THIRD PERSON P.O.V.
Ang kaibigan na nya ang ipinaghanda nya ng mga order ng tatlong lalaki. Dahil may dalawa pang customer na nakapila. Ngunit ng matapos na ang kaibigan nya ay nag paalam itong mag babanyo, sakto namang wala nang oorder kaya’t sya na ang nag dala sa table ng mga lalaki.
“Ito na po yong order nyo sir”
“Thankyou miss dren”
“Your welcome sir” tatalikod na sana sya ng hawakan ng lalaki ang kamay nya at hinila palapit sa kanya.
“ you’re so beautiful dren, why cant you just have s*x with me and in exchange i’m gonna give you a money. Tell me how much you are” sabi ng lalaki na nagngangalang Joaquin. Huminga muna sya ng malalim bago tangalin ang kamay nito na nakahawak pa rin sa kanya. Ngumiti sya kahit na sobrang galit na sya sa loob nya. Hindi sya madaling magalit at tinuruan sya ng magandang asal ng kanyang mga kinalakhang magulang. At dahil na rin sanay na sya sa mga ganitong klaseng lalaki ay mahinahon lang syang tumingin sa lalaki.
“Anong sinabi mo?”
“Have s*x with me”
“Not that one,... i-it is about the-“sinadya nyang utalin ang sarili, pinutol sya ni joaquin at sya na mismo ang nag tuloy
“MONEY? I knew it madali ka palang kausap” ngumiti ito nang nagsalita ulit si dren
“Yeah about money are you sure you can give me a money that you can afford?” Dahil sa sinabi nya ay bumaling sa kanya ang atensyon ng mga tao sa lugar na iyon. lalo na ang nga studyateng nakakakilala sa CAMPUS F**KBOY. marahil nagtataka ang mga ito na magbabayad pa ang lalaki, gayong ang mga babae na ang kusang lumalapit sa kanya.
“Yes Dont you know me? i am an FUENZO. So tell me how many digit do you want?” Tumayo ang lalaki at Nakapamulsang ngumisi sa kanya kayat ngumisi din sya tila nagulat pa ang ibang mga studyante .
“I dont know you, pero isa lang ang sigurado ako hindi mo kayang ibigay ang gusto ko dahil pera ng tatay mo ang ginagamit mo hindi sayo.” Tumalikod na sya at iniwan ang lalaking nanginginig sa galit akala nya makukuha nya ang dalaga. Matagal na nyang gustong ikama ang dalaga pero mailap ito. kung kaya't mas tumaas pa ang kanyang paghahangad na makuha ito. Sa hindi kalayuan ay may nag mamasid sa dalaga ng kanyang bawat kilos may tinawagan ito at ibinalita ang ginawa ng dalaga o sa madaling salita ay ipinababantayan ito. Nagalak naman ang nasa kabilang linya. Hindi dahil inaapi ang dalaga kung hindi kaya nitong ipagtanggol ang sarili nya.
Pabalik na sana sa counter ang dalaga ng mag biglang humablot sa kanyang siko
“Hey b***h! Why are you flirting my boyfriend?!” Padabog nyang kinuha ang kanyang siko at ngumiti
“Good afternoon Miss Your boyfriend is asking me to have a s*x with him and in exchange ay bibigyan nyako ng pera. Pero shempre tumanggi ako. Sinabi pa nga nya-“ lumapit sya dito at malapit sa tenga ang bunganga nya “im not satisfied with my girlfriend, she’s nothing but a w***e” nang sinabi nya yon ay nakita nyang namumula na ang mata nito at malapit ng umiyak.
"N-no! you're lying! he's not a man that will ask some cheap girl!
"I'm sorry but im telling the truth"
"N-no, he told me he love me!"
“Kaya kung ako sayo miss wag ka ng mag aksaya ng panahon sa lalaking tingin lang sayo ay mababang uri lang ng babae, know your worth.” Nginitian nya ito at tinapik sa balikat.Tila nagulat naman ang babae sa kanya at tinanguan niya. Magaan ang loob nya sa babae kaya kahit pinagbintangan sya nito ay hindi sya nagalit.
DRENTO'S P.O.V.
Naawa ako sa babae kanina. Hindi ko man gustong sabihin ang sinabi ko sa kanya ay kailangan iyon para hiwalayan nya ang walang kwentang lalaking mayabang. Pagbalik ko sa counter ay biglang akong inambagan ng yakap ni larry aka lalaine.
“Bes ang galing mo talaga sa ganyang bagay im so proud of you dahil hindi ka nauubusan ng pasensya HAHAHA”
“Proud talaga? Kelangan nating ipamuka sa mga mayayaman na yan na hindi nabibili ng pera ang dignidad ng tao”
“Ikaw na HAHAHA labyu bes”
“Loveyoutoo larry”
“Yuckkkk sinong larry? Huh my name is lalaine!”
“Mmkay fine lalaine na okay?”
“Good”
Mag aalas otso na kaya nag handa na ako ng aking mga gamit. Sabay kaming umuuwi ni lalaine dahil hindi naman nagkakalayo ang aming mga bahay. pagdating ko sa bahay ay may nakahain na sa mesa. Nakita kong nanonood si Nanay sa sala, kaya nilapitan ko siya at Hinalikan sa pisnge at niyakap.
"Bakit ho gising pa kayo mag aalas nuebe na po, dapat ay nagpapahinga na kayo. at hindi mo na ako kailangan pang ipagluto kaya ko na po ang sarili ko"
"Napakalambing talaga ng anak ko, wag mokong alalahanin. Hindi ako mapapagod na alagaan ka. Pasensya ka na anak ha at hindi na kayang mamasada ng tricycle ni Tatay long mo. Hindi naman ako ulit makapag tinda sa palengke dahil walang nag aalaga sa kanya. ikaw tuloy ang nag hahanap buhay para satin. nahihiya na ako sayo anak"
"Si nanay talaga, wag po kayong mag alala.
Ako na pong bahala, Aalagaan ko po kayo katulad ng pag aalaga ninyo saakin. Hindi po dahil obligasyon ko yon kundi po dahil Mahal na mahal ko po kayo ni tatay."
"Oh siya, halikana at kumain lalamig na ang iyong kakainin."
Habang kumakain ako ay napapansin ko ang panay tingin sakin ni nanay. Parang may gusto siyang itanong ngunit nagdadalawang isip siya.
"Nay? may gusto po ba kayong sabihin? kanina pa po kayo hindi mapakali"
"ahmm... anak kasi, pumarito muli ang tunay mong ina, kaninang hapon kinausap niya ako at pinasalamatan. gusto ka niyang makausap anak may gusto siyang sabihin sayo. nagmakaawa siya saakin na pakiusapan kang kausapin siya. sinabi ko namang hindi ako ang mag dedesisyon. pero kung ako ang tatanongin, gusto kong kausapin mo sya at para na din maliwanagan ka kung bakit ka niya inabandona. naniniwala akong may malalim siyang dahilan." dahil sa sinabi ni nanay ay nawalan ako ng gana. gusto ko naman talaga malaman ang dahilan ng ginawa nya sakin. napapaisp ako, kung hindi niya kaya ako inabandona ano kaya ang mangyayari sakin. but at the same time thankful ako kasi sila nanay ang nakakita sakin. sa mismong tricycle pa ni tatay long ako nakita.
*Flashback*
NANAY ELSA P.O.V
*4am in the morning*
"Mahal, magiingat ka sa pag biyahe. mamaya nako pupunta sa palengke alas sais pa ang pasok ko." ani ko
"Sige mahal magiingat ka din, osya at papasada na ako" pasakay pa lang sya ng tricycle ng may marinig kaming iyak ng sanggol. inaamin kong natakot din ako.
*waaaahhh oahhhh waaahhhh!!!*
"a-aahhhhhhhh!!! tiyanakk!!" tinignan ko ang sakayan ng pasahero ng may nakita akong sanggol.
"Tiyanak ka jan! jusk* mariosep sino bang magiiwan ng napakagandang sanggol na ito dito?. sh shhh shh" ngunit hindi parin tumahimik ang sanggol.
"mahal, napaka gandang bata!"lumapit sakin ang aking asawa at tinignan ang sanggol
"halika ka na at dalhin natin sya sa police station! "
"ha? ano ka ba naman, biyaya na sa atin ng Diyos ito. matagal na naten gustong magka anak. ito na mahal, ako na ang magiging ina na batang ito. mamahalin ko siya na parang tunay kong anak. kaya't pag bigyan mo na ako" naluluha kong saad sa aking asawa.
"Siguro nga'y para siya sa atin mahal ko. halika't samahan moko sa butika at ibili natin ng gatas"
*end of flashback*