The driver who almost hit them quickly get out of his car to check the condition of Jiho and Kaela. Napahawak pa siya sa kaniyang sintido dahil labis ang kaniyang kaba sa aksidenteng kinasangkutan niya.
“Huh? Kaela ikaw ba ‘yan?” tanong ng driver.
Agad na tumayo si Jiho at inalalayan nito si Kaela. Bahagya namang natauhan si Kaela at bumalik sa kaniyang tamang pag- iisip. Hinilot nito ang kaniyang ulo dahil sa labis na pagkahilo na kaniyang natamo sa kalasingan at saka sa pagbagsak nila ni Jiho sa lupa.
Nangangalumata rin ito at umiikot pa rin ang kaniyang paningin, subalit huminto ang kaniyang titig sa lalaking nasa kanilang harapan.
“Kilala kita ‘di ba?” nahihilong tanong ni Kaela habang gegewang- gewang sa kaniyang pagtayo. Agad din naman siyang sinalo ni Jiho kaya napigilan ang kaniyang pagbagsak muli.
“Nakalimutan mo na ba ako, Kaela?” nakangiting tanong ng lalaki habang nakahawak sa kaniyang dibdib na para bang pilit na ipinaaalala kay Kaela kung sino siya.
“Ikaw si... si...si Hendrix!” tugon ni Kaela sabay halakhak nang maalala niya.
“Tama ako nga si Hendrix, ‘yong childhood crush mo ‘di ba?” nakangiti muli nitong tanong.
Napakunot- noo naman si Jiho at saka napalunok nang marinig niya ang sinabing ito ni Hendrix. Ganoon din ang ginawa ni Kaela lalo pa’t may tama pa rin siya ng alak.
“Ha? Anong sabi mo?” Kaela asked with a furrowed forehead and grimaced lips.
“Umamin ka pa nga sa akin eh, ‘di ba. Huwag mo na itanggi,” Hendrix replied then giggled.
Naging awkward ang buong paligid dahil kay Hendrix, ngunit bigla na lamang nila napansin ang dugong tumulo mula sa sintido ni Kaela na lubha nilang ipinag- alala.
“Kaela, may dugo,” sambit pa ni Hendrix sabay turo sa sintido ni Kaela.
Agad na hinawakan ni Kaela ang kaniyang sintido at saka nakita niya ang dugong kumapit sa kaniyang daliri.
“Bakit may dugo?” nababalisang tanong ni Kaela sa sarili.
“Tara Kaela, iuuwi na kita sa inyo,” sabi ni Jiho kay Kaela.
“Isasakay ko na kayo, alam ko naman ang bahay ni Kaela,” Hendrix initiated.
Pumayag naman si Jiho at saka inalalayan niya si Kaela sa pagsakay sa kotse ni Hendrix. Kabadong- kabado si Kaela sapagkat hindi niya maalala ang mga nangyari kanina noong mga panahong lasing siya.
“Anong ginawa ko habang lasing ako, Jiho?” Kaela asked depressingly.
Sinamaan siya ng tingin ni Jiho.
“Sinira mo lang naman ang blind date ko,” he replied irritably.
“OMG! I’m so sorry talaga, Jiho. Kaya ayaw kong umiinom ako sa labas eh kasi hindi ko makontrol ang sarili ko,” Kaela uttered.
“Pinabayaan ba ako ni Yeri kaya nagkagano’n ako?” tanong pa nito.
“No. I insisted na ako na ang siyang maghahatid sa iyo pag- uwi after mong sirain ang blind date ko, and that incident happened because of you, reeked of alcohol,” Jiho answered then rolled his eyes.
Natawa naman si Hendrix nang masaksihan niya ang tampuhan ng dalawang nasa passenger seat sa pamamagitan ng rear mirror, ngunit agad din niyang ibinalik ang kaniyang tingin sa daan nang mapansin niyang nakatingin sa kaniya si Jiho.
“Sorry talaga Jiho. Hindi ko sinasadya, at saka hindi ko rin alam na naroon din pala kayo. Si Yeri kasi eh, inaya- aya pa ako uminom alam namang mababa lang ang alcohol tolerance ko,” Kaela whispered with a frowned face.
“Don’t be too apologetic, nangyari na eh. Huwag ka na lang uminom ulit sa labas dahil hindi mo makontrol ang sarili mo tuwing lasing ka,” Jiho advised.
“Pero...,” sambit ni Kaela sabay muling lingon kay Jiho.
“Ano?” iritableng tanong pa ni Jiho.
“Nagba- blind date ka? Really?” kuryosong tanong ni Kaela kay Jiho.
“Huh? May sinabi ba ako?” pagtanggi pa ni Jiho.
“Yes, ‘di ba nga sabi mo ako ang sumira ng blind date mo. So nagba- blind date ka?” tanong pa ni Kaela nang may nang- aasar na ngiti.
Umiwas naman ng tingin sa kaniya si Jiho at pilit na lumalayo sa topic na ito.
“Ay bahala ka diyan. Wala naman akong sinasabi eh,” pagtanggi nitong muli.
“Ikaw ah, nakikipag- blind date ka pala para magkajowa ah,” pang- aasar ni Kaela.
“Hindi nga, ang kulit mo ah,” Jiho denied.
“Wushu, maharot ka rin pala ah,” Kaela teased him for the nth time.
“Ano ba, malapit na tayo sa inyo oh,” iritableng sambit pa ni Jiho na labis naman ikinatawa ni Kaela.
“Ah salamat sa inyo ah lalo na sa ‘yo Jiho. Salamat sa paghatid sa girlfriend mong si Kaela ah. Ang kulit kasi nitong babaeng ito eh,” pagpapasalamat ni Aling Emily sabay kurot sa lasing niyang anak na si Kaela.
“Girlfriend mo si Kaela? Akala ko may ka- blind date ka kanina?” pagtataka pa ni Hendrix.
Mabilis na napalingon si Kaela at Jiho kay Hendrix na walang kaalam- alam sa nangyayari. Nagtaka naman siya kung bakit siya sinamaan ng tingin ng dalawang ito.
“Ano Jiho? May ka- blind date ka?” tanong ni Mang Toper nang nanlilisik ang mga mata.
“Ah magpapaliwanag po ako Mang Toper, Aling Emily,” natatakot na sagot ni Jiho sa mga magulang ni Kaela.
Piningot naman siya ni Aling Emily at saka idinala siya sa loob ng kanilang bahay.
“Ma, tama na ‘yan,” pagsaway pa ni Kaela sa kaniyang ina na labis na nahihiya para kay Jiho.
Napakamot pa sa batok si Kaela at saka tuluyan nang pumasok sa kanilang bahay. Pinatuloy na rin niya sa loob si Hendrix.
“Niloloko mo ba ang anak ko? Bakit ka nakikipag- blind date gayong girlfriend mo na itong anak ko?” pagtatanong ni Mang Toper kay Jiho habang sila ay nasa lamesa.
“Ano ba ;yan, Pa. Tama na, nakakahiya kay Jiho,” muling pagsaway ni Kaela.
Katabi ni Mang Toper si Kaela, samantalang mag- isa naman si Jiho sa kanilang tapat. Si Aling Emily ay nasa likuran ng kaniyang asawa, mariin itong nakahalukipkip at masama ang tingin kay Jiho. Si Hendrix naman ay nakaupo sa sala nina Kaela at natatawang pinanonood ang tagpong ito.
“Saglit lang po, Mang Toper. Magpapaliwanag po ako,” kinakabahang sambit ni Jiho, at saka bumuntong hininga.
“Dapat lang na magpaliwanag ka kasi ang ayaw ko sa lahat ay ‘yong niloloko ang anak ko. Nagkakaintindihan ba tayo doon?” matapang na sabi ni Mang Toper.
“Ganito po kasi ‘yon. Wala po talagang namamagitan sa amin ni Kaela,” Jiho answered with fear.
“Eh bakit lagi mo hinahatid ang anak ko pag- uwi? Manliligaw ka ba niya?” Mang Toper probed.
“Hindi rin po. Kaya ko lang po siya hinatid noong nakaraan kasi po muntikan niya po siyang masagasaan at saka dinala ko po siya sa hospital kasi nagkasugat po ang kaniyang tuhod. Nagpasya na rin po akong ihatid siya pauwi kasi gabi na rin po iyon,” Jiho explained.
Mang Toper’s jaw clenched. His eyes narrowed and he turned his head unto his daughter beside him.
“Totoo ba ang sinasabi ni Jiho, Kaela?” tanong pa ng kaniyang ama.
“Oo nga Pa. ‘Di ba ilang beses ko nang sinabi sa iyo na walang namamagitan sa amin. Nakakahiya ka Pa,” Kaela responded while she was filled with embarrassment.
“Pasensya ka na talaga kina Mama at Papa, Jiho,” Kaela apologized to Jiho.
“It’s okay,” Jiho replied then smiled.
“Gano’n ba?” sambit pa ni Mang Toper sa mahinang boses.
“Pasensya ka na Jiho. Akala ko kasi talaga magjowa kayo nitong anak ko,” pagpapatuloy pa niya.
“Sorry din Jiho kung napingot kita kanina,” nahihiyang wika ni Aling Emily.
“Ayos lang po ‘yon, Mang Toper at Aling Emily,” nakangiting sagot ni Jiho.
“Gusto niyo bang kumain? May pagkain pa kami rito,” pag- aalok pa ni Aling Emily sa amin ni Hendrix.
“Ah, hindi na po. Gabi na rin po kasi eh at saka kakakain lang po namin,” pagtanggi ni Jiho.
“Anong kakakain lang? Nagugutom kaya ako.”
Nagulat ang lahat nang biglang magsalita si Hendrix. Tumayo ito mula sa kaniyang kinauupuang sofa at saka naglakad papalapit sa kinaroroonan nina Jiho. Pinagtinginan siya ng lahat habang marahan siyang naglalakad patungo sa hapag.
“Wala pa po akong hapunan, Aling Emily,” nakangiting sambit pa ni Hendrix
Nagulantang sina Aling Emily at Mang Toper dahil hindi nila inaasahang kakain talaga ang bisita ni Kaela, at hindi rin nila kilala ang lalaking ito.
“Sino ka nga pala? Bakit mo kasama ang anak ko at si Jiho? Kaibigan ka ba nila?” pagtatakang tanong pa ni Aling Emily habang nakakunot ang kaniyang noo.
“Hindi niya na po ako nakikilala Aling Emily?” tanong ni Hendrix nang may malawak na ngiti na para bang pilit na ipinapaalala kay Aling Emily ang katauhan niya.
“Tatanungin ba kita kung kilala kita?” tahasang tugon ni Aling Emily.
“Ano ba Ma!” pagsaway ni Kaela sa kaniyang ina sabay humampas nang mahina sa braso nito.
“Ako po ito si Hendrix. Hendrix Tyler Ventura,” Hendrix responded with a bright wide smile.
Bahagya namang napaisip si Aling Emily nang marinig niya ang pangalan ni Hendrix dahil pamilyar ito sa kaniyang pandinig. Muling napakunot ang kaniyang noo at naningkit pa ang kaniyang mga mata.
“Ah Hendrix... ‘yong dating crush ni Kaela sa elementary. Tama ba ako?” tugon naman ni Aling Emily.
“Ma!” sambit ni Kaela sa kaniyang ina at saka sinamaan ito ng tingin dahil sa pasmado nitong bibig.
“Ay sorry ‘nak,” natatawang sagot naman ni Aling Emily sa anak.
“Akala ko po nakalimutan niyo na ako eh. Madalas pa naman po ako rito noon,” Hendrix said.
“Sige umupo muna kayo diyan, maghahanda lang ako ng makakain natin,” pagpapaunlak ni Aling Emily.
Agad itong dumiretso sa kusina at sinundan naman siya ng kaniyang asawa upang tulungan sa paghahanda.
Naiwan silang tatlo sa lamesa. Nakabusangot si Jiho dahil gusto na talaga nito umuwi subalit si Hendrix naman ay abot- tainga pa rin ang ngiti. Napansin naman ito ni Kaela at nagtaka siya rito.
“Bakit ka nakangiti Hendrix?” Kaela asked curiously with a frowned face.
Lumingon sa kaniya si Hendrix na nagmula sa pagtingin sa buong kabahayan nina Kaela.
“Ah wala. Na- miss ko lang ang bahay niyo. Ilang taon na kasi noong huli akong nakapunta rito,” masayang sagot ni Hendrix.
“By the way, salamat nga pala sa paghatid mo,” Kaela thanked with a sincere smile.
“Ano pala ang trabaho mo now?” she asked.
“Ah, part ako ng investigation team. So basically, I am a detective. Something like that,” sagot niya.
Naniningkit ang tingin ni Jiho kay Hendrix.
“Parang kilala kita. Parang nagkita na tayo noong high school ako,” pag- aalala ni Jiho habang nakakunot ang kaniyang noo.
“I don’t think so, but doon ako nag- aral sa school kung saan nag- aral si Zach Leviste. Do you know him?”
Napataas ang kilay ni Jiho nang marinig niya ang pangalan ni Zach. Tila ba pumantig ito sa kaniyang tainga at bahagyang kumulo ang kaniyang dugo.
“Yes. I know him very well,” Jiho replied.
“Really? Kaibigan mo ba siya or something?” nakangiting tanong pa ni Hendrix na walang kaalam- alam sa namamagitan kina Jiho at Zach.
Si Kaela rin ay tila ba kuryoso sa kung ano ang meron kina Jiho at Zach. Mariin lamang itong nakikinig sa magkatabing si Jiho at Hendrix na nasa kaniyang harapan.
“No. We’re not friends, and will never be. He was my former classmate during high school. Galit na galit iyon sa akin because for him, I robbed the valedictorian spot at naging salutatorian na lamang siya,” diretsong sagot ni Jiho.
“Wow. Ikaw pala ang valedictorian ng batch natin? I’m so sorry, madali kasi akong makalimot before but now, sobrang talim na ulit ng memory ko,” Hendrix confidently said.
“What do you mean by matalim na ang memory mo ngayon?” kuryosong tanong ni Jiho.
“Well I guess, hindi niyo rin ako maiintindihan if I would explain it to you,” sambit pa nito habang tumatango.
Jiho became intrigued by these words came from Hendrix. But Hendrix did not want to explain everything to them because he is certain that they will not believe him.
Nag- aalangan siyang sabihing may hyperthymesia siya dahil ang akala niya ay pareho silang hindi aware about dito. Little did he know that Jiho also has the same psychological condition as his.
“Why? Can you explain it further?” ani pa ni Jiho na nakakatunog na sa kondisyon ni Hendrix.
“After the incident I involved during college, mas naging vivid ang memory ko. My head bumped into the floor when I fell from the second floor of our house. I was hospitalized that time, and the doctor almost declared me as brain dead, but miraculously, after some hours, I came back to life, at doon nagsimula maging malinaw ang memory ko,” he responded.
“How clear you memory is now?” Jiho followed up a question.
“During daytime, my brain works 100%. I remember every detail I could see. Hindi kapani- paniwala ‘di ba?” Hendrix uttered then laughed.
“So basically, you have... hyperthymesia?” tanong ni Jiho sa kaniya.
Napaawang ang bibig ni Hendrix nang magsalita si Jiho.
“Alam mo rin pala ang tungkol sa hyperthymesia? I thought hindi, because it is a very rare psychological condition,” Hendrix said.
“Yes. I know it very well, because I have the same condition as what you have....”
“Really?” Hendrix shockingly asked.
“Yes, but in my case, it only works during nighttime. I don’t know why, but I think it has something to do with the accidents na kinasangkutan natin before,” Jiho explained, then hypothesized.
Kaela was left in awe. Shee could not understand even a single thing from them. Naiwan lamang siyang nakanganga sa pag- uusap nilang dalawa.