HINDI alam ni Steven kung saan siya dadalhin ni Teacher Noah. Hila pa rin siya nito sa dalawa niyang kamay. Hanggang sa ipasok siya nito sa isang abandonadong silid. Pabalya nitong isinara ang pinto. Nanatiling nakahiga si Steven. Wala na siyang lakas na makagalaw. Nanghihina na siya dahil sa patuloy na dami ng dugo na nawawala sa kanya. "Ano pang hinihintay mo Noah? Patayin mo na rin ako." aniya. Nilapitan siya ni Teacher Noah. Tinignan siya at pagkatapos ay mariing tinapakan ang sugat niya sa balikat. Napangiwi siya sa sobrang sakit. "Huwag kang magmadali Steven. Malapit na kayong magkita-kita ng mga kaklase mong demonyo!" "Ano ka ba sa tingin mo? Demonyo ka rin naman diba?" aniya. "Patayin mo na ako. Ano pang hinihintay mo? Gusto mo pa bang sabihin ko sa iyo ang ginawang pagpatol n

