Patuloy ang mabilis kong paghakbang papalayo ng petshop yakap ang binili kong catfood. Hindi ko namamalayan na lumuluha na pala ako nang dahil sa sakit ng panghihinayang. Marahas ko iyong pinalis. Dumaan ako sa tindahan at bumili ng lollipop. Doon ko ibinuhos ang aking atensyon kahit na may kurot pa rin ng sakit. At sa halip na dere-deretso ang aking lakad, may lakas pa ako ng loob na dumaan sa mini-park upang tumambay sa swing at magmuni-muni sandali. Hindi alintana ang dilim na yumayakap na sa buong paligid ng lugar. Hindi na rin ako natatakot. Lumakas na ang aking loob. “Sana pwedeng balikan ang dati.” mahinang bulong ko matapos na tanggalin ang lollipop sa aking bibig, nasa kandungan ang binili kong catfood. Marahan ang ugoy ng duyan na aking sinasakyan, sumasabay iyon sa lumalamig na

