DINALA si Bridgette ni Teacher Noah sa isa na namang silid. Lahat na yata ng paraan para makawala ay nagawa na ni Bridgette pero sadyang malakas si Teacher Noah. Marahas siya nitong inihiga sa isang mahabang mesa. At doon ay itinali siya. "Pinaghandaan ko talaga ito Bridgette dahil ikaw ang puno't dulo ng lahat!" at may kinuha pa itong bag. Mula sa kadiliman ay lumitaw si Olivia. Kitang-kita niya kung paano ito sumanib kay Teacher Noah. Nagkikisay ito sa sahig at matapos ang ilang segundo ay bumangong muli si Teacher Noah. "Kumusta ka na Bridgette?" tila dalawang tao ang nagsasalita sa katawan ni Teacher Noah. Ang pinagsalong boses ni Teacher Noah at Olivia! "Pakawalan niyo ako dito mga hayop kayo!" galit na sigaw niya. Tumawa lang ito. "Mamamatay ka muna bago ka makawala dito Bridget

