Halos malapit na siya sa kanyang opisina nang makita niya sa pasilyo si Brenda. Mukhang masayang-masaya ito na parang kinikilig pa. Nang makalapit pa siya rito ay nakita niyang kausap pala nito si Rick. Nakapulupot pa ang mga kamay nito sa braso ng binata. Sa hindi malamang dahilan ay biglang nag-init ang pakiramdam niya. Sumakit ang ulo niya sa nakitang eksena. Hindi niya man makita ang ekspresyon ng mukha ng binata dahil nakatalikod ito pero sigurado siyang nag-eenjoy ito dahil nakayapos ang babaeng maharot dito. Nakangusong tinalikuran niya ang mga ito at nagmamadaling pumasok sa opisina. Pabagsak pa niyang isinara ang pinto. "Napaka-unprofessional talaga! Dito pa sila naglalampungan!" iritableng sabi nito sa sarili sabay upo sa upuan. Padabog na inilabas niya ang folders sa drawer a

