Patuloy na nalagas ang mga araw ng aking pagiging grade eight student at patuloy na umusad ang mga araw. Ang buong akala ako ay magiging boring ang pagiging 8th grade namin ngunit hindi iyon nangyari dahil naging kaklase namin si Mhyka. Tuluyan man kaming nawalan ng connection kay Princess dahil sa pagkawala nito sa social media account, ay umaasa pa rin kami na isang araw ay makikita namin siyang muli. Muling mabubuo ang pagkakaibigan naming mga bata pa nagsimula. Malungkot man ay mas minabuti naming maging masaya at e-enjoy ang aming pagiging bata na sa kasabihan ng mga matatanda ay minsan lang ito mangyayari. “Sana ay okay lang talaga si Princess.” hindi mapigilang isingit ni Chyna sa mga araw at pagkakataon na masaya kaming tatlo na kagaya na lang ngayong hapon. “Siguradong okay lang

