Chapter 68

2495 Words

Nagsukatan kami ng tinging dalawa doon na kapwa hilam sa luha ang mga mata. Patuloy pang namuo at umagos pababa ang kanyang mga luha na pilit niyang ipinapakita sa akin kung gaano siya nasasaktan ngayon. Mabilis siyang umiling-umiling na animo ay hindi siya makapaniwala sa aking huling tinuran. Nababasa ko ang labis na pagkadismaya sa kanyang mga mata, at panigurado ako na ganundin ang nakikita niya sa aking mga matang matamang nakatitig rin ngayon sa kanya. Higit akong dismayado sa mga ginagawa niya. Kung hindi siya sang-ayon sa aking pakiusap, pwes ay hindi rin ako sasang-ayon sa kanyang mga kahilingan. Maano bang sabihin niya kay Mommy at Daddy ang tunay niyang nararamdaman. Hindi iyong aabot pa kami sa sitwasyong ito na lalo lang niyang pinapahirap sa lahat. Patuloy pa siyang umiyak,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD