Chapter 18 - Stolen

1598 Words

Pag-alis ng matanda ay nagpalinga-linga ang dalaga sa paligid. Nakita niya na mukhang nagkakasayahan pa ang mga empleyado. Sina Christy at Gloria ay wala pa ring kapaguran sa pagsayaw kasama ang iba pang mga empleyado. Magkasama naman sina Frank at Brenda na sumasayaw rin. Pero iisa lang naman ang nais mahagip ng mga mata niya. Si Rick. Hinanap niya ito pero wala siyang maaninag na Rick sa paligid. Naisip niya na baka nauna na ang binata na matulog dahil medyo late na rin. Naisip niyang bumalik na rin sa kwarto niya pero tila hindi sumang-ayon ang mga paa niya at dinala siya ng mga ito sa dalampasigan. Malayo na ito nang bahagya sa mga katrabaho niyang nagkakasayahan. Iniisip pa rin niya ang sinabi ng matanda sa kanya. Bakas ang lungkot sa kanyang mukha na napatingin sa kawalan. Kahit pap

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD