MUGTO ang mga mata ni Verona nang lumabas ng sinehan. Halos lahat sa sinehan ay apektado dahil sa pa-traidor na pagpatay kay Heneral Luna. Kahit nga si Kirst ay narinig niyang ilang beses na nagalit dahil sa napanood. The movie was really an eye-opener. Kung dati ang mga tao ay nai-in love sa kwento dahil isang love story o tumawa dahil sa comedy film na karaniwang ipinapalabas sa mga sinehan, sa Heneral Luna naman ay parang may nabuksang malasakit para sa bayan at kasaysayan. Pero magaan ang hakbang ng mga paa niya dahil ipinakita na ang teaser ng kwento ni Heneral Gregorio del Pilar para sa susunod na sequel ng pelikula. “Hindi lang sisenta porsiyento ng pag-ibig ko ang ibibigay ko sa iyo, Greggy. Isandaang porsiyento ng puso ko ang sa iyo,” usal niya habang naglalakad sila ni Kirst sa

