Iyon ang una at huling pagkakataon na nakita ko si Winter ng taong iyon. Hindi na iyon nasundan pa. At tanging sa larawan sa social media ko na lang siya nakikitang nakangiti at halatang walang problema. Hindi na muling pinagsanga ng Tadhana ang landas naming dalawa. Gustuhin ko man na sumama sa mga family dinner namin sa kanilang pamilya upang muli ko siyang makaharap at makita ng personal, ngunit kada tatangkain ko iyon ay may mga hadlang na nagiging ganap. Hadlang na kahit na hanapan ko ng solusyon ay hindi pa rin kami nagagawang pagharapin. Unti-unti ay tinanggap ko na lamang na marahil ay paraan na rin iyon ng Tadhana upang hindi na muling mas lumalim pa ang aking pagtingin sa kanya na unti-unti na namang nagkakaroon ng suloy magmula noong ihatid niya ako sa aming bahay sa gitna ng ru

