"Anak, hindi na namin itutuloy ang annulment namin ng daddy mo. Na-realized namin na mahal pa namin ang isa't isa at ayaw naming masira ang pamilya natin." Masayang balita ng mommy niya. Umagos ang luha sa pisngi ng dalaga. Halos mabasa na ang harapan ng damit niya kakaiyak sa saya dahil sa ibinalita ng kanyang ina. "Kaya ka namin tinatawagan ay para ibalita ‘yan sa ‘yo. Para rin bumalik ka na dito sa America nang makabawi naman kami sa ‘yo ng dad mo. Dito ka na rin magtrabaho." sabi pa ng mom ni Mika. Walang pagsidlan ang tuwang nadarama ng dalaga. Hindi siya makapaniwala sa narinig niya. "Talaga, mom? Is that for real? Hindi niyo po alam kung gaano ako kasaya ngayon. Sobrang gaan ng pakiramdam ko na para akong nabunutan ng tinik sa dibdib." sambit niya sa mommy niya habang pinupunasan

