“Jiho, bukas na naka- sched ang trial ninyo about sa murder case na inimbestigahan mo noong nakaraang araw,” Mr. Rupert reminded Jiho during their lunch break on their law firm’s canteen.
Jiho stopped chewing the food on his mouth when he heard Mr. Rupert blabbering. He looked at him very seriously for he was shocked on the rescheduling of the trial wherein he was in- charge.
“Huh? Bukas agad, Mr. Rupert? Akala ko ba sa Biyernes pa...,” pagtataka ni Jiho kay Mr. Rupert.
Hindi naman sila pinansin ng mga katrabaho niya na kasama nila sa lamesa dahil normal itong nangyayari kanila. Rescheduling of hearing was not that new for them— in fact, they were used to it. But for Jiho, this case was very crucial for him. This is something that he could not understand thoroughly for the evidence they found was not that strong to judge the accused as guilty.
“Parang hindi ka naman nasanay Jiho. Ikaw pa, kaya mo ‘yan no,” sambit pa ni Jozen habang sinisimot ang hita ng manok na kaniyang kinakain.
“The higher ups rescheduled it, at wala naman akong magagawa. Mag- ready ka na lang, kasi kayo ni Claude ang in- charge sa kasong iyon,” Mr. Rupert said.
Naibuga ni Claude ang iniinom niyang juice nang marinig niya ang sinabi ni Mr. Rupert. He was very surprise hearing this. He was not prepared, nor have an idea what this case is.
“What? Ako? Bakit naman ako Mr. Rupert?” mangiyak- ngiyak na tanong ni Claude sa kaniya.
Tawang- tawa naman si Jozen nang makita niya ang hitsura ni Claude na halos paiyak na dahil sa labis na pagkagulat. Agad namang hinampas ni Claude ang braso ni Jozen dahil sa pangangasar nito sa kaniya.
“Pero Sir, ‘di ako ready,” nakabusangot na dagdag nito.
“Ready or not, you must do it. Trabaho natin ito, at mayroon pa naman tayong oras para asikasuhin ito. You can review this case later together with Jiho, for sure matutulungan ka ni Jiho dahil nakapunta ‘yan sa mismong crime scene,” Mr. Rupert confidently uttered.
Nanatiling nakabusangot ang mukha ni Claude, at pilit na pinipigilan ni Jozen ang kaniyang tawa.
“Mr. Rupert, bawal po ba makipag- swap kay Jozen? Please, kahit ngayon lang,” Claude pleaded.
“Ay bakit mo ako dinadamay diyan. Nananahimik ako rito eh,” palag ni Jozen.
“Huwag ‘yan si Jozen,” sambit ni Mr. Rupert.
Binigyan naman ni Jozen ng pang- asar na ngiti si Claude upang mas mainis pa ito.
“May gagawin ‘yan next week. Siya ang naka- assigned sa graft and corruption case ng isang mayamang pulitiko,” pagpapatuloy pa niya.
Napatigil naman si Jozen sa kaniyang pang- aasar kay Claude. Bumalik sa pagiging seryoso ang kaniyang mukha at marahan itong lumingon kay Mr. Rupert.
“M... M... Mr. Rupert?” nauutal na bigkas ni Jozen.
“Okay, bumalik na tayo sa trabaho. Marami pa tayong kailangang tapusin,” Mr. Rupert muttered in a loud voice.
He ignored Jozen. Agad siyang nilapitan ni Jozen upang huwag at si Claude naman ang nang- aasar sa kaniya.
“Okay, so simulan na natin aralin ang kasong ito,” bungad ni Jiho pagkapasok nila ni Claude sa opisina niya.
Si Claude naman ay nananatiling tulala at walang imik dahil hindi pa rin ito makapaniwala na bukas na agad ang paglilitis subalit wala siyang kaalam- alam sa kasong ito.
“Claude!” pagtawag ni Jiho sa nakatulalang si Claude.
Agad din namang napukaw ni Jiho ang atensyon niya at humarap na ito sa kaniya. Binuksan ni Jiho ang kaniyang laptop upang ipakita sa kaniya ang mga picture na ibinigay sa kaniya ng investigation team.
“So, these are the pictures of the victim, Mrs. Lucilda Gomez, 40 years of age. She has two sons, and her husband was a manager of a fast food chain but they are not married. As you can see, there are marks of strangulation on her neck, at malinaw na left- handed ang suspect dahil mas mahaba ang pula sa side na ito kaysa sa kabila. There are also two stabs on her chest, and there are samples of semen on her private part.”
“Ibig sabihin, that woman was r***d then killed?” tanong ni Claude.
“Technically, yes. Mayroon ding incisions sa kaniyang cervix pati sa anus ng biktima at malinaw na na- engage ang biktima in both vaginal and a******x. May mga pasa rin siya sa kaniya braso, meaning she was being forced. She also has bruises and scratches on her face. Maaaring sinapak ng suspek ang biktima sa kaniyang mukha. Walang fingerprint or kahit anong DNA na maaaring magamit ng forensic team para ma- identify na ang accused ay guilty, except sa semen na present sa vaginal part ng babae.”
“Nai- test na ba ang semen na iyon?” Clause curiously asked.
“Kahapon lamang nai- release ang result ng isinagawang test ng forensic team, at ibinigay nila iyon sa akin.”
Kinuha ni Jiho ang isang folder na naglalaman ng test results ng DNA ng suspek sa panggagahasa at saka ibinigay ito kay Claude. Agad namang binuksan ni Claude ang folder na ito at saka sinimulang tignan ang result.
“99.999998%. Positive? So, ang accused nga ang may gawa no’n?”
“Hindi pa iyon sigurado. Pero malaki ang chance na siya nga based on paper and scientific evidences. Ang ikinababahala ko lang, may gut feeling ako na hindi ang accused ang siyang gumawa no’n.”
“Paano mo naman nasabi Jiho? Malinaw naman sa results na siya talaga ang may kasalanan dahil 99% nagtugma ang DNa niya pati ang semen na nakuha sa biktima.”
“’Yon nga, kaso may iba akong nararamdaman. Parang may foul play sa insidenteng ito,” sambit ni Jiho habang nakahawak sa kaniyang baba at masidhing pinagmamasdan ang mga picture sa kaniyang laptop.
“Pero hindi valid sa korte ang mga gut feeling or kahit anong hypothesis. Sa scientific evidences sila magbe- base,” ani Claude.
“Yes, I know, but I think mayroon tayong na- miss na bagay na maaaring makapagturo sa totoong culprit ng crime na ito,” Jiho speculated.
Bahagyang napaisip si Claude dito at umigting ang kaniyang panga sa pag- iisip.
“By the way, did you had the chance to have a talk with our witness?” Claude worriedly asked.
“Hindi pa. Mr. Rupert have not yet introduced him or her. So, bukas natin siya makikilala and I hope makatulong siya sa pagresolba ng kasong ito.”
After hours of discussing and brainstorming, they both decided to call it a day.
“Claude, ise- send ko na lamang sa iyo ang mga pictures, documents, and the results through email. Wait mo na lang. Make sure to study it hardly para wala tayong maging butas bukas, okay ba iyon?”
“Yes, Jiho. Salamat sa tulong mo,” Claude thanked him with a wide smile.
Jiho also gave him a smile before he left his office. Muling napaupo sa kaniyang ergonomic chair si Jiho pagkalabas ni Claude. He leaned his exhausted back on the chair and let it rest for a while. He covered his face with his arms and closed his eyes to recharge his energy after this very swamping day.
He then opened his eyes and checked his laptop. He decided to have a research regarding hyperthymesia.
Jiho was not clinically diagnosed, but he just claimed that he has hyperthymesia after surfing through the internet. The symptoms of having a hyperthymesia really matched him, but it was very unsual because only during night this condition works.
Nakita ni Jiho na dalawampu’t walo pa lamang sa buong mundo ang nada- diagnosed na may ganitong sakit, and Hendrix was the recent one. Ang huling naitala pa na mayroon nito ay noon pang 1987 sa bansang England, and Hendrix followed it.
Visiting a psychiatrist immediately popped into his head. Tila ba ay naengganyo siya bumista sa isang psychiatrist upang mabigyang linaw siya sa totoong sakit na mayroon siya.
After this, he then closed his laptop and prepared to go home.
While walking on the plaza, he saw a corndog stall nearby. Tumakbo siya patungo roon dahil nakadama na siya ng pagkalam ng kaniyang tiyan.
“Manang, isang corndog nga po ‘yong may cheese,” sabi ni Jiho habang kumukuha siya ng pera sa kanyang wallet.
“Jiho, ikaw ba ‘yan?” tanong ng tindera.
Napatingin naman si Jiho nang marinig niya ang kaniyang pangalan. Agad niyang nakita si Aling Emily na nakasuot ng apron, hairnet at facemask habang nagluluto ng corndog sa loob ng stall niya.
“Oh, Aling Emily. Ikaw po pala ‘yan,” gulat na sambit ni Jiho nang makita siya.
“Nagtitinda po pala kayo ng corndog?” tanong pa nito.
“Oo Jiho. Ilang buwan na rin akong nagtitinda nito,” masayang tugon ni Aling Emily.
“Ah sige Jiho, huwag mo na bayaran. Libre ko na iyan sa’yo,” pag- aalok pa nito.
“Ay hindi na po, Aling Emily. Nakakahiya po at saka business niyo po iyan,” nahihiyang pagtanggi ni Jiho.
“Naku po Diyos ko. Tanggapin mo na, ayos lang ‘yan,” Aling Emily insisted.
“Ayos lang po talaga, Aling Emily. May pera naman po ako rito.”
“Hindi. Tanggapin mo na ito. At saka may kasalanan pa ako sa’yo ‘di ba. Bale ito na lang ang siyang magiging bayad ko,” nakangiti pang sambit ni Aling Emily.
Wala nang nagawa si Jiho kundi ang tanggapin ito. Labag man sa kaniyang kalooban, tinanggap na lamang niya ito nang may ngiti sa kaniyang labi.
“Kumusta po pala si Kaela?” Jiho suddenly asked.
“Naku, naggala na naman ang babaitang iyon. Ewan ko ba kung nasaan iyon,” tugon ni Aling Emily sa mataas na tinig.
“Mukhang pagod ka yata Jiho. Pauwi ka na ba?” tanong pa ni Aling Emily.
“Ah opo, pauwi na po ako. Kagagaling ko lang po kasi sa trabaho eh,” sagot niya.
“Sige, mag- iingat ka ha. Magpahinga ka,” pamamaalam ni Aling Emily kay Jiho at saka muling bumalik sa pagluluto niya ng corndog dahil mayroon nang bumili ulit.
“Zach, are you not tired minding Jiho’s f*****g business?” tanong ni Ronnie habang silang dalawa ay umiinom sa VIP room ng isang mamahaling bar.
Umigting ang panga ni Zach after niyang inumin ang isang baso ng tequila. He licked his lower lip at nag- isip.
“Habang buhay si Jiho, hindi ako matatahimik. I want to see his defeat. I want him to kneel in front of me and beg. Gusto kong makitang bumagsak si Jiho...,” sambit ni Zach habang siya ay nakatingin sa kawalan.
“So, what are your plans now? Will you interfere in his career?” Ronnie asked again.
“Probably, but I will do it in the cleanest way I could. I will do everything for that scumbag to experience the worst downfall of his life,” gigil na banggit ni Zach.
“Anyway, nabalitaan ko kanina. May trial daw bukas si Jiho,” Ronnie said out of nowhere.
“Anong kaso ang na- assigned sa kaniya?”
Nilingon na ni Zach ang kaniyang kaibigang si Ronnie. Si Ronnie ay masama ang tingin subalit ang kaniyang mga labi ay nakangisi.
“It’s a murder case with nakita raw sa investigation na may r**e ding nangyari so basically, it’s a r**e- slay case now.”
“Anong plano mo ngayon? Makikialam ka ba sa kasong ito ngayon?” dagdag ni Ronnie.
“No, not this time. I’m not prepared, but on his next trial, I will promise that he will fall in the deepest part of pit,” Zach said with a scary grin on his lips.
“Accused, is it true that on the night of September 29, around 10:37, you are on the same place with the victim?” tanong ni Jiho sa suspek.
Katabi ng suspek ang kaniyang abogado. Samantalang, nanonood naman ang buong pamilya ng biktima na si Lucilda. Naroon ang kaniyang dalawang anak na galit na galit sa suspek, at saka ang kaniyang asawa na naluluha habang isinasagawa ng paglilitis.
“Opo,” sagot ng suspek na si Jonathan Jabano, isang baranggay tanod.
“Is it true that you took advantage of her? Pinagsamantalahan mo ba siya?”
“Hindi po. Malinis po ang aking konsensya,” mangiyak- ngiyak na sagot ni Jonathan.
Ang kaniyang nag- iisang anak ay nanonood sa paglilitis ng kaniyang ama. Umiiyak ito at wala siyang kasamang ina dahil namatay ito anim na taon na ang nakalilipas.
“Totoo bang ginahasa mo si Lucilda noong gabing iyon at saka sinaksak siya magkatapos mo makaraos?” tanong muli ni Jiho kay Jonathan.
“Hindi po talaga. Nagpapatrolya lamang po ako mag- isa no’n at hindi ko po kaya gawin iyon dahil may anak din po akong babae,” Jonathan answered in a frail and quivering tone.
“Kung magpapatrolya ka, hindi ba dapat marami kayo? Bakit mag- isa ka lamang nagpatrolya noong mga oras na iyon?” Jiho investigated.
“Objection Your Honor, the prosecutor, Mr. Montenegro, is making a hypothetical statement,” Atty. Villegas’ deep voice echoed around the hall.
Muling tumingin si Jiho nang masama kay Jonathan at hinihintay itong sumagot.
“Mag- isa po ako no’n kasi umihi po ako saglit at pagkabalik ko po, wala na po ang mga kasamahan kong tanod kaya ako na lamang po ang nagpatrolya mag- isa habang hinahanap sila,” nanginginig na sagot ni Jonathan sabay tingin sa kaniyang umiiyak na anak.
“Your Honor, this was the result from the forensic team after conducting a DNA test from the semen taken from Mrs. Lucilda’s private part as well as Mr. Jonathan’s DNA. The result was 99.999998% positive, and it was clear that Mr. Jonathan Jabano is the culprit of the crime.”
Jiho presented the DNA result to Judge Martinez. Itinapat niya rin ito sa isang camera na kung saan makikita sa TV ang resulta ng isinagawang test. Napaiyak naman ang pamilya ng nasawi nang malaman nilang ang suspek ang siyang nasa likod ng pagkamatay ng kanilang ina.
“To further explain that, we have a witness that will vividly tell all the details on that crime,” dagdag pa ni Jiho.
Tumango naman si Judge Martinez dito. Binuksan na ng mga bantay ang pinto at saka ipinapasok ang witness.
Mariin lamang nakatingin si Jiho sa kaniyang papel habang hinihintay ang pagdating ng witness. When he was about to have a look on the witness, he was left in awe after seeing a familiar face. Napaawang ang kaniyang bibig ng makita ito.
“Hendrix?” mahinang tanong ni Jiho sa nakangiting si Hendrix.