Aliw na aliw si Mika habang pinagmamasdan si Rick kasama ng mga bata sa orphanage habang masayang ini-aabot ang mga laruan at mga pagkain sa mga bata. Nakikipagtawanan pa ang mga ito at nakikipaglaro sa kanila. Hindi maalis ang tingin ni Mika sa binata nang biglang lapitan siya ni sister Martina. "Alam mo, Mika… Masuwerte ka kay Rick.” napapatango naman ang dalaga sa tinuran ni sister. “Napakabait niyang tao at hindi nakalilimot na bumisita sa amin pati na rin ang buong pamilya nila.” sobra ang pasasalamat ni sister at ng buong orphanage sa pamilya Alfonso. Hindi ito nakalimot bumisita kahit minsan. “Ang batang kalong ni Rick ay si Boboy. Iniwan siya ng mga magulang niya sa harap ng simbahan no’ng sanggol pa lang siya.” turo ni sister kay Boboy. “Close kay Rick ang batang ‘yan. Noon ay

