Chapter 1

2434 Words
TULALA si Rain habang pinapanood ang kaniyang ina na masayang nakikipag-usap sa mga bisita. Katatapos lang ng seremonya ng kasal nito sa dating American-Turkish nitong alaga. Dalawang taon itong nagsisilbi bilang caregiver ng disabled na bilyonaryo roon sa Pasig City, si Lucio Demir. Aware siya na hindi nagpakasal dito ang mama niya dahil sa pagmamahal, kundi sa yaman. Sinuportahan niya ito dahil wala naman siyang nakikitang masamang motibo ang kaniyang ina. Naaalagaan naman nito ang sixty-three anyos na ginoo. Sobrang bait nito sa kanila at itinuring siyang anak na handang suportahan sa lahat ng gusto niya. Hindi niya maikakailang uhaw rin siya sa kayamanan dahil salat sila niyon. Sixteen years old siya noong namatay sa aksidente ang papa niya na nagtatrabaho sa construction site. Simula noon ay pinangarap na niyang maranasan ang marangyang buhay. Pero simula pagkabata, pangarap na niya maging beauty queen at sikaw na artista. Nagtapos siya sa kursong fine arts. Sa edad na biyente-singko, unti-unti nang naisasakatuparan ang kaniyang mga pangarap. Hindi siya makararating sa mithiing iyon kung hindi siya tumalikod sa nakasasakal na relason niya kay Kaiden. But the past wound was still painful in her heart, yet she must move on and keep pursuing her dreams. Pumiksi si Rain nang may kamay na humawak sa kaniyang kanang balikat. Napalingon siya sa lalaki, kay Dion, na minsan niyang nakatrabaho sa isang TV commercial. Anak ng kaibigan ng kaniyang ina si Dion, na tinulungan din nitong makapasok sa talent agency at naging artista. Niligawan siya ni Dion, at dahil sa ideal qualities nito, walang pag-alinlangang sinagot niya ang binata. Tatlong buwan na silang magkarelasyon nito. Pero inaamin niya na hindi pa ganoon kalalim ang feelings niya rito. “Bakit mukhang hindi ka masaya?” may himig ng pag-aalalang tanong ni Dion. Pumihit siya paharap dito at lumambitin sa leeg nito. “Obvious ba talaga?” aniya, matabang na ngumiti. “Yes, but I will make you happy tonight. Let’s go on the rooftop,” sabi nito at hinila siya sa kamay. Napasunod naman siya rito. Humagip pa siya ng cocktail mula sa tray ng nasalubong nilang waiter. Kahit three inches ang takong ng sapatos niya ay mabilis ang kaniyang paghakbang. Hanggang binti lang naman ang laylayan ng kaniyang gown kaya hindi mahirap gumalaw. Pagdating sa rooftop ay namangha siya nang makita ang nagliliparang fireworks sa himpapawid. Umaliwalas ang kalangitan. “Wow! Para saan ang fireworks?” manghang tanong niya sa nobyo. “Ngayon ang opening ng concert ng kapatid ko,” sabi nito. Napalis ang ngiti niya at humarap sa binata. “Bakit narito ka? Hindi ba dapat pinapanood mo siya?” “It’s okay. Kailangan mo ako rito. Alam ko kasi na maa-out of place ka na naman,” nakangiting tugon nito, marahang hinaplos ang kaniyang pisngi. “Thanks, Dion. You’re my savior,” mangiyak-ngiyak na usal niya. “Smile, Rain. I want to see you wearing the most brilliant smile on earth. Ikaw ang pinakamagandang bituin na nakita ko.” She giggled. “Bolero ka talaga.” “No. I’m telling you the truth. I love you,” anas nito sa kaniyang tainga. Hindi siya nakahuma nang siilin nito ng mapusok na halik ang kaniyang mga labi. And as she closed her eyes, she felt the warmth, the passion of a kiss from a different guy. Bigla siyang dinala ng kaniyang diwa sa nakaraan. Sa mas masakit na parte ng nakalipas, noong tuluyang natuldukan ang relasyon nila ni Kaiden.… WALANG tigil sa pagpatak ang mga luha ni Rain, tila walang katapusang ulan na binabasa ang kaniyang makikinis na pisngi. Matapos niyang kausapin si Kaiden sa bahay ng mga ito ay matatalim na salita ang narinig niya mula rito, sinundan pa ng mensahe sa kaniyang inbox sa social media. “Leaving me in vain won’t make you happy, Rain, I swear. Fvck you! Buong buhay kitang minahal. Wala akong ibang ginawa kundi ang mapaligaya ka, and now, you slapped me with your fvcking decision and made me realize how nobody I am!” Naalala niya’ng sabi ni Kaiden noong huli silang nag-usap. Hirap na hirap na siyang magdesisyon. Naibenta na ng mama niya ang lupa’t bahay nila roon sa Pampanga. Bibiyahe na siya papuntang Maynila bukas makalawa. Hindi niya maaring kanselahin ang schedule ng interview niya sa talent agency. Masasayang ang lahat na pinaghirapan ng mama niya para matulungan siyang maabot ang kaniyang pangarap. Sa ilang oras na paglunoy niya sa sakit at luha, nais niyang muling makita si Kaiden upang matiyak kung ano ba talaga ang gusto ng kaniyang puso. Diyes oras ng gabi ay lumabas siya ng bahay at nagtungo sa fitness gym ng tiyuhin ni Kaiden. Ito ang caretaker doon sa gabi. Bukas pa ang ilaw sa baba ng gym pero sarado na ang main door. Kaya sa likod siya dumaan na madalas naiiwang bukas kapag naroon si Kaiden. Pumasok siya sa maliit na gate at tumuloy sa loob. Naroon sa lobby ang mga kaibigan ni Kaiden at nag-iinuman. “Nasaan si Kaiden?” tanong niya sa mga ito. Napatayo ang malapit na kaibigan ni Kaiden na si Ryan. Bakas sa mukha nito ang pagkabalisa. Paakyat na sana siya sa hagdan ngunit hinarang siya ni Ryan. “Busy si Kai, at saka ayaw ka niyang makita,” sabi nito. Hindi siya kumibo. Itinulak niya si Ryan at pumanhik siya sa hagdan. Nakabukas ang pinto ng kuwartong inuukupa ni Kaiden kaya diretso ang pasok niya. Ngunit napako ang mga paa niya sa sahig nang mamataan ang binata na nakatayo habang may babaeng hubad na nakaluhod sa harapan nito. Umuurong-sulong ang ulo ng babae habang sarap na sarap sa pagsubo ng sandata ng binata. Rinig na rinig niya kung paano nasasarapan si Kaiden, umuungol at napapasabunot pa sa buhok ng babae. Napapapikit pa ito at nakatingala. May damit naman ito, pants na nakababa nang bahagya. Pakiramdam niya’y may nagliliyab na apoy na dumantay sa bawat himaymay ng kaniyang mga ugat at laman. Subali’t sa halip na magalit, nilamon siya ng guilt, lalo nang balewalang titigan siya ni Kaiden, showing her how stupid he was. “Is it what you want? Living me in the arms of other women, f*cking them hard as I did to you? Taking drugs? Riding cars while chasing the angel of death?” may gigil nitong wika. Pinakita pa nito sa kaniya kung paano ito nahihibang sa sarap habang umu-orgasmo sa bibig ng babae. At nang tangka nitong angkinin ang babae ay hindi siya nakapagpigil. Nilapitan niya ito at itinulak. Nabuwal sa sahig ang babae. Si Kaiden naman ay sumubsob sa kama pero kaagad ding nakatayo. Hindi na niya namalayan ang pagtagistis ng kaniyang mga luha. “Fvck you, a*shole!” he shrieked, slapping Kaiden’s cheek with all her force. “Tonight, you give me a relevant reason to leave you forever! We’re done, Kai! And you will never see me anymore!” Nang mailabas ang galit ay tumakbo siya palabas. Walang likod-lingon na nilisan niya ang lugar. Malapit na siya sa sakayan ng jeep nang may kamay na kumapit sa kanang braso niya. Alam niya’ng si Kaiden ito kaya iniwaksi niya ang kamay nito. Hinarap niya ito at muling sinampal sa pisngi, bagay na hindi nito ininda. Tumawa pa ito. “Is that make you feel relief, to slap me? Go! Slap me more!” nanlilisik ang mga matang asik nito, inilapit pa ang mukha sa kaniya. Umangat ang kanang kamay niya ngunit bigla siyang nawalan ng lakas. Naisuntok niya sa matigas nitong dibdib ang kaniyang kamao saka humagulgol. “Kahit anong gawin mo, hindi mo na mababago ang desisyon ko, Kai. Sakal na sakal na ako sa pagmamahal mong mali. Pilit kitang inintindi dahil mahal kita, pero napagtanto ko na hindi na ako kayang paligayahin ng sistema mo. Pinapatay mo ako. Now, do what you want. Fvck all women you want! I don’t care anymore!” puno ng hinanakit niyang pahayag sa kabila ng pagpuyos ng kaniyang damdamin. Nasilayan niya ang walang tigil na pagpatak ng mga luha ni Kaiden. “You nailed it, Rain, but I can’t let you go,” gumaralgal ang tinig na wika nito. She shook her head. “It’s over,” she said, wiping her tears with her hand. Hindi siya nagpadala sa emosyon kahit nang lumuhod sa harapan niya si Kaiden, kumabig sa kaniyang mga binti. “Please, don’t leave me. I love you. I will change,” balisang usal nito. “No, you can’t. Umabot tayo ng mahigit tatlong taon, at umaasa akong maayos mo rin ang buhay mo, pero ganoon ka pa rin. Ayusin mo ang buhay mo, Kai, and I will find my comfortable life, too,” matapang niyang sabi. Humigpit ang kapit ni Kaiden sa binti niya ngunit pinilit niyang makawala. Nang makalaya ay kaagad siyang tumakbo at lumulan ng jeep. Humabol si Kaiden ngunit ipinikit niya ang mga mata upang hindi ito makita. Ngunit habang bumibilis ang takbo ng jeep ay ganoon din ang pagsigid ng kirot sa kaniyang dibdib. Alam niya sa kaniyang sarili na mahal pa rin niya si Kaiden, ngunit higit na kailangan niyang mahalin ang kaniyang sarili. KUMISLOT si Rain nang may kamay na humaplos sa kaniyang pisngi. Nahimasmasan siya nang makabalik sa reyalidad ang kaniyang diwa. “You’re crying,” sabi ni Dion, pinapahid ng kamay ang bakas ng luha sa kaniyang pisngi. “Uh, s-sorry,” aniya nang mahimasmasan. “Are you okay?” nag-aalalang tanong nito. Tumango siya. “May naalala lang ako.” Tumingala siya sa kalangitan nang may mangilan-ngilang fireworks na lumilipad sa ere. Yumapos sa likuran niya si Dion, hinagkan siya sa noo. “Whatever happened to your past, don’t look back if it hurts you. Hindi lahat ng nakaraan ay kailangang lingunin. Just focus on your future,” anito sa likod ng kaniyang tainga. “You’re right. Thank you.” “Balik na tayo sa party. Baka isipin ng mama mo ay tumakas ka na naman.” Ngumiti na siya. Pagkuwan ay sumunod na siya kay Dion pabalik sa party. Isang taon na ang nakalipas magmula noong iniwan ni Rain si Kaiden, at hindi sapat ang panahong iyon upang tuluyang humilom ang sugat sa kaniyang puso. Inuusig pa rin siya ng mga alaala ng binata. Wala na siyang balita rito kahit sa social media. Inisip niya na baka nag-asawa na iyon. Kahit ang mga kabigan ni Kaiden ay wala na rin siyang balita. Nagbago siya ng lahat ng contact number, social media accounts. Maging ang physical appearance niya ay nabago. Hindi siya kasing tapang ng kaniyang ina na kayang balewalain ang sinasabi ng ibang tao rito na nakakikilala sa kanila. Binansagang gold digger ang mama niya, at nagsasalamin din iyon sa pagkatao niya. Like mother, like daughter, ika ng iba. She can’t deny that she wanted to marry a wealthy man and lay in bed with tons of money. Wala namang masamang mangarap nang malaki, as long as sinasamahan ng sikap, tiyaga at sakripisyo. Pero nang makilala niya si Dion, na katulad niya ay nagmula rin sa simpleng pamilya, naisip niyang gamitin ang kaniyang talento upang umangat. She grabbed all the opportunities to become famous in the modeling and showbiz industry. Iyon ang matagal na niyang pangarap na hindi kayang suportahan ni Kaiden. At napagtanto niya na sukdulan na ang pagiging possessive ng dating nobyo, bagay na nakasasakal na. Iginiit noon ni Kaiden na kapag naging artista siya at sumikat, maraming lalaking magkandarapa sa kaniya at maisip niyang iwan ito. Posible nga iyong mangyari, ngunit hindi na sila umabot sa puntong iyon dahil sinagad ni Kaiden ang pasensiya niya. May mali rin naman siya, inaamin niya iyon. Pero pinili niyang maging malaya kahit masakit na iwan niya ang lalaking kauna-unahan niyang minahal. “Akala ko tumakas ka na naman, eh.” Nilingon ni Rain ang kaniyang ina na nagsalita. Naroon na siya sa mansion ng stepfather niya. Nauna nang umuwi ang mag-asawa. “Nanood lang kami ni Dion ng fireworks sa rooftop ng hotel, Ma,” sabi niya. “Hay! Akala ko naman ay nagpunta ka na naman sa gym at nag-workout.” Nilapitan niya ang ina at niyakap. “Congratulation, Ma!” bati niya sa ina. “Soon, ikaw naman ang ikakasal. Pero dapat makapagpundar muna kayo ni Dion ng sariling lupa at bahay.” Kumalas siya sa ina at nangunot ang noo. “Mama, kasisimula pa nga lang namin ni Dion sa relasyon, kasal agad?” Humalukipkip si Emma, tinaasan siya ng isang kilay. “Okay sa akin si Dion, anak. Natitiyak ko na magiging masaya ka sa kaniya,” sabi nito. She took a deep breath. Settle down was not yet included in her goals. Gusto muna niyang marating ang pinaka-goal niya, ang makapag-invest ng negosyo. Alam kasi niya na hindi habang buhay ang kasikatan sa showbiz. “Wala pa sa plano ko ang pagpapakasal, Ma,” aniya sa malamig na tinig. “Hm, huwag mo sabihing hindi ka pa nakapag-move on sa baliw mong ex-boyfriend. Aba! Buksan mo ang isip mo, Rain!” Pumalatak na ang ginang. “Ma, walang kinalaman dito si Kaiden. Wala na akong pakialam sa kaniya. Ang gusto ko ay makapag-ipon ng pera para sa business na gusto ko.” “Good. At kalimutan mo na ang lalaking ‘yon. Nakausap ko na si Lucio, at nangako siya na tutulungan kang makapasok sa malaking TV network na kaibigan niya ang may-ari.” “Talaga, Ma?” excited na untag niya. “Oo. At alam mo ba na gusto ni Lucio na bigyan ka ng mana? Total ay hindi na siya makabuntis, ikaw na lang ang anak niya.” Napalis ang ngiti niya nang may maisip. “Hindi po ba may anak si Tito Lucio?” aniya. “Eh wala naman na siyang balita roon. Ilang taon na niyang pinahahanap ang anak niya pero walang lumitaw. Namatay na rin daw ang ina niyong bata at hindi kasama roon sa America. Hindi nagbigay ng detalye ang babae tungkol sa bata.” “Pero baka biglang lilitaw ang anak niya. Paano na tayo?” “Huwag kang mag-alala, gagawa na si Lucio ng Last Will and Testament niya.” Napangiwi siya. “Ikaw ba ang nag-udyok sa kaniya na magpagawa niyon, Ma?” “Hindi, no! Siyempre, nagkakaedad na siya at may sakit. Iniisip niya na mas maganda nang nakahanda siya.” Nalungkot siya nang mahalata na kayamanan pa rin talaga ang mahalaga sa mama niya. Wala na siyang magagawa roon. Isang beses na-stroke si Lucia at paralisado ang kalahating katawan kaya alagain. Maayos naman itong naasikaso ng mama niya. Ginugupo na siya ng antok kaya nagpaalam siya sa ina na matutulog. Mag-uumaga na rin kasi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD