"Kami na ba talaga?" hindi makapaniwalang tanong ni Mika sa sarili. "Papayag ba ‘ko na ganito ang set up namin?” napapaisip na sabi niya. “No love involved pero kami na. Walang love puro tawag lang ng laman.” hindi niya alam kung dapat ba niyang ikasaya ang set up na ‘yon. “Pero mahal ko na siya. Kaya kailangan kong makontento sa set up na ‘to. Kahit na hindi niya ako mahal. Sige lang. Makukuntento na lang ako sa ganito." Sabi niya pa sa sarili bilang pagtanggap sa status ng relationship nila. "Babe, mag-shower na tayo. May pupuntahn pa tayo. Hindi ako puwedeng hindi pumunta ngayon kasi maraming magtatampo sa akin." sabi ni Rick sa dalaga na kanina pa tulala. "Saan tayo pupunta? Wala akong damit." pag-aalala ng dalaga. "Basta. Mayro’n ka nang damit diyan. Nagpakuha na ako at ipinagp

