"Hmp!" hinampas nito ang binata pero hindi naman malakas at kunwari ay nagagalit siya. “Aray!” kunwaring nasaktan namang reaksiyon ng binata. "Loko ka talaga." sabi ni Mika habang nakanguso at kunwaring nagtatampo. "Ito naman naglalambing lang. Na-miss kaya kita." na-miss rin naman ito ni Mika kahit na magkasama naman sila kahapon. "Bakit? Ayaw mo bang kini-kiss ako?" sabi pa ni Rick. "Hmm. Oo." biro naman ng dalaga. "Ah. Ayaw mo palang kini-kiss ako e. Sige hindi na nga lang." seryosong sabi ng binata pero ang totoo ay nagbibiro lang rin ito. "Ito naman. Joke lang." bawi ng dalaga kay Rick pero kunwari ay hindi siya natuwa sa sinabi ng dalaga. Hindi na umimik si Rick. "Bahala ka nga diyan." pagkasabi ay humalukipkip ang dalaga at ngumuso pa. "Hmp!" sa kabuuan ng biyahe nila ay ta

