“Hendrix, may gagawin ka ba today? Magpapatulong lang sana ako sa project namin. Need ng picture picture, eh ‘di ba nag- aral ka ng photography before?” Kaela asked Hendrix for a favor over the phone.
Maaga pa lamang nagising si Kaela upang magpatulong na kay Hendrix dahil nalimutan niya itong sabihin kahapon.
“Uhm Kae, I’m so sorry. My lakad kasi ako today, at mukhang hindi kita matutulungan,” Hendrix apologized in a calm voice.
“Ay gano’n ba? Okay lang, don’t worry,” ani pa ni Kaela.
“Sorry talaga Kaela. I really want to help you, but my time did not permit me to do so,” paliwanag pa ni Hendrix.
“Why, ano bang gagawin mo today? May work ka ba? ‘Di ba day off mo today?” Kaela asked intriguingly.
“May trial kasi akong pupuntahan today,” Hendrix responded.
“Really? Manonood ka ng trial today?”
“No, actually ako ang witness sa trial na pupuntahan ko and I really need to attend it dahil sa akin nakasalalay ang kapalaran ng accused.”
“Pwede ba akong manood? Gusto ko lang manood ng trial, lalo pa’t nandoon ka,” sabi ni Kaela.
“Ayos lang naman basta free ka at wala ka namang gagawin today,” Hendrix answered.
“Sige sige, manonood ako. What time ba?” tanong pa ni Kaela.
“Hmm... 9am,” sagot ni Hendrix matapos tumingin sa kaniyang wristwatch.
Kaela immediately looked at their clock and saw that it was past eight already.
“Teka, hahabol ako. Maggagayak lang ako saglit,” nagagahol na wika ni Kaela.
“Sige, see you later. Mag- iingat ka pagpunta mo sa court,” pamamaalam ni Hendrix.
Kaela abruptly hung up the phone and ran unto their bathroom to prepare herself.
JIHO’S EYES REMAINED ON HENDRIX. Hindi siya makapaniwala na si Hendrix ang witness ng side nila.
“Hendrix?” bulong nito sa nakangiting si Hendrix.
Si Hendrix naman ay umupo na sa lugar kung saan pumupwesto ang mga saksi upang sila ay kwestiyonin.
Pagkaupong- pagkaupo ni Hendrix, bumukas ang pinto sa likod ng court at napukaw nito ang atensyon ni Jiho. Doon naibaling ang kaniyang tingin, at nakita niya ang papasok na si Kaela.
Napakunot ang kaniyang noo habang naglalakad si Kaela sa aisle ng court hanggang sa ito ay napaupo. Nagtama rin naman ang kanilang tingin ni Kaela at napaawang ang bibig ni Kaela nang masaksihan siya.
“Oh, Jiho...,” pagtataka ni Kaela sa mahinang boses.
Napatulala si Jiho at tila nawala sa kaniyang sarili sa loob ng maigsing panahon.
“Prosecutor Montenegro?” pagtawag ni Claude nang mapansin itong wala sa sarili at nakatingin lamang sa mga manonood ng paglilitis.
“I’m so sorry...,” sambit pa ni Jiho.
“Witness, can you introduce yourself and tell us you part in this case,” Jiho continued.
Mas lalong kinabahan ang akusado na si Jonathan nang lumabas si Hendrix dahil tila mukhang mas lalo siyang malalagay sa alanganin.
“Ako po pala si Hendrix Tyler Ventura. I am a part of the investigation team, but I became the witness of this crime because I saw the whole incident. I stand as a witness here because during the time when Mrs. Lucilda died, I was there. I saw every detail clearly on how she died who really killed her,” Hendrix confidently said.
Napahawak sa kaniyang baba ang abogado ni Jonathan na si Atty. Villegas at iniisip ang mga maaaring sabihin ni Hendrix.
Napakunot naman muli ang noo ni Jiho nang marinig ang salaysay ni Hendrix. He was intrigued and excited for Hendrix to reveal the true happenings behind this awful incident.
Ang pamilya ni Mrs. Lucilda ngayon ay mas lalong nakinig dahil nais nilang malaman ang tunay na nangyari sa kanilang ina. Ang asawa nito ay namumula na dahil sa matinding galit at halos maiyak pa.
“Could you tell us more about it?” Jiho uttered.
“Around 10:30 in the evening, naglalakad ako sa isang madilim na kalsada dahil kagagaling ko lamang sa trabaho no’n at naisipan kong dumaan sa bahay ng aking mga magulang. Hindi ako nagdala ng kotse that time kasi alam kong masikip ang daan papunta sa kanila, so I left it in my apartment,” Hendrix explained.
Ang pandinig ng lahat ay mariing nakatutok sa kaniya at hinihintay ang bawat detalye na kaniyang sasabihin. Walang imik ang kahit na isa, tanging boses lamang ni Hendrix ang siyang maririnig.
“Habang naglalakad ako, nakita ko si Mr. Jonathan na pumunta sa isang gilid at humiwalay siya sa kaniyang mga kasamahang tanod,” dagdag pa ni Hendrix at saka tumingin kaay Jonathan.
Nanlaki ang mga mata ni Jonathan nang makita niya si Hendrix na nakatingin sa kaniya. Lumundag ang kaniyang puso dahil sa matinding kaba.
“Nakasalubong ko ang mga tanod na iyon at saka sinita ako dahil curfew na no’n but I showed them my ID kaya naman hindi na nila ako hinuli. Noong nagpapatuloy na ako sa aking paglalakad, I heard a scream nearby. Napatigil ako sa paglalakad na ‘yon at na- realize ko na ang sigaw na iyon ay kakaiba. I tried to find it because I was too curious that time. Nagtago ako sa likod ng mga puno para hindi ako makita ng kung sino mang iyon. I also heard some heavy gasps and cries, and I saw a man r****g a woman in her 40’s on the ground. Though the place was very dim, I clearly saw the face of that man because of the light coming from his phone that is directly facing him. Malakas ang loob ko na may tama siya ng drugs that time dahil pulang- pula ang kaniyang mga mata at saka wala siya sa kaniyang tamang pag- iisip,” pagpapatuloy pa ni Hendrix.
“I also have a video clip from the black box I got on the car near the crime scene.”
Hendrix took out a flash drive from his pocket and handed it to Jiho. Agad naman itong sinalpak ni Jiho sa laptop upang mai- flash ito sa screen.
The audience started to watch to whole scene. Nakita rin doon si Hendrix na naglalakad at nakasalubong ang mga tanod. Malinaw rin sa video clip na kaniyang ipinasa ang paghiwalay ni Jonathan sa kaniyang mga kasama at ang pagpunta nito sa gilid ng kalsada.
Nang makalagpas na si Hendrix sa mga tanod, nakita doon ang pagtigil ni Hendrix sa paglalakad. Nagtungo siya sa gilid ng kalsada, at iyon din ang eksaktong oras ng pagbalik ni Jonathan sa kalsada.
“So, hindi si Mr. Jonathan ang nasa likod ng pagkamatay?” Kaela whispered with a furrowed forehead.
Everyone in the court was left astounded. They saw that it was not Jonathan who r***d and killed Mrs. Lucilda. Her family, including her husband, stood up from their chair and shouted.
“Hindi ako naniniwala, siya ang may gawa niyan!” sigaw ng asawa nito sabay turo kay Jonathan.
Napalingon naman si Hendrix sa audience at napangisi. Nagtaka si Jiho sa bahaging ito. Unti- unti nang nakakatunog si Jiho sa mga nangyayari, at naipagtatagpi- tagpi na niya ang mga kaganapan.
“Malinaw po sa video na hindi si Mr. Jonathan ang may sala sa pagkamatay ni Mrs. Lucilda,” banggit ni Hendrix.
“Bakit tumataliwas ang saksi?” muling sigaw ng asawa ni Mrs. Lucilda na halos biningi ang mga taong nasa korte.
“Order in the court. Order in the court,” Judge Martinez said as he bang his gavel to warn the noisemakers in the courtroom.
Agad din namang inawat ng kaniyang anak ang kanilang ama upang hindi ito mapalabas ng courtroom. Nagpatuloy naman si Hendrix sa pagbibigay niya ng kaniyang salaysay.
“I also have a CCTV footage from the nearby apartment, and I think this will make sense,” nakangiting bigkas pa ni Hendrix.
Iniabot ni Hendrix ang isa pang flash drive kay Jiho at dali- dali rin naman itong isinaksak ni Jiho sa laptop upang i- flash sa screen.
Sa CCTV footage, nakita ng lahat ang mag- asawa na nag- aaway sa isang gilid. Pagkatapos ng kanilang pag- aaway, nagtungo ang dalawa sa isang madilim na kalsada kung saan naganap ang karumal- dumal na krimen.
Nanlaki ang mga mata ng asawa’t anak ni Mrs. Lucilda. Nakita rin sa CCTV na ang oras at araw na iyon ay tugma sa kung kailan nangyari ang insidente.
“Malinaw naman po sa video na ang person of interest ngayon ay asawa ni Mrs. Lucilda na si Mr. Gregorio Gomez,” Hendrix said then looked at him with a grin on his face.
Tinignan din ng kaniyang mga anak ang kanilang ama na nasa tabi nila. Galit ang kanilang mga mukha sa kanilang ama, subalit hindi makatingin sa kanilang ang kanilang ama. He has showed signs of anxiety which make him more of a guilty person.
“Is it true Dad? Did you kill Mom?” tanong ni Jeff, anak nila.
“I will explain everything later, Jeff,” malumanay na sagot ng kaniyang ama.
“Dad tell us now! Did you kill Mom?” Jeff asked again in a shattered voice.
Hindi na umimik si Gregorio sa kaniyang mga anak.
The judge decided to end the trial, and continue it some time. Jonathan’s name is now finally cleaned. Wala na siyang kinalaman sa kaso na ito dahil na- prove na siya ay not guilty of that crome. And now, si Mr. Gregorio Gomez na ang siyang sasalang sa mga paaglilitis upang linisin ang kaniyang pangalan.
“Wow, Hendrix. Paano mo nagawa iyon?” namamanghang tanong ni Kaela kay Hendrix habang sila ay naglalakad palabas ng korte kasama si Jiho.
Humarap sa kaniya si Hendrix at saka nginitian siya nito.
“’Di ba nga, sabi ko sa’yo matalas ang memory ko tuwing araw,” Hendrix confidently answered.
Sinamaan siya ng tingin ni Jiho, at saka ngumuso ito.
“Eh gabi nangyari ‘yong krimen, paano iyon?” pagtataka pa ni Kaela.
“Inaral ko lang siya nang mabuti, ganon,” nakangiting tugon ni Hendrix.
“Kaya ko rin naman iyon eh...,” bulong pa ni Jiho nang nakabusangot.
“Anong sabi mo Jiho? Hindi ko narinig,” tanong ni Kaela na nasa kaniyang gilid.
“Wala. May sinabi ba ako?” pagtanggi pa ni Jiho.
“Oo narinig ko may sinabi ka,” ani Kaela.
“Wala naman akong sinasabi ah,” Jiho denied again.
“Anyway, ang galing mo rin kanina ah. Excited na tuloy ako maging prosecutor dahil sa iyo,” nakangiting sambit ni Kaela.
“Jiho, may I ask? Kailan ulit ang next trial?” tanong ni Hendrix.
“Hindi ko pa alam eh, pero baka i-remind ako ni Mr. Rupert,” tugon ni Jiho.
“Really? Kay Mr. Rupert?” ani Hendrix.
“Yes, bakit?” nagtatakang tanong ni Hendrix.
“Sa kaniya ako lumapit kahapon at saka nag- volunteer ako na maging witness. Diniscuss ko rin sa kaniya ang mga evidences na nakuha ko,” Hendrix responded with a wide smile plastered on his face.
“Hindi nga nabanggit sa akin ni Mr. Rupert ang witness eh kaya laking gulat ko na ikaw pala ang witness,” sagot naman ni Jiho.
“Free ba kayo ngayon? Samgyup tayo, libre ko na,” pag- aalok pa ni Hendrix.
“Sure, oo naman,” walang pag- aalinlangang sagot ni Kaela.
Sabay namang tinignan ni Kaela at Hendrix si Jiho dahil tila wala itong imik at walang balak sumama sa kanila.
“Sumama ka na Jiho,” pag- aaya ni Kaela.
“Oo nga, first time natin ‘tong kakain na tatlo sa labas,” pag- aalok muli ni Hendrix.
Tinignan naman sila ni Jiho, at wala na rin itong nagawa kundi ang sumama sa dalawa dahil sa pag- aalok nila.
“Grabe, hindi ka man lang nautal kanina habang nagsasalita ka tapos detalyado pa ‘yong mga sinasabi mo. Paano mo nagawa ‘yon?” Kaela praised Hendrix for his commendable performance on the court, while she was gnawing a thin slice of pork.
Nagluluto ng baboy si Jiho at pinagmamasdan ang dalawa sa kanilang pag- uusap. Hindi rin naman niya gaanong pinansin ang dalawa dahil nagugutom siya. Mariin lamang siyang nakabusangot habang nagluluto.
“Pinag- aralan ko kasi nang maayos kagabi ang mga sasabihin ko at sinigurado kong maipapaliwanag ko nang malinaw ang mga iyon,” nakangiting tugon naman ni Hendrix.
Labis namang namangha rito si Kaela at may pagbuka pa ng bibig. Nakita siya ni Jiho at tila ba nalukot ang mukha nito nang masilayan ang reaksyon ni Kaela.
“Tapos ako hindi mo man lang pupurihin...,’ bulong ni Jiho sa hangin habang siya ay nagluluto ng kanilang pagkain sa pan.
Napatingin ang dalawa sa kaniya at tila ba nagtaka. Napansin naman ito ni Jiho kaya iniangat niya ang kaniyang tingin at nakita silang nakakatitig sa kaniya.
“Ha? Nagsalita ka ba Jiho?” tanong ni Kaela habang naniningkit ang mata.
Ganoon din naman ang reaksyon ni Hendrix sa kaniya dahil halos si Jiho lamang ang siyang nakarinig ng kaniyang sinabi.
“Ah wala,” tugon naman ni Jiho sabay tawa upang maalis ang pagiging awkward ng paligid.
“We? May sinabi ka eh,” pangangasar pa ni Kaela sa kaniya.
“Wala nga, ang kulit mo ah,” pagtangging muli ni Jiho habang patuloy sa pagluluto ng baboy.
“Bakit hindi kita pinuri? ‘Yon ba ang sinabi mo?” pang- aasar ni Kaela sa kaniya nang may nakauuyam na ngiti.
“Ha? Wala naman akong sinasabi ah. Nananahimik lang ako dito eh,” Jiho constantly denied with a glowered face.
Patuloy naman ang pang- aasar sa kaniya ni Kaela dahil sigurado ito sa kaniyang narinig.
“Magaling ka naman na talaga, hindi na kailangan pang sabihin iyon,” bitaw ni Kaela sa malumanay na boses sabay muling kain ng baboy.
Napatigil si Jiho sa kaniyang pagluluto. Bahagya itong natulala sa sinambit ni Kaela at pilit niya iyong prinoseso sa isipan niya.
Marahan siyang napatingin kay Kaela. Tinitigan niya ito habang si Kaela ay kumakain. Bumalik siya sa kaniyang pagluluto at saka doon ngumiti.