“Ano... Kasi...” Di masabi ni Verona kay Kirst na nandoon siya para mag-research tungkol sa pamilya nito. Anak ng tipaklong! Isa itong Salameda? Bakit ba din siya nag-research mabuti tungkol dito. Inaway-away pa niya ito. Kanina ay iniisip niya na baka may malalapitan siyang kamag-anak ni Jovita na pwedeng tumulong sa kanya. Heto na nga. Si Kirst. Ang masaklap lang ay sinungit-sungitan niya ito at pinagsalitaan ng di maganda. Paano pa siya makakahingi ng tulong ngayon? Sayang na ang pagkakataon niya ngayon na magawa ang project niya. Tiyak na susungitan siya nito at itataboy. And I deserve it. Maganda ang ipinakita niya sa akin. He tried his best to make our date perfect. Pero hinusgahan ko siya dahil lang guwapo siya at dahil sa nakaraan ng mga tao sa paligid ko. Sigurado ako na di na n

