Kinabukasan pagdating sa opisina ay gano’n pa rin ang nangyari. Hindi pa rin dumadating ang binata. Halos hindi na siya makapag-concentrate sa trabaho niya sa sobrang dami ng pumapasok sa isip niya na kung napaano na si Rick. Sinisisi niya rin ang sarili na siya ang may kasalanan kung bakit nawala ito. Sinabi pa niya sa sarili niya na siguro kung naging mabait lang siya sa binata ay siguradong hindi ito aalis ng kumpanya. "Bumalik lang siya promise… hindi na ako magtataray sa kanya..." parang baliw na sabi sa sarili kakaisip kay Rick. Tumalon ang puso niya nang may kumatok sa pintuan ng opisina niya. "Baka si Rick." agad niyang inayos ang sarili. Puno ng excitement na pinapasok ang kumakatok. "Yes, come in..." agad na iniluwal ng pinto ang matandang boss niya. Tumayo siya agad para bati

