“MALIGAYANG KAARAWAN po, Inang Selva!” Niyakap ni Verona ang matandang babae. Isang magarbong kaarawan ang ihinanda dito sa Casa Grande at may sumundo pa sa kanya sa Manila para tiyakin na makakarating siya sa pagdiriwang nito. Puno ang bahay ng mga kaibigan ng pamilya at mga kamag-anak. The old house was gleaming. May rondalla pa sa gilid na nagpapatugtog ng mga lumang awitin. Hindi lang iyon simpleng kaarawan ng matandang babae dahil ila-launch din ang proyekto para sa tour sa mga lumang bahay sa bayan. “Sana po magustuhan ninyo ang regalo ko sa inyo,” aniya sa matandang babae at ibinigay ang bookbinded na libro. “Ito na ang libro? Natapos mo na?” namamanghang sabi nito at niyakap muna ang libro bago buklat-buklatin. “Naipasa ko na rin po sa competition at nakaabot po ako sa deadl
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


