Chapter 71

2599 Words

Pilit ang aking mga ngiting ibinigay kay Winter nang lumabas na siya sa pintuan ng banyo. Hinintay ko talaga ang pagkakataong iyon upang iabot ang regalo sa kanya. Ipinangako ko sa aking sarili na kailangang ibigay ko ito sa kanya ngayong araw na ito anuman ang mangyari. Kung kaya naman nang magbanyo siya ay ilang minuto lang ang aking pinalipas at sinundan ko na siya. Nilunok ko ang hiyang bumabalot sa aking kalamnan para lang matapos na iyon. Ipinangko ko sa aking sarili na ito na ang huling magiging interaksyon ko sa kanya. At hindi na muli akong lalapit pa. Hindi ko na siya kakausapin. Ito na ang magiging closure naming dalawa ngayon sa pagkakaibigang aming binuo noong nasa elementarya pa lamang ako. Sigurado na ako dito. “Anong ginagawa mo dito, Summer?” walang kaamor-amor niyang tan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD