CHAPTER 4: Stalker

2440 Words
“I’m sorry? Paano naging pamilyar ang mata ko?” the girl asked with furrowed eyebrows. Nakakunot ang noo ng babae at tila ba naguguluhan kay Jiho. In her face, curiosity was evident as she became perplexed on how Jiho approached her. Bigla na lamang bumalik sa kaniyang wisyo si Jiho. He shook his head and take a glimpse on a girl once more, but this time he is more serious than he was a while ago. “Pasensya ka na, akala ko kakilala kita kasi your eyes...I think I already saw you before hindi ko lang ma- figure out kung kailan,” Jiho replied then chuckled with low volume. Jiho’s eyes accidentally landed on the small identification card pinned on the girl’s white blouse. He narrowed his eye to see it more clearly because the place was too dark. “Kaela... Kaela Louise...?” Naniningkit ang mga mata ni Jiho habang binabasa ito, ngunit bago pa man niya matapos basahin ang pangalan ng babae, ay agad na itong natakpan ng kamay ni Kaela. “Don’t read my name!” the girl exclaimed angrily. Kahit na nakasalamin ang babae, kita pa rin sa kaniyang mga mata ang panlilisik dahil kay Jiho. “Oh, so you are Kaela?” Jiho asked. “Yes, I am. What’s the matter?” mataray na tugon ni Kaela. Itinaas pa nito ang kaniyang kilay at saka humalukipkip. Napanguso naman sa kaniya si Jiho at tila ba ay nagtaka sa biglang pagbabago ng asta ni Kaela. “Hindi pala kita kilala. This is my first hearing your name...,” Jiho seriously uttered. “Sino ka nga pala? Are you my stalker?” nanlalaki ang mga mata ni Kaela habang tinatanong ito kay Jiho. “No, I’m not! Anong akala mo sa akin, manyak?” kuryosong tanong ni Jiho, ngunit naging mataas ang tono niya nang banggitin ito. “Eh bakit alam mo ang daan ko pauwi? So, stalker ka nga?” tanong pa nito. “Ang gwapo gwapo mo pa naman, tsk,” Kaela whispered like almost no one could hear it except her. “What did you say?” muling tanong ni Jiho nang nakakunot ang noo. “Ang sabi ko, bakit mo alam ang daan ko pauwi?” ani Kaela. “Because I am working here... that’s all,” Jiho immediately answered. “Nagtatrabaho ka rito? Seriously? Halos ako nga lang dumadaan dito tapos ikaw... nagtatrabaho rito? Niloloko mo ba ako?” Muling nagtaray si Kaela kay Jiho kahit hindi pa sila ganoon magkakilala dahil ang akala ni Kaela, Jiho was her stalker. May bahagi naman kay Kaela na kinikilig siya dahil hindi naman maipagkakaila na may hitsura si Jiho. Gayunpaman, naging kalmado si Jiho at pinanatili ang pagiging professional niya. “Yes,” Jiho coldly replied. “Snatcher ka no? Or... kidnapper?” muling tanong ni Kaela nang may kasamang takot. “OMG, help—” Kaela wasn’t able to finish her words after Jiho immediately covered her mouth with his hands. Bahagyang natahimik si Kaela dahil sa pagkabigla sa ginawa sa kaniya ni Jiho. Jiho roamed his eyes around the place. Tinignan niya kung may nakarinig ba sa sigaw ni Kaela. “Huwag kang sumigaw. Baka may makarinig sa iyo at kung ano pa ang isipin nila sa akin,” kinakabahang sambit ni Jiho. Saglit na pinagpawisan nang malamig si Jiho dahil sa sigaw ni Kaela na mistulang nagpatayo sa kaniyang mga balahibo, mabuti na lamang at agad niyang natakpan ang bibig ni Kaela at napigilan ito sa kaniyang pagsisigaw. “Bitawan mo ako,” pumapalag na saad ni Kaela. Agad din naman siyang pinakawalan ni Jiho mula sa kaniyang mahigpit na pagkakahawak. Inayos ni Kaela ang kaniyang nagulong buhok, maging ang kaniyang salamin na nawala sa pagkakapwesto nito sa kaniyang mukha. “Ano ba. Hina- harass mo ako ah!” iritableng wika ni Kaela habang inaayos ang sarili. Tinapunan lamang siya nang malamig na tingin ni Jiho at nanatiling nakasara ang bibig. Patuloy na inaalala ni Jiho ang mukha ni Kaela dahil pamilyar sa kaniya ang mukha nito. “Kaklase ba kita dati?” Jiho asked her out of nowhere. “Ha? Anong ibig mong sabihin?” nagtatakang tanong ni Kaela kay Jiho. “Nevermind.” “Okay, uuwi na ako. Please kung stalker ka man or what, do not ever try to follow me,” pananakot ni Kaela nang may panlalaki ulit ng mata. Bago pa man tuluyang makaalis si Kaela, aksidente niyang naaninag ang identification card ni Jiho na nakakabit sa kaniyang damit, sa kanang bahagi ng kaniyang katawan. Saglit na napahinto si Kaela at lubos namang nagtaka si Jiho rito. Muling kumunot ang noo ni Jiho at napagtantong binabasa ni Kaela ang kaniyang ID. “OMG. Are you a prosecutor?” Kaela almost dropped her jaw in awe. She could not believe that Jiho is a real prosecutor. “Yes, I am,” Jiho said with full of confidence. “For real? Prosecutor ka talaga? OMG.” Napatakip na lang sa kaniyang bibig si Kaela at halos hindi makapaniwala sa kaniyang nakita. Namimilog pa ang mga mata nito at naestatwa na lamang. “Sorry, hindi ko po alam,” Kaela sincerely apologized, but still in awe. “It’s okay. Mukha naman akong hindi prosecutor since bago pa lang ako sa trabaho ko and hindi naman gaanong nagsusuot na parang isang prosecutor talaga,” Jiho replied, then gave a smile on her. Kaela’s cheeks suddenly turned red. She blushed after reading Jiho’s profession. This is what she want to be. This is her dream. “Can I call you... Prosecutor Montenegro?” nauutal pa na bigkas ni Kaela. “Okay lang naman sa akin, but you are free to call me just Jiho,” sagot ni Jiho at muling tipid na ngumiti kay Kaela. “OMG! ‘Yan ang pangarap ko... ang maging prosecutor,” Kaela said with sad eyes. “Then strive to become one. Sobrang hirap ng pinagdaanan ko to become who I am right now.” “Yes, salamat sa advice.” “I’m sorry, nakaistorbo yata ako sa trabaho mo. Una na po ako... Prosecutor Montenegro,” pagpapaalam ni Kaela. Binigyan lamang siya ng ngiti ni Jiho. Habang paalis si Kaela, hindi pa rin ito makapaniwala sa kaniyang pagkakakita kay Jiho. Her eyes are screaming to be like him, to be a prosecutor. Jiho waved his hands while the girl was about to leave. Kaela did the same, and finally turned her back away from Jiho. She paved the way into her home while his head constantly turning to see Jiho, but he remained standing until the girl has completely gone into the dark. Agad na nagpatuloy si Jiho sa kaniyang paghahanap ng ebidensya sa paligid ng crime, but the thought of Kaela continued to interfere with his mind. His focus was going nowhere. He checked his wristwatch, and saw that it is almost midnight, and he decided to get back on his team and say that he saw nothing. He immediately ran unto the investigation team, at nadatnan niyang halos pauwi na rin sila. One detective drew near him and was about to say something. “Mr. Montenegro, kanina pa po namin kayo hinihintay. Ang akala po namin ay kung napaano na kayo,” nag- aalalang wika ng isang dtective. “Gano’n ba? I’m so sorry kung medyo natagalan ako sa paghahanap ng ebidensya, ngunit wala akong nakitang kahit na ano.” “Gusto niyo po bang sumabay na lang sa amin? Wala na po yatang available na bus ngayon sa terminal dahil nakaalis na po yata ang last trip,” pag- aalok pa niya. “Ay hindi, ayos lang ako. Ako na bahala sa sasakyan ko,” nakangiting pagtanggi ni Jiho. Nag- aalangan pa ang lalaki sa kaniyang pagbalik sa kanilang sasakyan, ngunit tumatango na lamang si Jiho upang ipaalam na ayos lang. Muling tumakbo pabalik ng kanilang van ang detective na iyon, at nagsimula na itong umandar. Naiwang mag- isa si Jiho sa madilim na lugar na iyon. Nagpasya naman siyang pumunta sa main road sa pag- asang may masasakyan pa siyang bus pauwi. Sa gitna ng madilim na daan, binagtas niya ito nang walang kahit anong bahid takot sa kaniyang puso. Mariin siyang naglakad hanggang sa main road upang maghintay ng bus pauwi, ngunit ang kaniyang nadatnan ay malinis na kalsada— walang kahit anong sasakyan ang dumaraan dito. Saglit siyang umupo sa isang waiting shed sa pag- asang makahanap ng sasakyang bus, at sa kabutihang palad, may isang natitirang bus na nagpapasakay pa ng mga pasahero. Walang ano- ano ay kaagad siyang sumakay doon. Tatlo lamang silang pasahero sa loob ng bus na iyon at doon siya pumwesto sa may tabi ng salamin. He lean his head on the glass window and let his thoughts consume his mind. In the midst of nowhere, he remembered the face of Kaela again. Pilit niyang inaalala ang mga pangyayari kung saan niya nakita ang mukhang iyon. He is certain that he knew her, just by seeing merely her eyes. But he immediately rebuked this thought and let his sleepiness control him. After 30 minutes of waiting, matagumpay siyang nakauwi sa kaniyang maliit na apartment. Katulad ng lagi niyang ginagawa tuwing siya ay umuuwi, hindi na siya nagpapalit ng kaniyang damit at dumi- diretso kaagad sa kaniyang higaan upang matulog. Tanging ang kaniyang sapatos lamang ang tinanggal niya. Jiho covered his face with his left arm, and closed his eyes for a moment. Bigla na lamang muling sumagi sa kaniyang isipan ang mukha ni Kaela. Tila ba hindi siya pinapatulog ng alaala ni Kaela at patuloy na pinagugulo ang kaniyang utak. An hour has passed but he remained awake. Halos nagpagulong- gulong na siya sa kaniyang twin- sized bed ngunit hindi pa rin siya dinadapuan ng antok. Ala- una na ng madaling- araw at dilat na dilat na pa rin ang kaniyang mga mata. He stood up from his bed. He stretched his body for a while, and decided to have a cup of tea just to make him feel drowsy. Luckily, this cup of tea he drank was effective to make him fall asleep. Maaga siyang nagising, at halos puyat pa rin siya. His clock alarmed at 5 in the morning, at agad siyang tumayo dahil sa ingay nito. Kahit na inaantok pa rin, pinilit niya ang kaniyang sarili na bumangon sa kama upang maggayak sa kaniyang trabaho. Halos nakapikit pa siya habang inaayos ang sarili, ngunit ang lamig ng tibog sa madaling- araw ang siyang nakapagpagising sa kaniya nang lubusan. Mabilis siyang naglakad patung sa estasyon ng bus upang maghintay ng kaniyang masasakyan. Before he cross the road, muli muna siyang tumingin sa kaniyang wristwatch at nakitang malapit na siyang mahuli sa kaniyang trabaho. When the traffic lights turn into green, he quickly step his feet but suddenly, some of the paper he is carrying fell down on the road. Agad siyang napalingon, ngunit agad na napukaw ng kaniyang mga mata ang babaeng pumupulot ng nahulog niyang papel. This girl seemed familiar to him; someone he saw before. When that girl has finally tilt his head up high, their eyes bumped into each other. “Uh.” Nanlaki ang mga mata ni Kaela nang bigla niyang makita si Jiho in a formal suit. When she finally got all the paper whom Jiho dropped, she stood up to hand it to him. “Prosecutor... Montenegro?” tanong ni Kaela nang may alinlangan sa mukha. “I told you, you can call me just Jiho,” Jiho replied with a smile. “By the way, salamat pala sa pagkuha ng mga papel. I was sort of clumsy a while ago kaya ayon, nahulog ko mga papel,” he added. “Ayos lang po ‘yon. Prosecu... I mean Jiho.” Nginitian ni Kaela si Jiho nang abot hanggang tainga. “Where are you heading? School or work?” tanong ni Jiho kay Kaela. “Wala pa akong work, nag- OJT pa lang ako,” Kaela answered immediately. “Really? Ano palang course mo ngayon?” Jiho curiously asked. “Bachelor of Science in Political Science, and I am currently on my 4th year right now.” “So, you are planning to pursue law in the near future?” muling tanong ni Jiho. Pareho nilang gusto ang mga ganitong usapan kaya naman bahagyang nalibang si Jiho sa pakikipag- usap niya kay Kaela. He forgot that he is almost late. “Oo. ‘Di ba nga gusto ko maging prosecutor.” Namilog naman ang bibig ni Jiho nang maalala ang sinabing itong ni Kaela. Natigil ang kanilang usapan, when a car horned. Napatalon naman sa labis na pagkabigla si Kaela dahil sa nakabibinging busina. Gumilid sila sa tabi ng daanan, and that is the time when Jiho checked his wristwatch for the second time, at nakita niyang sampung minuto na lamang ay mahuhuli na siya sa kaniyang trabaho. “Oh, I’m so sorry, pero kailangan ko nang magmadali sa aking trabaho. I’m almost late,” pagpapaalam ni Jiho kay Kaela. Hindi na nagkaroon ng pagkakataon si Kaela na magpaalam kay Jiho dahil mabilis itong umalis mula sa kaniyang harapa. Naudlot ang kaniyang planong pagwasiwas ng kaniyang kamay dahil hindi naman na ito makikita ni Jiho. Nakahalukipkip si Mr. Rupert habang hinihintay si Jiho sa kanilang law firm. Panay ang kaniyang tingin sa orasan dahil ilang minuto na lamang at muli na namang mahuhuli sa kaniyang trabaho si Jiho. Malayo pa lamang ay tanaw na ni Mr. Rupert ang nagmamadaling si Jiho kaya naman agad siyang tumayo mula sa pagkakasandal niya sa kaniyang lamesa upang salubungin si Jiho sa kaniyang pagdating. “Jiho, you are almost late. Saan ka ba nagsusuot na bata ka?” pagbati ni Mr. Rupert sa pagdating ni Jiho. Pinunasan ni Jiho ang tumatagaktak niyang pawis sa kaniyang noo at saka sumagot sa tanong ni Mr. Rupert. “I’m so sorry, Mr. Rupert. Aksidente ko po kasing nahulog ang mga dala kong papel sa kalsada kaya bahagyang natagalan ako sa pagdating dahil isa- isa ko pa iyong pinulot,” pagsisinungaling pa ni Jiho. “Ganoon ba? Have you eaten your breakfast?” tanong ni Mr. Rupert. “Hindi pa po, eh,” sagot ni Jiho. “Okay, nag- order ako ng cafe macchiato at cinnamon bread. Nasa lamesa mo na iyon. Kainin mo na ‘yon bago pa man iyon tuluyang lumamig,” nakangiting sambit ni Mr. Rupert.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD