"Kung alam lang nila ang ginawa niya sa ‘kin. Ganyan pa rin kaya ang pakikitungo nila kay Rick kung sakali?" sabi ni Mika sa sarili. "Iho, ang last name mo kamo ay Alfonso. Tama ba? Hawig ka kasi ng kaibigan ko. Hindi ka naman related kay Martha Alfonso at Ferdinand Alfonso?" curious na tanong ng mom ni Mika. "Ho?" napalunok naman ng laway ang binata at parang pinagpapawisan nang malagkit dahil baka mabuko na siya ni Mika. "O-Opo. Mga magulang ko po sila." sagot niya habang tinitingnan niya kung anong ginagawa ni Mika. Nakahinga siya ng maluwag nang makita niya na parang hindi naman ito narinig ni Mika dahil abala ito. Mayamaya ay pumunta na ito sa kusina para tulungan si Cris sa paghahanda ng pagkain para sa mga bagong dating na bisita. "Nako, Iho. Send my regards to your parents. And

