"Hindi ko na kayang pigilan ang puso ko. Bahala na. Wala na akong pakialam." bulong ng binata sa sarili habang pinagmamasdan ang mukha ng nakapikit na dalaga. Matapos ang marahang halik sa pisngi ng dalaga ay dahan-dahang ibinaba ni Rick ang ulo niya para mailapat ang malambot niya labi sa mapupulang labi ng dalaga. Napamulat naman si Mika sa pagkabigla. Kahit na inaasahan na niya ito ay hindi pa rin niya naiwasang mabigla. Ramdam niya ang lambot ng labi ng binata at ang mabango nitong hininga na may halong amoy ng beer. No’ng una ay nakalapat lamang ang mga labing iyon. Ngunit nang mapansin ni Rick na hindi naman umalma ang dalaga sa ginawa niya at saka kumilos ang labi nito. Dinama ng binata ang mga labi ni Mika saka ito siniil ng halik. Napasinghap si Mika at napaawang nang bahagya an

