CHAPTER 9 – PART ll Seryuso na siyang tumingin sa kanyang ina. “Ma, it’s none of my business. It’s his love life.” “Wala namang nabanggit si Martin at Cora. Malamang wala yan.” Salaysay ng ina niya. “At paano kung meron pero hindi lang sinasabi?” Fudge. Gustong sapakin ni Aurora ang sarili. Bigla nalang yun lumabas sa bibig niya. Napansin niyang nagkatinginan ang mga magulang at saglit natigil sa pagkain. Adolfo put down his utensils and placed both elbows on the table. Pinagsalikop nito ang dalawang kamay at seryuso na tiningnan ang anak. “As long as hindi pinakilala sa magulang, it’s not valid then. And why keep it a secret? It only means that he knows his parents won’t accept his lover. And do you know what happens if they are not accepted in the family? They get rid of it.

