CHAPTER 14: Hired

2737 Words
“Jiho?” Mr. Rupert asked over the phone. Hindi nakapasok si Mr. Rupert sa trabaho dahil kailangan niya asikasuhin ang kaniyang VISA upang matuloy ng kaniyang pamilya ang kanilang out- of- the- country vacation sa Illinois, USA. Si Jiho ay kasalukuyang nakatulala lamang sa kaniyang opisina. Maaga niyang natapos ang kaniyang mga gawain kaya naman ay nagkaroon siya ng oras magpahinga, subalit sa halip na siya ay magpahinga, hindi maalis sa kaniyang isipan ang patuloy na gumugulo sa kaniya ng ilang gabi. “Yes po,” agarang sagot ni Jiho nang makita niyang nagri- ring ang kaniyang cellphone mula sa kaniyang pagkakatulala. “I was not able to come today, but I have good news for you,” Mr. Rupert said in a cheerful tone. Bahagyang napaisip si Jiho. His forehead became crumpled, and his eyes slightly narrowed. “Ano po iyon?” kuryosong tanong ni Jiho. “You don’t need to mind the pending case of Mrs. Gomez. Umamin na ang kaniyang asawa na siya ang may gawa noon at nagsabi iyon na ikulong na lamang siya sa halip sa sumailalim muli siya sa paglilitis. Umamin din siya na binayaran niya ang abogado ni Mr. Jonathan at ang semen niya ang ibinigay niya sa forensic team kaya nag- match ang DNA no’n sa nakita sa vaginal part ni Mrs. Gomez,” Mr. Rupert explained. Napaawang ang bibig ni Jiho nang marinig ang sinabi sa kaniya ni Mr. Rupert. Labis siyang nabigla dahil tumama ang kaniyang mga hinala noon pa man, bagaman si Hendrix ang siyang nagbigay linaw nito sa korte. Nakahinga na siya nang maluwag sapagkat hindi na niya kailangang problemahin iyon at magkakaroon na siya ng pahinga.   “Ang akala siguro ng asawa ng namatay ay matutulungan mo sila na gawing guilty ang suspek dahil sa skills na meron ka,” sambit ni Jozen habang sila ay kumakain ng lunch sa cafeteria. “Tama. Ang plano niya ay ipasa sa iba ang kababuyang ginawa niya sa kaniyang asawa para hindi siya makulong. Grabe halang ang kaluluwa,” ani naman ni Fritz na kanilang katabi habang siya ay ngumunguya. “Noon pa lang, alam ko nang may mali sa kasong ito eh. May kutob akong hindi talaga ang akusado ang gumawa ng krimen na iyon. Mabuti na lamang at naipaliwanag iyon nang maayos ni Hendrix,” sagot ni Jiho. “Sinong Hendrix?” pagtataka pa ni Jozen. “’Yong witness, bakit?” ani Jiho. “Kilala mo ‘yong witness? Akala ko hindi?” pagtataka ni Jozen. “Nakilala ko siya noong nakaraan lang at hindi ako aware na siya pala ang magiging witness dahil hindi naman sinabi ni Mr. Rupert sa akin ang kaniyang pangalan, kaya ayon gulat ako noong nakita ko siyang papasok ng korte,” Jiho answered then continued eating his lunch. “Paano kayo nagkakilala no’n? Magkaklase ba kayo before?” Fritz queried. “Nope. Kilala niyo ba si Kaela?” “Kaela who?” tanong ni Jozen. “Ah ‘yong babaeng kasama mo noong nakaraan? Girlfriend mo ‘yon no?” Fritz teased. “Bugok, hindi ko ‘yon girlfriend,” palag ni Jiho. “Kasi habang nakikipag- blind date ako, doon din pala si nag- inom ng friend niya. Tapos ayon nagkita kami at nagkagulo na nga dahil akala ng ka- blind date ko ay girlfriend ko siya at umalis ‘yong babae. Tapos nagpresenta na lamang ako na ako na ang maghahatid kay Kaela kasi lasing na lasing siya, at iyon muntikan siyang masagasaan noong patawid na kami. At si Hendrix ang nagmamaneho ng kotseng babangga sana kay Kaela. Magkakilala ‘yong dalawa tapos ayon hinatid namin si Kaela sa kanilang bahay at medyo nagkausap naman kami no’ng Hendrix na iyon,” pagpapaliwanag ni Jiho. “Wow. All I can see is love triangle,” pang- aasar pa ni Jozen habang nakagisi nang nakaiinis sabay porma ng hugis bahaghari sa ere. Sinamaan siya ng tingin ni Jiho at saka bahagyang napatahimik naman si Jozen. “Ibig sabihin, third wheel ka?” pang- aasar din naman ni Fritz. Humagalpak sa katatawa si Jozen. Pinagkakaisahan nilang dalawa si Jiho sa pamamagitan ng pang- aasar dahil kilala nila ito bilang pikunin. Jiho began to gave them a serious glare for the second time, ngunit mas nagpokus na lamang siya sa kaniyang kinakain dahil napikon siya sa asar sa kaniya ng kaniyang mga kaibigan. “Alam mo sabi nila sa office, ang galing daw no’ng witness. Hendrix ba ‘yon? Maayos daw niyang naipaliwanag ‘yong mga pangyayari. Miski si Judge Martinez daw ay namangha sa pagiging detalyado niya magbigay ng salaysay,” Fritz praised Hendrix. Napatango si Jiho sa sinabi ni Fritz dahil sang- ayon siya sa kaniyang sinabi. Maging siya ay namangha rin sa kagalingang ipinakita ni Hendrix sa korte. “Sabi pa nga nila, parehas daw kayo no’ng Hendrix na iyon. Mga detalyado magsalita. Miski oras kabisadong kabisado. Paano niyo ba nagagawa iyon?” Jozen asked with a curious voice. “What do you mean?” Jiho asked. “’Yong pagiging matalas ang memorya. Hirap na hirap akong kabisaduhin ‘yong mga batas dati. Mangiyak- ngiyak ako no’n tapos nagulat ako ikaw basahin mo lang isang beses kabisado mo na agad. Tao ka ba talaga Jiho?” tugon ni Jozen. “Kahit ako hindi ko rin maipaliwanag kung bakit ganito katalas ang memory ko. Basta tuwing gabi, doon nagsisimulang matandaan ko ang lahat ng mga detalye, pero kapag umaga naman, parang normal lang gano’n. Nakakalimot din naman ako ano bang akala niyo?” natatawang sabi ni Jiho. “Oo ‘yung utang mo nga sa akin last week nalimutan mo na,” nakangiwing sabi ni Fritz. “May utang ako sayo?” Jiho clarified with eyes wide open. “Oo. ‘Di ba nagkulang pera mo sa restaurant last week,” sagot naman ni Fritz sa kaniya. “Shocks, I’m so sorry. Bayaran na lang kita mamaya.”   “Anak Kaela, may sasabihin ako sayo,” bungad ni Mang Toper sa nag- aalmusal niyang anak. Panay pa ang hikab ni Kaela sapagkat puyat na puyat siya kagabi. Wala pa ito sa kaniyang sarili habang nagpapalaman ng peanut butter sa hawak niyang mainit na pandesal. “May kumausap sa akin kaninang lalaki....” “Uhm? Ano naman sabi niya?” tanong ni Kaela sabay kagat sa pandesal. “Inaalok niya ako ng trabaho. Hindi ko sure kung tatanggapin ko,” tugon ni Mang Toper sa malumanay na tono at hindi siya makatingin nang diretso sa kaniyang anak. “Bakit naman po hindi ka sigurado, Pa?” pagtatanong niya habang ngumunguya at nakatitig sa nakayuko niyang ama. “Hindi ko alam kung totoo ba iyon o scam kasi ang laki ng sahod,” sagot ng kaniyang ama. “Magkano ba ang in- offer na sahod, Pa?” kuryosong tanong ni Kaela. Sandali siyang humigop sa kaniyang iniinom na kape at saka muling tumingin sa kaniyang ama. “75k to 200k daw per month.” Napabuga naman ni Kaela ang kaniyang ininom na kape dahil sa labis na pagkabigla. Halos lumuwa ang kaniyang mga mata nang marinig ang halaga ng maaaring kitain ng kaniyang ama sa loob lamang ng isang buwan. “Se- seventy- five thousand?” nauutal na bigkas ni Kaela. “Seventy- five thousand?” muli niya pang sambit. Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Kaela sa laki ng halaga na ito. Tila ba ay nakadama siya ng kung anong mabigat sa kaniyang puso, ngunit hindi niya alam. She had a gut feeling regarding this opportunity given to his father. This seemed weird for her. “Legit ba ‘yan Pa? Baka naman pinagloloko mo ako,” hindi naniniwalang sambit ni Kaela at napangiwi pa ito. Nagpatuloy na lamang siya sa kaniyang kinakain at muling nagpalaman ng tinapay. “Oo nak, legit ito ano ka ba. Miski ako hindi makapaniwala, ngunit totoo talaga ito. Naka- americana pa nga ‘yung kumausap sa akin. Ang professional niya tignan.” “Hay nako, Pa. Budol ‘yan! Isasali ka lang niyan sa pyramiding tapos hihingian ka nila pera tapos hindi na sila magpapakita sa inyo. Ganiyan mga galawan ng mga scammer ngayon,” Kaela said full of disbelief. “Hindi nga nak, legit talaga siya. Binigyan pa nga niya ako ng business card nila at magtungo na lang daw ako sa kompanya nila kung nakapagpasya na raw ako. At saka, hindi iyon networking. Isang malaking kumpanya iyon!” mariing tugon pa ni Mang Toper. Kahit ilang beses niyang ipaliwanag sa kaniyang anak, ayaw pa rin maniwala nito. She continuously giving her father a face of doubt. “We? Patingin nga ng ibinigay na business card,” sabi pa ni Kaela sa kaniyang ama. Agarang iniabot ni Mang Toper ang minimalist business card na ibinigay sa kaniya sa daan ng lalaking nakasalubong niya. Mabilis itong siniyasat ni Kaela dahil wala talaga siyang tiwala sa trabahong papasukin ng kanyang ama. “Juri Company...,” pagbabasa ni Kaela sa business card. Nang basahin ito ni Kaela, tila ba may alaalang sumagi sa kaniyang isipan but she could not figure it out. She was having a hard time thinking of this thought because this memory might be forgotten by her mind. This thought stuck in her mind, but could not remember it thoroughly. “Alam mo ba iyan, anak?” pagtatanong ni Mang Toper. Napaisip naman sa hangin si Kaela. Pilit niyang pinoproseso ang kaniyang isipan subalit wala talaga siyang maaalala. Pamilyar sa kaniya ang pangalan ng kompanyang ito. “Hindi gaano Pa eh, pero wait check ko ‘yung website na nakalagay rito.” Mabilis na tumakbo si Kaela patungo sa kaniyang kwarto upang kunin ang kaniyang laptop. Nang mahanap ito, muli siyang bumalik sa lamesa at sinimulang buksan ito. She immediately browsed the website written on the business card, and will find if this is true. Mariing nakatitig si Kaela sa screen ng kaniyang laptop habang naglo- load ang mga info na ito. Unang bumungad sa kanilang mag- ama ang isang malaking larawan ng imprastraktura ng naturang kompanya. They were both mesmerized by the gigantic size of that company. “Kaya pala pamilya eh, lagi ko ‘yang nadaraanan kapag pumapasok ako sa eskwelahan. Lagi akong nakatingin diyan kapag dumadaan ‘yung sinasakyan kong bus diyan,” ani pa ni Kaela. Napatango silang dalawa habang isa- isang tinitignan ang content ng official website ng kompanyang ito. “Pero wala namang hiring na nakalagay sa announcements Pa ah? Sure ka bang tagaroon talaga ‘yong lalaking iyon sa kompanyang iyon?” muling pag- aalinlangan ni Kaela. “Oo anak, may mga ipinakita siyang mga picture nila ng Chairman ng kompaniyang iyon,” pagpapaliwanag ni Mang Toper. Patuloy sa pag- scroll ng website si Kaela hanggang sa nakarating siya sa pinakadulong bahagi nito. Nakita niya ang larawan ng Chairman ng kompaniyang ito maging ang tagapagmana ng kommpanya. “Chairman Alexander Leviste... Chairman of Juri Company Inc....” pagbabasa ni Kaela. Napatitig siya sa hitsura nito. Hindi naalis ang kaniyang titig doon at mariin iyong tiningnan. Naningkit pa ang kaniyang dalawang mga mata habang ginagawa ito. “Bakit anak, may problema ba? Kilala mo ba siya?” tanong ni Mang Toper nang mapansing napatitig ang kaniyang anak sa larawan ng Chairman. “Wala naman Pa, kaso sobrang pamilyar po ng kaniyang mukha. Parang nakita ko na siya somewhere ganoon,” tugon ni Kaela sa tanong ng ama, ngunit nananatili pa rin ang kaniyang mga titig sa larawang ito. “Eh ‘di ba siya ‘yong madalas na nababalita sa TV dahil sa mga charity na kaniyang pinapatayo niya at saka tumulong siya sa mga nasalanta nng bagyo sa Visayas,” ani Mang Toper. “Ay oo siya nga ‘yon, Pa...,” sagot ni Kaela habang tumatangp at nakatingin sa larawan ni Chairman Levister. “So ano ng balak mo Pa? Itutuloy mo ba iyan?” “Hindi ako sigurado nak, pero gusto kong subukan dahil wala rin akong trabaho ngayon at ang natitirang pera sa bangko ay hindi na sasapat sa atin lalo pa’t mag- eenrol ka na sa law school sa susunod na taon. Ilang buwan na lang graduate ka na.” “Sige Pa, pag- isipan mo nang mabuti kung itutuloy mo. Kaso... alam na ba ito ni Mama?” tanong niya sa kaniyang ama. Napaisip bigla si Mang Toper sapagkat ayaw niya muna itong ipaalam sa kaniyang asawa sapagkat alam niyang hindi ito papayag sa kaniyang binabalak. Tila na napabusangot na lamang si Mang Toper at nawalan ng pag- asang sabihin ito sa asawa. “Huwag ka na mag- alala Pa. Ako na ang bahalang magpaliwanag kay Mama,” nakangiting bigkas ni Kaela. “Sigurado ka ba diyan anak?” paninigurado nito.   Habang nagluluto si Aling Emily ng corndog sa kaniyang stall sa plaza, sandaling bumisita ang kaniyang anak doon. Umupo si Kaela sa foldable chair na nakapwesto sa tapat ng stall ng kaniyang ina kung saan umuupo ang mga customer niya. Nagulat naman si Aling Emily sa biglaang pagdating ng kaniyang anak rito. “Oh anak, anong ginagawa mo rito?” tanong ni Aling Emily habang nagpiprito ng corndog sa loob ng kaniyang stall. Ngumiti si Kaela sa kaniya at saka pumasok sa loob. Niyakap niya ang kaniyang ina patalikod at saka muling ngumiti at ipinikit ang kaniyang mga mata. “May kailangan ka no?” nakangiting tanong naman ng kaniyang ina. Kumalas si Kaela sa mahigpit niyang pagkakayakap kay Aling Emily at saka pinanood ito sa pagluluto niya ng corndog. “Ah Ma, may ipapaalam lang ako sayo,” nagpapacute na sambit ni Kaela sa ina. Nagtaka naman si Aling Emily nang makita niya ang reaksyon ng kaniyang anak. Napakunot ang kaniyang noo, subalit muli siyang bumalik sa kaniyang pagluluto. “Ano naman iyon?” “Ah kasi... gusto pong magtrabaho ni Papa... para raw makatulong po sa gastusin,” Kaela said in the cutest way she could. Her mom quickly turned her head towards her daughter. Binigyan niya ito ng isang seryosong titig. “Bakit naman? Hindi ba sapat ‘yung kinikita ko rito sa pagtitinda ng corndog?” pagtatanong ni Aling Emily. “Hindi naman po sa ganoon Ma. Sabi po kasi ni Papa, medyo nahihiya na rin siya kasi siya ‘yong lalaki pero ikaw itong naghahanapbuhay,” sagot niya. “Kapag nagtrabaho sya, sino na mag- aalaga sa baby ko na ito,” Aling Emily said while brushing her palm over Kaela’s head. “Ma naman eh, malaki na ako. Hindi ko na kailangang alagaan no,” bigkas ni Kaela. “Sa bahay na lang Papa mo. May pera pa naman tayo sa bangko. Sobra pa iyon sa pag- aaral mo kaya huwag ka mag- alala. At saka, malakas na rin naman na ‘yung benta ko rito sa pagtitinda kaya huwag na siya magtrabaho. Kaya ko na ito, anak,” nakangiting sambit ni Aling Emily at saka muling tumingin sa kaniyang niluluto. Tinignan naman ni Kaela ang lagayan ng benta ng kaniyang ina, at nakita niyang kakaunti lamang ang laman nito. Bahagyang nangilid ang mga luha sa mata ni Kaela nang makita niya ito. Nais niyang tumulong sa pagtatrabaho, subalit hindi naman niya alam kung paano. Ang kaniyang tanging naiisip na lamang ay ang matanggap ang kaniyang ama sa trabahong inaalok sa kaniya dahil natitiyak siyang bahagyang makatutulong iyon sa pag- ahon nila sa hirap. “Ma, malaki raw ang sahod ni Papa do’n kaya gusto niya talaga tanggapin ‘yong trabaho na iyon,” malumanay na bigkas ni Kaela. Pilit niyang hindi pumatak ang kaniyang mga luha. Ayaw niyang umiyak sa harap ng kaniyang ina. “Huwag na kayong mag- alala anak. Kaya ko na ito. At saka nagkakaedad na rin ang Papa mo kaya mas ok sa kaniya kung magpapahinga na lamang siya,” sagot ng kaniyang ina. “Ma, 75k hanggang 100k daw ang sahod kada buwan.” Agad na napalingon ang kaniyang ina at saka nanlaki ang mga mata nang marinig ang sinabi ni Kaela. Hindi ito makapaniwala. Napalunok siya sa kaniyang narinig. “Ay sabihin mo sa Papa mo magsimula na siya bukas. Huwag kamo siyang tatamad- tamad!” Napigil ang pagbagsak ng mga luha ni Kaela at natawa na lamang sa naging tugon ng kaniyang ina. Hindi niya akalain na magiging ganito ang reaksyon ni Aling Emily. Napangiti si Kaela sapagkat hindi lamang ang kaniyang ama ang siyang natulungan niya, pati na rin ang kaniyang pamilya.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD