bc

THEIR KIND: Project Infinito

book_age12+
2
FOLLOW
1K
READ
others
comedy
twisted
humorous
high-tech world
secrets
self discover
superpower
supernatural
special ability
like
intro-logo
Blurb

Handa kana ba? Kasi ako hindi pa, hindi pa ako handa sapagkat bago palang sa akin ang mapabilang sa kanila. Ang maging kabilang at tugisin ng mga taong sakim at ganid sa kapangyarihan, ang mga taong gagamitin ka upang masakop ang sanlibutan. Kaya't hangga't maaga pa maghanda kana. Bilisan mo't sila'y paparating na. Hahabulin ka. Huwag na huwag mo'ng ipapaalam sa kanila ang iyong kakayahan dahil paniguradong tutugisin ka nila.

Maghanda na...

Ako nga pala si Hiona, ang Project 047 ng Infinito Organization. At ito ang aming “URI”. Handa ka na ba? Makamtan ang kapayapaang inaasam? Kapayapaang nararapat sa ating URI?

chap-preview
Free preview
Prologue
Malabong paningin at pandinig, hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa aking katawan ngunit ang alam ko lamang ay nakahiga ako sa isang pang isahang higaan. May naririnig akong boses ngunit para lang silang bubuyog na bumubulong. May nakikita ako ngunit tila sila'y anino na pinag aaralan ako. Nanatiling malabo ang lahat sa akin ngunit nadama ko pa rin ang sakit na tumusok sa aking kaliwang braso. Masakit, ngunit tila ay hindi nagkakaroon ng reaksyon ang aking katawan. Para bang normal na iyon sa akin. Tila'y sanay na ang aking katawan sa mga bagay na kanilang ginagawa. Na para bang ilang beses na nila itong ginawa sa aking katawan. Maya maya pa ay may naramdaman akong kung anong pumasok sa loob ng katawan ko hanggang sa namalayan ko na lamang na nanginginig na ang buong parte nito. Parang may malakas na boltahe ng koryente na gustong kumawala at kailangang ilabas mula sa aking katawan ngunit hindi nito magawang makalabas. Nagpatuloy lang sa pagnginig ang aking katawan. Nararamdaman ko ang pamamanhid ng aking mga daliring dahil sa paghablot ng telang kinahihigaan ko. Nararamdaman ko ring may namumuong pawis sa aking noo at para ng puputok ang mga ugat sa aking leeg. Palakas ng palakas ang bulungan ng mga taong nasa harapan ko. Tila sila ay nagtatalo at nagmamadali. Kumalma lang ang aking katawan nang may itinusok na naman silang isang matalim na bagay sa aking braso. Naramdaman ko ang pagdaloy ng kung ano patungo sa aking dugo. Parang nabuhay ulit iyon. "You know you can't inject that to her!" Luminaw sa aking pandinig ang kanilang mga pinagsasalita. "But if we didn't, she might die! Look, we need her alive, okay?! We're gonna be dead if she's dead." Hindi ko maintindihan ang kanilang mga pinagsasabi ngunit nanatili lang na nakasara ang aking mga mata. "That was our last shot if this wouldn't work! Now what?! You already draw our last card!" Patuloy pa rin sila sa sigawan at pagtalo. "Then we'll do everything to make this work!" Nang sabihin iyon ng isa sa kanila ay doon na sila natahimik, maya maya pa ay narinig ko na lamang ang kanilang mga papalayong yabag na nasundan ng pagsara ng pintuan. Nang buksan ko ang aking mga mata ay isang kulay puting kisame ang unang bumungad sa aking paningin. Masakit sa mata ang ilaw kaya naman ay ikinurap ko ang aking mga mata upang maging maayos ang aking paningin. Nang masanay na ang aking paningin ay inilibot ko ito sa paligid. Ako'y nasa isang silid na kulay puti. May kung anong mga aparatong nakalagak sa silid na ito. Nang nakita ko ang isang bagay na matalim ay naalala ko na may itinurok sila sa aking matalim na bagay kanina. Siguro ay ito ang kanilang itinusok sa aking braso. Napuno ng katanungan ang aking isipan kaya'y kinuha ko ito at binasa ang nakalagay sa label. 'EOL+P3' Iyan ang nakalagay sa bagay na hawak hawak ko ngayon. Hindi ko alam ang ibig sabihin no'n pero hinihiling ko na hindi iyon masama, wala namang nangyari sa aking katawan. Ngunit nagkamali ako, sapagkat dito na magsisimula ang istorya ko... Ang maging bahagi ng isang eksperimento.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Alpha's Instant Connection

read
624.2K
bc

His Unavailable Wife: Sir, You've Lost Me

read
10.3K
bc

Desired By The Hockey Captain Alpha

read
6.4K
bc

Secretly Rejected My Alpha Mate

read
35.6K
bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
611.7K
bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
816.9K
bc

The Phoenix Knights MC: Strength of Love

read
12.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook