"Come in." saad ng binata nang may kumatok sa pintuan ng opisina niya. Abala ito sa pagpirma ng mga patong-patong na papeles sa mesa nito nang maagaw ng pamilyar na amoy ang atensyon niya. Agad siyang napatingala. Kilalang-kilala ng puso niya ang babaeng ito. Ang babaeng matagal na niyang hinihintay na makitang muli. Hindi naman makatingin ng deretso ang dalaga kay Rick. Tinatraydor na naman siya ng puso niya. Pagkasulyap pa lang niya sa binata ay tila agad na nawala ang galit sa puso niya. Bakit nga ba sa lahat nang nangyari sa kanila at sa lahat nang sakit na ibinigay sa kanya ng binata ay pinagkakanuno pa rin siya ng kanyang emosyon. Miss na miss pa rin niya ang binatang kaharap. "Ano ka ba, Mika? Huwag ka ngang hibang! Umayos ka!" sigaw ng isip ni Mika habang pinipigilan ang sariling

