ni Jiho at napansin niyang umiiyak ito. “Umiiyak ka ba, Kaela?” pagtatanong ni Jiho. “Ah, hindi,” sagot ni Kaela sabay tawa upang pagtakpan ang kaniyang pag- iyak. “Kumusta ka? Anong nangyari sa iyo?” pag- aalala ni Jiho. “Jiho, matutupad ko na ang pangarap kong mag- aral sa law school,” tugon ni Kaela at sinundan ito ng pagtulo ng kaniyang mga luha. “Totoo? Paano? Nakakuha ka ba ng scholarship or ng sponsor?” nagagalak na tanong ni Jiho sa kaniya. “Oo Jiho, nakakuha ako ng scholarship sa trabaho ni Papa.” “May trabaho si Mang Toper? Akala ko unemployed siya?” pagtataka pa ni Jiho. “Ngayong araw lang siya natanggap. Ngayon lang din sinabi sa akin ni Papa na pag- aaralin daw ako ng boss niya. Actually, narito kami sa trabaho ni Papa kasi katatapos niya lang makausap ‘yong may- ari ng kompanyang in- apply- an niya.” “Wow nice, saan ba nagtatrabaho si Mang Toper ngayon?” “Nandito kami ngayon sa Juri Company. Si Chairman Leviste ‘yung nagbigay sa akin ng scholarship,” sagot ni Kaela habang marahang pinupunasan ang kaniyang mga luha. “What?!” gulat na tanong ni Jiho.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD