NAKAHINGA ng maluwag si Verona nang sa wakas ay patawid na ang kotse ni Kirst sa EDSA. Maigsi lang naman ang biyahe mula New Manila papuntang Cubao pero dahil sa traffic kaya napuno ang sasakyan ng kwento tungkol sa binata. Pakiramdam niya ay ibinebenta si Kirst sa kanya. Marami tuloy siyang natuklasan tungkol sa binata. Malambing daw ito sa pamilya lalo na sa lola nito. Probinsiyano pa din daw ito at di kumukuha ng maid kahit na busy sa trabaho. Mas gusto daw nitong asikasuhin ang sarili. “Di ba nagvo-volunteer ka sa pag-aalaga ng mga bata sa ampunan?” tanong ng binata sa kanya. “Anong ginagawa mo?” “Nag-aalaga ng babies. Nakikipaglaro sa mga bata at nagbibigay ng advice sa mga malalaki na. Parang all-around ate. Basta free time ko nandoon ako. Nangangailangan sila ng pagmamahal at p

