Natilihan si Verona sa pagsambulat ni Jovita. Kailangan ba nitong seryosohin ang sinabi ng lolo nito? Parang galit ito agad. “N-Nagbibiruan lang naman kami,” depensa agad niya. “Kahit na. Hindi iyon magandang biro,” pangagalaiti ng babae. “Ako naman ang may-ari nitong bahay. Nasa akin naman kung kanino ko gustong ibigay. E kung sa kanya ko gustong ibigay,” sabi ni Inang Selva at umingos pa. Nalintikan na! Ayaw niyang magkaroon ng isyu sa kahit kanino sa bahay na iyon. Sana naman ay di na seryosohin ni Jovita ang isyu na iyon. Nagpunta si Jovita sa likuran ng abuela at hinawakan sa balikat. “Magpahinga na kayo, Inang. Oras na ng siesta.” “Hindi naman ako inaantok.” “Magpahinga na po kayo para kung hindi anu-ano ang naiisip ninyo.” Hindi pa naman tapos magmiryenda si Inang Selva p

