“Inang Selva na luluwas po muna ako. Gusto ko po kasing dalawin ang mga bata sa ampunan dahil birthday ng tatlo sa kanila,” pagpapaalam muli ni Verona sa matandang babae nang matapos siyang mag-agahan. Dalawang linggo na pala siya sa Casa Grande at di pa siya nakakauwi. Ayaw pa kasi siyang payagan ni Inang Selva. Hindi naman niya matanggihan ang paglalambing ng matandang babae dahil malaki ang utang na loob niya dito. Isa pa, parang lola na rin ang turing niya dito. “Kirst, ihatid mo na siya sa terminal,” sa wakas ay sabi ng matandang babae. Nagkausap na sila ni Kirst kagabi pero hinihintay pa niya ang approval ni Inang Selva. “Sabay na po kaming luluwas ng Maynila,” sabi nama “Akala ko sa isang linggo pa ang susunod na project mo?” tanong ng matandang babae. “May emergency po kasi.

