Malakas na akong humalakhak doon. Annoyed pa rin ito sa akin dahil sa minsan ay hindi niya pa matanggap na nakuha ko ang atensyon ni Sky at boyfriend ko na. Bukal sa loob niyang sinabi ang mga bagay na iyon sa akin kaya nalaman ko ito. Minsan nagui-guilty ako, kaya lang inisip ko na lang na mas mapalad lang ako kumpara sa kanya. “Sasamahan mo ba akong puntahan si Ate mamaya sa classroom nila?” “Ikaw na lang, hindi ka naman mawawala sa campus.” “Chyna...” “What?” “Kapag sinamahan mo ako ay kukunin ko ang number ni Storm kay Ate Autumn.” tahasang turan ko, ilang araw na ang lumipas na hinihiling niya iyon sa akin. At sa bandang iyon ay nauunawaan ko siya. Marahil nga ay nabaling nga kay Storm ang pagtingin niya kagaya na lang ng nangyari sa akin mula kay Winter palipat kay Sky. Sa aki

