"s**t! I'm so stupid! Bakit ba hindi ko pa sinabi sa ‘yo agad lahat simula no’ng una pa lang." sigaw ni Rick sa sarili nang hindi ito matagpuan sa parking area. Nagmamadaling sumakay siya sa kotse at pinaharurot ang sasakyan. Kailangang makita niya ang dalaga. Kailangang makausap niya ito. Inisip niya na baka umuwi na ang dalaga kaya tinahak niya ang daan papunta sa bahay nito. "Baka nakita niya kami ni Oli kanina." biglang pumasok sa isip niya. Lalo na nang maalala niya ang sinabi ni Brenda na nakita niya itong umiiyak. "s**t! s**t! s**t!" sigaw niya habang hinahampas ang manibela dahil sa inis sa sarili. Kapag may masamang nangyari sa dalaga ay hindi niya mapapatawad ang sarili niya. Hindi naman na alam ni Mika kung nasaan na siya kaya inihinto niya ang sasakyan pansamantala sa kung

