bc

LOVE IN HATE

book_age18+
29
FOLLOW
1K
READ
billionaire
HE
escape while being pregnant
forced
opposites attract
second chance
friends to lovers
pregnant
arranged marriage
goodgirl
heir/heiress
drama
bxg
serious
kicking
bold
city
addiction
actor
like
intro-logo
Blurb

“It's only you that I want, Maximus. At nasabi ko na rin sa pamilya ko na mahal kita at gusto kitang pakasalan. Wala akong ibang pipiliin.”

Umiiling si Max mula sa mga narinig. “No. No. You’re not being fair, Aurora.” Nawawalan na siya ng lakas kasabay ng pag-asa na mapabago ang isip nito. Max leaned his body at the back of the single chair. Halos nakaupo na siya don. He tugged on his necktie, needing some more air. Napatingin siya sa sahig. He's powerless against his dad. Hindi niya ma poprotektahan ang girlfriend mula sa pamilya niya. Hindi niya namalayang humakbang si Aurora palapit. Naramdaman nalang niya ang kamay nitong hinahaplos ang kanyang pisngi. He turned to her face. “You’re not fair.” He mumbled weakly. Parang batang nanlulumo na sumusuko na sa laban.

She’s rubbing her thumb to his cheeks. “The world’s not fair, Max.” Shaking her head also. “It’s never fair.” Malumanay niyang sagot.

“You get everything you want.” Hindi niya pinansin ang ginagawa nito. Namamanhid na siya para makaramdam pa. This girl is too much of everything. Too selfish to even understand how he felt.

“No. I don’t have your heart.”

Max swatted her hand away and stood up straight. He chuckled at her response and halted. Umiiling siyang tumingin ng diretso sa mga mata nito. “You won’t. You don’t even have one.”

-----------------------

Aurora Fontalva got everything except the heart of a certain man. She only wants Max. But how can she make him fall for her when he already had someone? He loves his girlfriend.

Maximus D’Arco can’t escape his family’s wish, for him to marry the only Fontalva heiress. Worse, Aurora even blackmailed him, or his girlfriend would suffer. Why would he fall for someone who doesn’t even care about his feelings? Only his girlfriend does.

Is there really a thin line between love and hate? What if the thread breaks?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
CHAPTER 1 “È davvero sicura di volersi sistemare qui, signorina Aurora?” Are you sure you really want to settle in here, miss Aurora? Fabio, one of their family drivers asked her with a tiny knot on his forehead. They just finished loading everything up to her dorm room on the 5th floor. Tumulong din naman siya sa pag akyat ng mga gamit niya. Nakadalawang balik sila bago matapos sa paghahakot. “Si, kuya Fabs. Please don’t worry too much.” Sagot niya sa nag-aalalang tauhan nila. Medyo nag-aalinlangan pa nga siya sa pagtulong nito kasi may kaedaran na din at natakot siya na baka sumakit ang likod sa pagkarga ng kagamitan niya. Madami-dami pa naman kaya naka dalawang balik din sila kahit may bellman’s trolley na gamit. Kaya nagkalat ang mga bagahi at ilang box sa may bungaran ng pinto. Sinuri ni Fabio ang paligid ng kwarto para tingnan kung may mga kahina-hinalang bagay. Hindi lang din naman siya basta-basta driver, bodyguard na din ito ni Aurora. “Signorina Aurora, se non le dispiace, posso dare un’occhiata in giro? È uno degli ordini di tuo padre per la tua sicurezza.” Miss Aurora, if you don’t mind, can I look around? It’s one of your father’s orders for your safety. Hindi pa rin talaga mapakali ang matanda. Napangiti nalang siya at tumayo galing sa pagkakaupo sa kama. “Sure, kuya. Go ahead.” Nagtungo siya sa may sliding glassdoor at binuksan ito para makaapak sa balkonahe. Hinayaan niya ang kasama na mag check sa loob at humarap ulit siya sa labas. Nilibot niya ang mata sa kung saan pwedeng mahagilap ng kanyang paningin sa kinatatayuan na pwesto. She did not expect much that what she would see online as she searched for a dorm to rent was greater than what she’d thought. Malawak ang dorm room na pinili niya, ito ang pinakamalaking room for two sa buong building, may mini kitchen, bathroom, two semi double beds, and other usual dormitory set-ups. Gusto niya lang talaga malawak ang space na nalalakaran niya sa isang kwarto. May makakasama siya sa room pero mamaya pa niya susunduin yun sa may train station. Maraming mga nagkalat na halos kaseng edad niya sa baba. It’s moving day sa mga bagong papasok sa university dahil bukas na ang unang araw ng pasukan. Sumulyap sya sa loob ng room, nakita niya ang matanda na pumasok ng banyo para mag inspect naman doon. She shook her head with a small smile. Extra precautions won’t hurt though. She’s sure he’s searching for a hidden camera also. Sa baba ay makikita niya ang malawak na kalsada at sa tapat ay kaparehang building naman, for boys. Exclusive for girls ang sa building nila. May narinig siyang mahinang katok sa glassdoor at lumapit sa kanya si Fabio. Pure Italian ito pero nakakaintindi naman ng Tagalog ngunit hindi ito nagsasalita niyon. Ten years higit na din nagtatrabaho ito sa kanila kaya nakukuha na nito ang lengwaheng madalas gamit ng pamilya niya sa mansyon. Ganon din ang ibang mga naninilbihan sa kanila na ang iba ay natututo na din magsalita ng Tagalog kahit pure Italian dahil sa matagal na panahon na din sa kanila. “È pronta per la vita universitaria, signorina?” Are you ready for your university life? Tanong nito sa kanya habang tumitingin sa kabuoan ng kinatatayuan nila at ang matatanaw sa paligid. Pansin niya ang pag-iling nito. Sigurado siyang may hindi ito nagugustuhan and he would take note of that. May hinala na siya don. Easy target for a sniper ang pwesto niya lalo na at glassdoor lang din ang panangga. Umingos siya at tumingin dito. “Don’t think too much, kuya. Hindi naman ganon kababaw mga kalaban ni papa para palagi akong punteryahin. And yes, I’m excited for my next stage. Matatapos na din ako sa pag-aaral.” She rolled her eyes in the last sentence. Hindi naman delikadong negosyo ang ginagawa ng papa niya pero hindi pa rin talaga maiiwasan ang gulo sa corporate world. “Vuoi che aspetti l’arrivo di Ade così posso aiutarti con i bagagli?” Do you want me to wait until Ade arrives so that I can help with the luggage? Tumingin na din ito sa kanya. “No. Kami na po bahala. Pagbubuhatin ko talaga yun. Pa huli-huli pa kasi ng dating.” Medyo inis niyang sabi ng maalala ang kaibigan. Nasa ibang syudad pa kasi ang kaibigan niya na pamangkin ni Fabio at anak ng butler nila sa mansyon. Nagpahuli ito dahil may aasikasuhin pa raw. Fabio chuckled. “Spero solo che non sia un fastidio nei tuoi studi.” I just hope she won’t be a bother in your studies. “Nah-uh. We would be fine.” She replied, dismissing his thoughts. “Prendetevi cura di entrambi. Chiama se c’è qualcosa che non va o qualunque cosa ti serva.” Take care both of you. Call if there’s anything wrong or whatever you need. “Okay po, kuya. Thanks for the help.” She gave him a small smile. “Andrò allora, signorina.” I’ll be going then, signorina. Paalam nito. Sabay na silang bumalik sa loob para ihatid niya ito sa pinto. “Take care on your way home po, kuya Fabs.” Tumango lang ang matanda bago lumabas at sinara niya na agad ang pinto pag alis nito at nahuli niya pang tinutulak nito ang trolley na ginamit nila. She looked at her luggage at napabuntong hininga. Dapat na niya mailagay sa mga lagayan ang mga gamit niya dahil lalong madadagdagan ang mga gamit sa sahig pagdating ni Ade mamaya. Nagsimula na siyang buksan ang isang maleta at nilagay ang mga damit sa closet sa side na napili niya. Magkatapat ang dalawang kama. Pagkamaya-maya ay ramdam na niya ang pagod. Patapos na din naman siya pero gusto na muna niyang magpahinga bago sunduin ang kaibigan. Tumingin siya sa relos niya. Mag aalas dos ng hapon pa naman. Tatawag lang din naman si Ade pagmalapit na sa station. Medyo inaantok siya pero ayaw niyang matulog ng bitin dahil sakit lang yun sa ulo. Instead, she opened her guitar case and brought the instrument with her to the balcony. May dalawang upuan at mesa naman kasi doon. Perfect for her tea time na din pag nasa mood sya. Hindi na naman natapat ang sinag ng araw sa oras ngayon kaya dito muna siya tatambay kasama ang gitara niya. She placed her phone on the table at nagsimulang tipahin ang strings. Isa din sa rason na nagustuhan niya ang building ay dahil solid concrete walls ang division ng bawat kwarto. Hindi masyado rinig ang ingay ng iba and that’s what she’d like dahil maingay pa naman ang hobbies niya. Ang tumugtug at sasabayan niya ng pagkanta kung trip niya. Syempre ayaw naman din niya makaisturbo sa ibang nangungupahan dahil sa ingay niya. Lalo na ang kaibigan na mahilig manuod ng kung ano-anong drama at hindi talaga tinitigilan ang pagtili kung kinikilig. After some time, her phone rang. She paused in the middle of a song she’s playing and glanced at the screen. Adelina is calling. She slid the answer button and pressed the loudspeaker mode para hindi na niya kunin ang phone at idikit sa tenga. “Hello, signorina. Kumusta po diyan?” Masiglang bati nito sa kanya. She rolled her eyes sa pagbanggit nito ng ‘signorina’ kahit ilang beses na niyang sinasabi dito na wag siya tawagin non pero binabalewala pa rin nito. “The place is fine. Malapit ka na ba?” Sumandal na siya sa kinauupuan niya and combed her hair back with her hand. “Si. Hindi abutin ng 30 minutes nandiyan na ko.” Ramdam niya ang excitement nito. “Signorina, susunduin mo ko?” May pakikiusap sa boses na sabi nito. “Sciocco, ovviamente. (Silly, of course.) ‘Yun naman talaga ang plano. Oh, sige na. I’ll be on my way to the train station. See you there.” “Salamat, signorina. The best boss ka talaga.” May kagalakan nitong sabi. “Ingat sa pagmamaneho.” Napailing nalang siya at pinatay na ang tawag habang tumatayo. She picked up her phone and brought the guitar with her inside. Ni lock niya ang sliding door and put the guitar on its stand na pinuwesto niya na sa gilid katabi ng kama para madali lang niya abutin pagtrip tumugtug. She went inside the bathroom to fix herself dala ang kanyang pouch. Sakto na din sa standard niya ang lawak ng bathroom with a shower curtain partition sa shower area. White tiled ang kabuoan ng banyo at sobrang linis. Of course, inihanda talaga ng maayos ng may-ari ng building ang dorm niya as she requested and payed extra. Tiningnan na niya ang sarili sa salamin na halfbody ang makikita sa harap ng lababo. Medyo nagulo niya ang wavy at kulay tsokolate niyang buhok hanggang likod pati ang curtain bangs na ginalaw niya kanina. She just combed it with her hands. Putting on a bit of face powder, she has that cute cheekbones na napapansin talaga ng karamihan sa kanya pag ngumingiti at isa yun sa attractive features niya. Naglagay na din siya ng kaunting pink lip gloss sa kanyang natural na heart-shaped lips. And lastly, she tapped some light blush dahil sa masyadong maputi ang balat niya. She liked having a natural fair skin though for usually she prefers wearing dark coloured clothes kaya nababagay sa kulay ng balat niya. Her hazel eyes looked back at her in the mirror, kumikinang yun dahil sa repleksyon na tunatama sa salamin galing sa ilaw. She has some freckles on her adorable button nose pero halos hindi naman nahahalata lalo na pag maglagay siya ng kahit kaunting make up lang, maliban sa kung kaharap niya talaga and have entered her personal space like about to kiss her para makita ang maliliit na freckles niya. Everyone considered her angelically beautiful dahil sa maamo niyang mukha. Lastly, she sprayed some perfume around her and stepped out of the bathroom. Wala naman siya masyadong maaadjust sa damit niya dahil naka off shoulder red blouse siya na may manipis na shoulder strap, and a skinny black jeans, and Aston Martin boots ang porma niya. She wants to wear comfortable clothes dahil sa magbubuhat naman siya ng mga gamit kaya no need mag ayos ng bongga. She prefers wearing comfortable clothes kesa sa magsuot ng kung ano para lang magpasikat. She got an athletic body also dahil nag wowork-out siya at naglalaro din ng ilang sports na hobby niya. She’s tall enough for the standard height of Italian and Filipino women, 5’7 ang tangkad niya. Mas matangkad lang sya ng dalawang puldaga sa kanyang kaibigan. She snatched her car keys on the vanity mirror. Hindi niya pa binabaklat ang nakabalot nitong papel kaya hindi siya kanina nag ayos don. Pati ang whole body mirror na malapit sa may pintuan ay nakabalot pa rin. She ordered some stuffs para sa mga kagamitan nila sa dorm at isa sa mga tauhan nila ang nag ayos ng mga pinautos niyang gamit kahapon. Kasali na rin ang kitchen utensils and cooking equipments, dalawang vanity mirrors para tag-isa sila ni Ade, puno na din ng mga pagkain ang double door ref na pinalit niya sa mini ref sa kusina at iba pang mga kailangan nila. She prepared everything para komportable na agad sila. May dalawang elevator ang building pero ilang minuto na siya naghihintay. Puno siguro dahil sa mga estudyanteng busy pa sa paglilipat. Kaya sa fire exit nalang siya dumaan. Pababa naman siya ng hagdan at hindi naman yun big deal sa kanya. It’s considered exercise for her. Paglabas niya ng fire exit sa ground floor ay kita niyang may ilang mga estudyanteng gumagala sa common lobby, kita niya din sa unahan na ginagamit pa nga ang dalawang elevator na may mga lamang bellman’s trolley at ilang sakay. Pinagtitinginan siya ng ibang mga babae. Everyone’s checking anyone around. Maybe for beauty competition, fashion critiques, or finding who’s who to befriend with and kung sino ang lalayuan nila. Hindi talaga yan maiiwasan lalo na sa mga babae. Kahit siya mismo, pihikan siya sa mga kaibigan dahil ayaw niya ng plastik. Hindi na siya tumingin pa sa mga ibang nandon at dederitso na sana siyang pintuan ng tinawag ng receptionist ang atensyon niya. “Mi scusi, signorina Aurora, è appena arrivata una mail per lei e la sua coinquilina.” Excuse me, miss Aurora, a mail just arrived for you and your roommate. A middle-aged lady from the counter said respectfully. She took a step closer to her area. “Posso prenderlo più tardi al mio ritorno?” Can I take it later when I get back? Alam niya na ang laman non. Schedule and school IDs nila ni Ade, school map na rin for the new students. “Certo, signorina. Nessun problema.” Sure, miss. No problem. Mabait na tungon nito at ginantihan niya ng ngiti. “Thank you.” Saka siya nagpatuloy na sa paglabas. Nasa unahan nakapark ang sasakyan niya at kita ang ilang mga estudyanteng nakapalibot dito. Tinititigan ang kanyang kotse at malamang nag-iisip ang mga ito kung sino ang may ari ng isang Rolls Royce convertible. Naka open ang top nito at ang kulay nitong pula na mga upuan ay lalo pang nakakaagaw ng atensyon. Kitang-kita din ang interior design sa loob. Pinindut niya ang remote na hawak at napalingon agad ang mga tao sa paligid kung sino ang nagpaandar non. Nagawi ang atensyon ng mga ito sa kanya. As she walked closer, ramdam niya ang pagsunod ng bawat mata sa kanya. Nagsiatrasan ang ibang nakapalibot para bigyan siya ng espasyo sa pagbukas ng kotse. Mapalalaki o babae ay rinig niya ang bulongan. Ang iba naman ay hindi na hininaan ang boses. Sumisipol pa ang ilang mga kalalakihan na galing sa katapat na building. Rinig niya ang ibang napapaisip kung sino siya. Ang iba naman ay masamang chismis na agad ang sinasabi na galing umano yun sa sugar daddy niya. Gusto niya ng matawa sa mga ito. Umiling nalang siya sa mga naririnig na mga plastik at opurtunistang gustong kaibiganin siya o jowain. She didn’t just have a pretty face, of course may utak din siya at pakiramdam para malaman kung sino ang totoo sa kanya She opened her front compartment to pull out her sunglasses at sinuot niya yun. Nilagay ang phone sa holder at inistart na ang kotse, pinakiramdaman muna niya ang makina. Ipinatong niya ang siko sa pintuan dahil naka tuck-in naman ang mga bintana. Ang isang kamay niya lang ang nakahawak sa manibela. She saluted to everyone and gave them a smile bago pinatakbo ang kotse. Wala na siyang paki kung masasabihan siyang mayabang dahil may maipagyayabang naman talaga siya. She’s Aurora Fontalva. The only daughter of the owner of Stellare Creations. Stellar. Their business is all about producing jewellery, furniture, and fashion garments. Their company is among the top in designs and quality products in Italy and is well-known in some countries around the world. Her father is pure Italian and her mother is Filipina. She was born and grew up in Philippines until grade school. Then she transferred in Italy. Dito na din siya nag-aral ng high school and she’s now starting her university life in the University of Bologna in Rimini Campus, one of the top schools in Italy. She does have Filipino blood pero mas halata sa itsura niya ang pagiging Italiana. Namana niya lang sa mamma niya ang button nose nito at pagiging mestiza dahil may lahi din itong Kastila. Which she preferred na skin color dahil nga mahilig siya sa dark-colored outfits. Habang nasa biyahe ay ramdam niya ang gutom pero mamaya na siya magmemeryenda pag nasundo na niya si Ade. Isasabay niya na ito sa pagkain dahil tiyak siyang nagugutom na din iyun. Makalipas ang ilang minuto sa pagbagtas ng kalsada ay nakarating na din siya sa train station. Hindi naman masyadong malayo yun sa dorm nila. She looked around for a spot to park her car, at nakakita siya ng malapit lang sa entrance ng building. Itinaas niya ang suot na glasses at pinatay na ang makina ng kotse. Tumingin muna siya sa rearview mirror kung maayos pa ang itsura niya. Then she got out of the car and locked it. Naka-on naman ang alarm niyon kung sakaling may magtangka sa kotse niya. Pumasok na siya sa loob ng building habang bitbit ang kanyang cellphone at purse.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
32.5K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.5K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
107.0K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
114.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook