Mabilis na akong napalunok nang sunod-sunod habang nakatingin sa kanyang mukha. Hindi ko inaasahang sa lahat ng pagkakataon ay ngayon siya makikita. Hindi na rin ako umasang magkru-krus muli ang landas naming dalawa dahil ayon sa mga post ng kanilang mga kaibigan ay busy rin siya. Kasali na naman siyang muli sa soccer team ng kanilang university at palaging busy ito sa kanilang practice doon. At naging masaya na rin akong makita siya sa mga larawang ina-upload ng mga kaibigan niya. Magmula kasi noong nagbakasyon kami sa China, hindi na rin siya nag-message o chat pa sa akin. At hindi ko rin tinangkang magpadala ng chat sa kanya. May natitira pa naman akong hiya sa aking katawan para gawin ang bagay na iyon sa kanya gayong isinuka ko naman siya noon. “Hindi ka pa uuwi?” muli niyang tanong

