Matuling lumipas ang mga araw magmula nang mangyari ang bagay na iyon. Sa bahay ay hindi kami nagpapansinan ng aking kapatid na hindi kagaya noon na ilang araw lang ang lumipas at naging okay agad kami. Ngayon ay mas malala ito. Kung minsan pa nga ay hindi kami nagkikibuan kahit na kasama namin ang aming mga magulang. Mabuti nga at hindi nila napapansin ang trato namin sa isa’t-isa. Ipinagpapasalamat ko na rin na madalas umalis si Ate ng bahay kapag weekend, lalo na at start na ng practice nila ng graduation. At naiiwan ako doong mag-isa. “Seryoso ka ba diyan, Summer?” hindi rin makapaniwalang tanong ni Mhyka nang sabihin ko sa kanilang dalawa ni Princess ang aking natuklasan kay Ate Autumn. “Oo.” Nasa labas kami ngayong tatlo at napagkasunduang kumain at mag-bonding. Sa haba ng month

