“DITO dating tumuloy si Coco Martin nang mag-shooting sila. Ang guwapong lalaki,” kinikiling na sabi ni Ading Delilah habang itinu-tour sina Kirst at Verona sa bahay ng mga Aldente. Gaya ng bahay ng mga Salameda ay bahay na bato rin iyon. “Gusto mo bang ilagay ang picture namin ni Coco Martin sa libro mo?” “May mga natitira pa po ba kayong larawan ng bahay na ito mula noong panahon ng Kastila at ang mga dating naninirahan dito? Maganda rin po kung may mapagpipilian tayo,” magalang na wika ng dalaga. “Titingnan ko na rin. Baka mamaya kasi naitapon na. Hahalungkatin ko lang sa bodega. Magmiryenda muna kayo sa may balkonahe.” First class municipality ang Bayambang at abala ang kalsada sa labas sa nagdadaang mga tao at sasakyan. Parang naka-trap sila sa nakaraan sa loob ng bahay ng mga Al

