Chapter 19

2566 Words

PAGLABAS niya ng kuwarto ay nakaabang na si Kirst. Parang pagod na pagod ito at aligaga. “Kumusta na si Inang Selva?” Huminga ng malalim si Verona at isinara ang pinto. “Nakatulog na. Masama pa rin ang loob.” “Di ko naman siya basta-basta iiwan.” “Pero pupunta ka pa ring New York?” tanong niya at humalukipkip. Hindi agad ito nakasagot. “Gusto kong magpaliwanag tungkol kay Emerlyn,” sa halip ay sabi nito at di sinagot ang tanong niya. Lalo siyang nagngitngit dito. “Bakit ka naman magpapaliwanag sa akin? Ano ba ako sa buhay mo?” Napapatda ito. “I thought we have something special.” “Special friends?” maingat niyang tanong. “No. More than that. Nitong nagdadaang mga araw, nararamdaman ko na gusto kita. Not just as a friend. Di lang basta bisita sa bahay na ito. We have a connection,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD