LALAINE'S P.O.V.
Maaga akong nagising upang tulungan ang aking ina na mamalengke. Nagtitinda kasi sya ng ulam. Sinabi han ko na siya na ako na lang ang magtrabaho at magpahinga na lang sya at magrelax pero nakakaloka talaga ang mader ko dahil ayaw paawat. Kaya ayun hinayaan ko na lang at tinutulungan ko na lang sya na mamalengke, pumunta kami sa suki ni mama sa gulayan.
“Haler manang indaaaaay pabili naman ng pinaka sariwang talooong”
*poinkkk*
“Aray naman maderrr why naman nanapok? Im just joking hmmm masisira ang beauty ko nyan e”
“E ikaw na bata ka e. Hindi naman ako mag totorta ang aga aga talong agad hanap mo” Binalingan na ni nanay ang tindera na tawa ng tawa “osya mare magluluto ako ngayon ng chopseuy, sinigang at caldereta meron ka bang mga sangkap dyan?”
“Meron mare, nako nakakatuwa siguro pag may anak na binabae ano? Hindi mabubuo ang araw mo kung hindi ka tatawa Hahaha. Tyaka napaka swerte mo sa anak mo napaka bait, o eto mare 370 lahat 360 na lang”
“Ay bongga aling indayy gawin mo nang 350”
“ o sya sge na ngang bata ka, o eto sikwenta sukli nyo”
"Siya nga pala mare bakit tatlong putahe na lang ang niluluto mong ulam?"
"eh ito kasing anak ko ayaw nakong pag tindahin, e hindi naman ako sanay ng natatambay lamang sa bahay kaya eto may usapan kaming tatlong putahe lang kada isang araw."
“Hay nako madir kung pwede nga lang na tumigil ka na e, pero ayaw mong paawat nakakaloka ka. Sige na Aling indaay mauuna na po kami,maraming thankyou sayo aling indaaaayy babushhhh” umalis na kami sa gulayan at nagtungo na kami sa mga karnehan. Inuna namin ang manok at sinunod ang baboy upang makauwi na kami ngunit nag pantig ang aking magandang tenga dahil sa nasagap na cheesemiss.
*alam nyo ba na mag papa pageant ang ating gobernador para sa darating na piesta?*
*ay oo nga daw mga mars at ang laki pa ng papremyo!*
*ay ganon ba sasali ako! Magkano ba ang premyo?*
*one hundred thousand daw mga mare! Ay hindi ka na pwede mare mga virgin lang dapat don. E lima na anak mo e HAHAHA*
*edi yong anak ko na lang mars tiyak na pasado sya don*
*pwede naman mare basta wag lang syang ngingiti ano baka makita ang pinakatago tagong perlas na itim HAHAHAHA*
*anong sabi mo!?? Maganda ang anak kaya isasali ko sya!*
*wala naman mare*
Tumpaaaak!!! Kaya sumabat ako sa kanila ano! Perfect na perfect ang aking bessyy kaya lang pano ko kaya sya mapapapayag? Hmm?
“Hellllooo mgaaaa atennng magagandaaa! Good earlyyy morninggg. Tanong ko lang po san po mag paparegister kung sasali man sa pageant?”
“Huh? Hindi ka pede don pang babae lang yon at pang maganda” sabi sakin ng napagalaman kong lima na ang anak
“Hindi naman po ako ang sasali balyena este ateng maganda! Isasali ko ang aking bespren. Tiyak kakabugin yang anak nyo” sagot ko sa impaktitang ito
“Nako iho pag pasensyahan mo na itong kumare namin ah, sya nga pala pumunta ka lang sa opisina ng munisipyo, mamaya ng tanghali ang pag paparegister hangang bukas lang iyon ng tanghali kaya pumunta na kayo mamaya dahil baka maubusan kayo ng slot” sagot saakin ng babaeng maganda na nag titinda ng isda.
“Ssge po ate Maraming salamat po mwa mwa” pasalamat ko sa kanya at ng muli kong tignan ang isa pang babae ay tinarayan ako kaya binato ko ng tahong HAHAHA serves her right hmmp!
Nakauwi na kami ng bahay mga 5:30 na ng umaga. Kaya naman napagpasyahan ko munang maligo. Pagtapos kong maligo ay mag aalas sais na kaya tinulungan ko muna ang aking ina na mag hiwa ng mga sasangkapin nya sa mga lulutuing ulam para sa tanghali. Natapos ako ay mag aalas syiete na kaya napag pasyahan ko na pumunta na sa bahay ng aking besfren na si drento. Hmp! Kababaing tao gusto panlalaki ang gamiting pangalan! Ewan ko ba sa nanay nya kung saan nakuha iyon! Pero infairness ang ganda. Teka hindi ko pa pala naitanong kay drento kung anong gagawin nya about sa kanyang tunay na ina. Hays ang besfren ko all this time isa palang rich ng hindi rin nya nalalaman.
*hay nako manang ilang bwan na po kayong hindi nakakabayad ng renta ah. Abay kung wala kayong pambayad wag na kayo dito sa apartment ko!!!*
*pasensya ka na madam nagkasakit kasi ang asawa ko kaya hindi na kami nakapaghanap buhay, isang bwan pa lang po kami late magbabayad naman kami pinambayad lang muna namin sa tubig at kuryente”
*ayan din ho ang sinabi nyo saakin nong nakaraang linggo. O sige bibigyan ko kayo ng palugit ng dalawang linggo kung hindi ay pasensyahan tayo*
Dinig kong pag uusap ng may-ari ng bahay na inuupahan ng aking besfren at ng kanyang nanay elsa hays. Kelangan talaga makumbinsi ko syang sumali sa pageant na yon. Nang mawala sa aking paningin ang may ari ng bahay ay tyaka ako kumatok at sumigaw ng pagkalakas lakas.
“BESSSSS AHHHHHHHHHYYYYY MAY CHIKAAAA AKO SAYOOOOOO! AT BAWAL MOKO HINDIAAAAN!” Pangunguna ko sa kanya dahil alam ko naman na tatangi siya sa hihilingin ko. Sana ay makumbinsi ko siya. Pero ng maisip ko ang kalagayan kanina ni aling elsa edi may pang blackmail nako sa kanya dahil alam kong kulang ang sinasahod nya kung pag sasamahin ang lahat ng raket nya.
“Ano ka ba naman lola ang ingay ingay mo umagang umaga! At anong chika? Napaka chismosa mo talaga ke aga aga!”
“Chismosa agad? Hindi ba pwedeng nakarinig lang ng mga balita? Ikaw, minsan napakan judgemental”
“Oo na, sorry na okay? So ano nga? Anong balita mo?”
“Tyaka hello? Hindi ako lola at lalong hindi ako mukang lola! Its lalaine! Lalaine! Lalaine!!!” Bulyaw ko sa kanya “okay sge ito na nga may nasagap ako balita na magkakaroon daw ng pageant ang ating gobernador! Ang alam ko fiesta ng isa sa mga lungsod na hawak nya pero isa lang ang alam ko! Nagpapalakas sya at maging mga ka partido nya para sa darating na eleksyon 6months na lang at mag eeleksyon na!” Dagdag ko pa pero parang wala syang idea kung anong ibig kung sabihin hmmm. Let me put an act hahaha.
DRENTO'S P.O.V.
Mag aalas syiete na ng magising ako mamaya pang ala una ang pasok ko. Hindi parin mawala sa isip ko ang pinag usapan namin ni nanay kagabi. Paglabas ko ng aking kwarto saktong pagpasok naman ni nanay elsa mukha siyang malungkot na takot na kinakabahan.
Pero diko pinahalata na nakita ko ang kanyang emosyon. Sa halip ay nagpasya akong lapitan at yakapin sya at batiin ng magandang araw.
“Magandang umaga sa napakaganda ko nanay” tila napalitan ng saya ang kanyang muka sa aking pagbati ano kayang iniisip ni nanay? Sana ay wag nyang isipin na ibigay ako sa tunay kong ina. Nasa tamang edad naman na ako e kaya wala silang pakialam sa desisyon ko. Diko sila kayang iwan tulad ng pag iwan sakin ng aking ina. Ngayon pa ba na sobrang mahal ko silang dalawa.
“Nako anak napaka bolera mo talaga, hala sige mag hilamos ka na at tayong mag aagahan” ngunit di padin ako umaalis sa kanyang pag kakayakap. Napabitiw lang ako ng may narinig akong napaka sakit sa tengang boses, sigurado akong chismis nanamn ang dala nito. Binuksan ko ang pinto at mag sasalita sana at papapasukin ngunit hindi na kailangan dahil bago pako mag salita pumasok na sya at nag tatatalak.
“BESSSSS AHHHHHHHHHYYYYY MAY CHIKAAAA AKO SAYOOOOOO! AT BAWAL MOKO HINDIAAAAN!” Nako ayan nanaman po tayo sa bawal hindian.
Sinabi nya sakin na may pafiesta pagaent si Governor. Dahil maraming beses na nya akong kinukumbinsing sumali sa mga ganyan ay hindi na bago sakin ang gagawin nya ngayon. Hindi talaga nya ako napapa oo. Wala akong talent sa pag papagaent oo nga’t nakaka sagot ako ngunit hindi ko naman alam ang mang yayare mamaya e matapilok ako o di naman kayang mapahiya. Kaya mas okay na sakin ang magtrabaho at rumaket ng kung ano ano pwera na lang ang pag gawa ng masama its a big no for me.
“Hay nako larry este lalaine wag mokong isinasali sa mga kapritchohan mo ha, hindi bagay sakin ang sumali sa ganyang pagaent ayokong mapahiya noh so its a no”
“Hays sayang naman ang one hundred thousand para sa mananalo may consolation prize din naman kung sakaling hindi manalo pero sigurado ako bes mananalo ka” nag lungkot lungkutan nanaman ang baklang to. Pero one hundred thousand? Hindi bat parang napakalaki naman non? Sabagay tama si bes mag eeleksyon na kase kaya ito yong way nila para manohol. Tsk politician skill gagamitin pa ang pera ng bayan para sa mga kagustuhan. Tinignan ko ang itsura ng baklang kanina pa nag iinarte pero walang effect sakin yang ganyan nya no hmpp.
“Bes alam mo ba kung sino ang pumunta sa bahay nyo kanina?” Huh? May pumunta sa bahay kanina? Kaya siguro parang iba ang mukha ng aking nanay. Wag naman sana ang tunay kong ina. Pero bago pa man ako mag salita ay inunahan na nya ako
“Si madam, ang may ari ng apartment nyo. Sinisigawan nya ang nanay mo bes hindi mo ba narinig?” Nalulungkot nyang sabi sakin.
“Huh? Hindi eh saktong pag pasok ni nanay siya namang pag labas ko. Pero parang iba nga si nanay ngayong umaga” pero bago ko pa nadugtungan ang sasabihin ko ay kinuwento na ni lalaine ang nangyari sa labas kanina. Nakaramdam ako ng galit but at the same time awa. Hindi kasya ang sasahurin ko ngayong bwuan, ang bayarin namin sa bahay ay nagkakahalagang 6500. ang upa namin sa bahay na ito at may mga gastusin pa kaming iba. Nabayaran ko naman na ang sa kuryente at tubig pero nakalimutan ko ang sa bahay dahil hindi naman ipinapaalala ni nanay. Malaki na rin ang utang ko sa aking kaibigan na may ari ng milktea shop. Si bes naman alam kong sakto lang din ang kinikita nya. Ano ng gagawin ko?
“Bes sumali na tayo, sumali ka na ako na mag proprovide ng mga gagamitin mo.”
Parang kakainin ko ata ang sinabi ko kay bes na di nyako mapapa oo ah. Pero kinakabahan parin ako wala akong alam about sa pageant na yan. Hays bahala na nga basta may maiuwi, may utak naman ako at di naman din masama ang height at itsura ko.
“Parang wala nakong ibang choice bes alam mo namang hindi ko kayang tiisin ang mga magulang ko kaya pag bibigayan kita pero sagot mo lahat ah wala akong gagastusin pero kung manalo ako KUNG SAKALI LANG HA? ibabalik ko sayo may tubo pa” nag aalanganin kong ngiti sa kanya ngunit nagulat ako ng bigla nyakong hilahin at ipinasok ako sa kwarto ko kinuha pa ang tuwalya ko at bigla ako tinulak sa cr at pinagsarhan. Sabi na nga ba e di na to mapapakali parang wrong choice ata ako ah. Kaya naligo na lang ako. Pag labas ko nagulat ako ng may makita ako Dress na kulay Maroon. At may mga make up kit pa sa papag na tinutulugan ko. Mukhang tama ako ng hinala ah. Plinano na nya to una palang ngunit pabor din naman sakin dahil kung sakaling manalo ako hindi ko na kailangan maghagilap ng ipang babayad sa mga pinagkautangan ko. Actually hindi naman ako malakihan umutang. At kung uutang man ako ay yung kelangan na kelangan ko na talaga.
“Bes halika dito at pagagandahin kita lalo, kelangan nating magpaganda dahil magpapa register tayo o mag o-audition. pero bago ang lahaaaaat kelangan muna nating kumainnnn HAHAHHA makikikain ako sainyo! ano ulam nyo? at by the way bes, balita ko sasali din si thalia sa pageant.”pagkarinig ko non ay parang gusto ko ng umatras. Si thalia ay Maganda , Sexy at Matalino yon nga lang e nag kulang sa ugali. Lagi syang sumasali sa mga pagaent kada barrangay. Kung minsan ay nanalo sya minsan naman kabilang sya sa top 3. Hindi ko alam kung bakit lagi na lang masama ang tingin sakin ng babaeng yon. Naalala ko nga dati ng nag aaral pako laging mainit ulo nya sakin.