“ITO na ang outline ang outline ng study ko. Gusto ko po munang ikonsulta sa professor na kakilala ko ang ibang naisulat ko. Baka po may ibigay pa siyang reference na ibigay sa akin para po suportahan itong study ko,” sabi ni Verona at inabot sa matandang babae ang nabuo niyang balangkas ng kabuuan ng pag-aaral niya. May mga natitira pang mga tala sa kanya ang mga Salameda pero wala nang direktang kinalaman ang mga ito sa himagsikan o sa pakikibaka ng mga magsasaka noong 1960’s. Nakangiting ibinalik ni Inang Selva ang papel sa kanya. Nakaupo ito sa tumba-tumba sa may balkonahe. “Nakikinita ko na ang bahay na ito kapag inilabas ang libro mo. Mabubuhay ulit itong bahay ko. Naririnig ko ang tugtog ng rondalla sa ponograpo. Parang babalik tayo sa panahon. Magsasayaw siguro ang mga kabataan di

