“KAPE at enseymada,” pakantang sabi ni Jeff at inilapag ang miryenda sa harap ni Verona. “Galing sa pinaka-hot na lalaki sa balat ng lupa.” Inangat niya ang tingin sa ine-edit na copy ng nobela. “Galing kay Sir Mattheu?” tanong niya at dinampot agad ang enseymada. Wala siyang matinong kain mula umaga. Kinailangan niyang humabol sa trabaho dahil isang buwan din siyang nawala. Bukod pa doon ay ine-edit din niya ang entry sa competition na palapit nang papalit ang deadline. It was not an easy feat. Pero effective iyon para di na niya maisip ang kabiguan sa pag-ibig. “Hindi. Galing sa kay Kirst Viray,” sabi nito. “Nandiyan na naman siya?” usal niya at bumagsak ang balikat. “Stalker.” “Admirer,” sabay-sabay na sagot ng mga kasamahan niya sa silid na nakikinig pala sa usapan nila ni Jef

