CHAPTER 2

2495 Words
CHAPTER 2 “Signorina, nasan ka? Teka lang ah. Nagpapatulong pa ko sa mga dala kong gamit. Anong sasakyan po pala dala mo? Baka hindi magkasya to.” Mahabang bungad agad sa kanya ni Ade pagsagot sa tawag nito. Pure Italian si Ade pero kung boses lang pagbabasehan, mapagkakamalan itong Pilipino dahil sa magaling na itong magsalita ng Tagalog. Halos nakukuha na ang accent. Natuto ito dahil kanya at sa pamilya niya. Madalas si Ade sa bahay at sobrang willing matuto ng Tagalog. Mas madalas na nga itong mag Tagalog kesa sa kanya. Minsan nalang ito gumamit ng sariling lengwahe. Nakahiligan nito manood ng Pinoy movies at dramas kaya mas mabilis natuto. Ayaw nga nito na mag Italian siya pag nag-uusap sila. Nakahinto na ang train at nasa lounge area siya naghihintay. “Let me see for myself. Nandito lang ako sa lounge area.” Sabi niya nalang dito. “Nakita na kita. Papatayin ko na.” Parang napapatalon ito sa kagalakan ng boses at agad na din napatay ang tawag. “Signorina!” Aurora snapped her head to the far right dahil rinig niya galing don ang boses. May ilang mga taong napapatingin sa babaeng halos patakbo na sa kanya. Napangiti nalang siya sa ginagawa nito hanggang sa makalapit na sa pwesto niya at agad siya niyakap saglit. Ni hindi niya pa naitaas ang kamay para gantihan ito ay agaran din itong bumitaw at nilipat ang atensyon sa cart na tinutulak ng isang porter na naka uniporme. Napaisip siya kung magkakasya ba ang mga ito sa kotse niya. Five medium boxes at dalawang standard size na maleta. Bumaling ulit si Ade sa kanya na may pag-aalala sa mukha. “Hindi ko alam kung anong dala mong kotse pero magkakasya kaya ang mga yan? Kung hindi, pwede naman na mag taxi nalang ako. Kasi base sa ekspresyon ng mukha mo, hindi normal na kotse ang dala mo no?” May pangungutya na sa boses nito. Natawa siya sa sinabi nito. “What’s your definition of a normal car ba?” Ganting tanong niya dito. “Yung komportableng sakyan at hindi lang pang decoration yung backseat at pwedeng mag tago ng dalawang bangkay sa trunk.” Agad na sagot nito. She couldn’t hold back her laughter sa mga sinagot nito. “I don’t have to put dead bodies in the trunk. I can just have them as my backseat passengers. They won’t complain in the uncomfortable space anyway.” She raised her eyebrows and smirked at her friend. Naghihintay siya ng angal pa dito. Napanganga naman si Adelina sa sinabi ni Aurora. The horror in Ade’s eyes are just too cute to resist another chuckle from her. Nakakunot ang noo ng porter sa dalawang babae sa harap niya. Hindi maintindihan ang pinagsasabi ng dalawa. Naghihintay lang siya ng utos ng mga to kung saan dadalhin ang mga karga. “Anyway.” Tiningnan ulit ni Aurora ang mga kagamitan. She calculated it again for the spaces in her car. “I think those are enough to fill the trunk and the backseat. Let’s go.” Ade sighed in relief. “Buti naman.” Bumaling siya sa lalaki. “Seguici, per favore.” Follow us, please. Turan niya sa porter. Tumango naman ito at sumunod na sa kanila palabas. Ng malapit na sa kotse si Aurora ay pinindot niya na ang remote nyon. “Oh.” Nanlaki ang mata ni Ade at kitang-kita ang pagkamangha nito. Nauna pa itong napapatalon na lumapit sa kotse at pinasadahan ng tingin ang kabuoan ng interior design. “Per favore, metti le scatole sul sedile posteriore e I bagagli nel bagagliaio. Posiziona prima le scatole. Poi chiuderò la parte superiore in modo che ci sia più spazio sul retro.” Please put the boxes at the backseat and the luggages in the trunk. Place the boxes first. Then I’ll close the top so that there would be bigger space at the back. Siya na ang nag utos sa porter dahil busy na sa kakahanga si Ade sa sasakyan. Tumango ang porter at kahit ito ay nakatitig sa kotse niya habang nagbibigay ng instructions dito. Sinusundan niya lang ang kilos ng lalaki sa paglipat ng gamit. She folded her arms and waited for her friend to calm down from excitement. After a few seconds ay napansin na ulit siya nito at lumapit sa kanya. “Nasabi ko na ba na hindi talaga ako nagkakamali na maging kaibigan ka?” There’s that grin on her face. Tinaasan niya ito ng kilay. “Kung ikaw ang paplastik sakin, I don’t mind. Ang dali mo lang kaya pitikin.” Iningusan siya nito at sinamaan ng tingin. “Grabe to.” Tumabi ito ng tayo sa kanya, then Ade bumped her arm lightly. May ngiti na naman sa mukha nito. “Gift ni signor Adolfo?” “Si.” Maikling sagot niya. Regalo nga ng papa niya ang kotse. Kilala ni Ade ang katauhan niya dahil paglipat niya sa Italy ay nakilala niya na agad ito. Aside sa pamangkin ito ni Fabio na personal driver and bodyguard niya, anak din ito ng butler nila sa mansyon. Kaya matagal na panahon na din silang magkaibigan pero tinuturing pa din siyang boss nito kaya magalang itong tumuring sa kanya minsan. Masaya din siya na hindi sila nagkahiwalay after secondary school at ngayon kasama niya pa rin sa university. Madalas silang nagbabangayan pero mas lamang siya sa pangungutya dito. Gusto niya ugali ni Ade na kahit alam nitong anak siya ng boss ng pamilya nito ay tinuturing pa din siyang tunay na kaibigan at hindi plastik ang pakikitungo sa kanya. Maliban dyan, Ade is so cute to tease, madali kasi magbago ekspresyon ng mukha nito at bibo talaga kasama. Kaya madalas niya itong kinukutya dahil madali humaba ang nguso. Aurora pressed the remote for the car's roof to settle. Hindi alintana that some people around watched in awe. “Ay, I wanna ride with the roof off.” Dismayadong sambit ni Ade sa tabi niya. “Next time. We need to pull out the roof so there’s enough space for your luggages in the trunk. Unless kung gusto mong iwan ang isang maleta.” She glanced to her and waited for her cute reaction. “No.” Matapang na tutol nito na halos magdikit na ang kilay na nakatingala sa kanya. “Marami namang next time eh.” Then she pressed another button to open the trunk. Kumuha ng ilang bills si Aurora sa bulsa niya para iabot yun sa porter pagkatapos. “Sumakay ka na. Meryenda tayo after nito.” “Okay. Gutom na din ako.” Mabilis na itong humakbang patungo sa passenger side at pumasok. Hindi naman halata ang kagalakan nito. Napailing nalang siya sa kabibohan ng kaibigan. She closed the trunk when the porter stood straight and finished the job. “Thank you.” Nag abot siya ng tip dito. A very generous tip na ikinaawang ng bibig ng lalaki at ng makabawi ay binigyan siya nito ng malapad na ngiti. “Grazie, signorina. Grazie mille.” Thank you, signorina. Thank you very much. Dalawang kamay nito ang umabot ng pera at halos hindi matigil sa kakatango. Mangha itong napatitig sa kanya. Tinanguan niya lang ito at tumalikod na para pumasok sa kotse. “Seatbelt.” Sabi niya agad nang makitang hindi pa naka seatbelt si Ade. Busy ito sa pagkukuha ng litrato sa sarili na pomoporma pa habang pinapakita ang pwedeng mahagip ng camera kasama ang mukha. Naka wacky pa ito at finger heart pa sa ilang posts. Nagsuot na siya ng sariling seatbelt at binaba ang shades sa mata niya. Sumunod na din ang kasama niya na inayos ang seatbelt. “Saan pala tayo kakain?” Tanong nito matapos sa ginagawa sa phone. Inistart na ni Aurora ang makina at may pinindot sa screen ng kotse. In-on niya ang GPS patungo sa isang sikat na food shop. “Here. Gusto ko matikman pagkain nila dito.” Tiningnan naman ni Ade ang tinuturo niya sa screen. Sinimulan ng pinatakbo ni Aurora ang kotse. “Oh. Sikat yan ah. Nag search din kaya ako tungkol sa syudad na to.” “Hmm.” Sa kalsada na naka focus ang atensyon niya at hinayaan na ang katabi sa kung anong ginagawa sa phone nito. “Bakit nga pala sa UNIBO ka pinag-aral nila boss? Hindi ba gusto mo sa U.S.?” Pagbubukas ng bagong usapan ni Ade. Nilingon niya ito saglit pero nakabaling ang mukha nito sa labas ng bintana. “I don’t know. They just surprised me last week that they enrolled me in UNIBO.” Short of University of Bologna. Bumuntong hininga siya ng maalala ang disappointment ng sinabi ng mga magulang niya ang final na desisyon ng mga ito. She already enrolled in U.S. but her parents cancelled her papers for registration. “But it’s okay. Same course lang din naman.” Buti nalang naka shades siya at hindi makikita ni Ade ang reaksyon sa mukha niya. Kahit mag poker face pa si Aurora ay alam ni Ade na nalungkot ang kaibigan niya sa nangyari. “That’s okay. Nandito naman ako. Kasi pag sa U.S. ka, hindi na kita masusundan don.” Sabi nalang niya dito na nakangiti para pagaanin ang nararamdaman nito kahit papano. Kita niya sa gilid ng mga mata na sumusulyap na si Ade sa gawi niya. Napaingos siya sa sinabi nito. “I’m not sure about that. I think papa would make you stick with me wherever I go.” Napatawa si Ade dahil hindi nga malabo na mangyari yun. Gaya ngayon. Wala ng ibang sinabi si Ade. Kahit naman na isa rin si Aurora sa boss niya ay mas tinuturing niya tong kaibigan. Hindi kasi to gaya sa ibang anak-mayaman na napaka nonsense ng ugali at matapobre sa mga tauhan na nag tatrabaho sa pamilya nito. Kaya kahit hindi man sila magkatulad ng estado ay hindi niya ikakahiyang boss niya ito at handa siyang magpakaalipin dito at poprotektahan ang kaibigan sa paraang kaya niya. Madalas nga siyang pagsabihan nito na huwag ito tawaging ‘signorina’ dahil hindi naman siya nagtatrabaho dito, kundi ang pamilya niya lang. Pero kahit na, ganon pa rin ang pakiramdam niya at ayaw niyang pairalin ang pagiging masyadong makulit at sakit sa ulo dito kaya tinatawag niya pa ring boss ito para paalalahanan ang sarili na mas mataas ang estado nito kesa sa kanya. And she’s very proud of her signorina sa lahat ng kaya nitong gawin lalo na sa ugali at kabaitan. After a few minutes ay nagpark na din si Aurora sa parking space ng shop. Hindi naman siya nahirapan sa pagpark dahil may kakaalis lang na kotse at siya ang pumalit don. Medyo puno na din ang pwesto ng parking lot kaya hula niya na maraming tao sa loob. Nagpatiunang naglakad si Ade sa kanya. Alam na niya kung ano gagawin nito. Kahit dati pa na pinagsasabihan niya ito ay tagos sa kabilang tenga lang. Ade always opens a door for her. Kaya hindi talaga naiiwasan na naiisip ng karamihan na alalay niya ito. Kahit sa ibang bagay ay pinagsisilbihan siya. So she stopped reprimanding her dahil hindi naman to tumitigil. She would just let Ade do her own thing then. Pagpasok niya ay saka ito sumunod sa loob at naghanap agad ng mauupuan habang sumusunod siya dito. Napapatingin sa kanila ang ibang tao. Karamihan ay kaedaran niya. She bet they are also university students. Malapit lang din naman ang shop sa University at sa dorm na tutuloyan nila. Tingin niya magiging frequent place nila to in the future. She slowly scanned the place habang mabagal na naglalakad. The delicious atmosphere of food ay lalong nagpapagutom sa kanya. The place is bustling with young people. Malawak naman ang lugar at puro katabi ng glasswalls ang mga group tables. She did not mind the eyes that are thrown at her. “Signorina!” Tawag sa kanya ni Ade sa unahan. Ilang tables ang layo sa kinatatayuan niya. Mas lalo tuloy napapatingin sa gawi niya ang mga nasa table na sinusundan siya ng tingin habang naglalakad palapit sa kaibigan. Napapailing nalang siya. Ade always make her feel almighty. Parang mas mayabang pa nga ito sa kanya. Pinagyayabang siya. Nang makalapit na siya kay Ade ay may nahagilap ang mga mata niyang pamilyar na mukha sa unahan, at 2 o’clock position galing sa pwesto nila. Konteng distansya lang ang pagitan. Nagtagpo ang paningin nila ng taong yun. Hindi siya sure kung nakilala siya nito dahil nakasuot pa siya ng sunglasses. Napatitig siya dito saglit at natigil sa paghinga. She did not expect to see him so soon. Gusto niyang mangiti pero pinigil ang sarili. Napansin ni Ade na natigil ang kaibigan sa harap niya at ang paglingon sa kanan. Sinundan niya ang tingin nito. Bahagyang napakunot ang noo niya at nanlaki ang mga mata ng maalala kung sino iyun. Paglingon niya ulit kay Aurora ay nakaupo na ito. Umupo siya sa tapat ng kaibigan. “Bakit nandito siya?” Tanong agad ni Ade na halata ang kuryusidad sa mukha. “Dito din siya nag-aaral. Nabanggit yun nina mamma.” Itinaas na niya ang shades na suot. Lumingon uli si Ade sa kakilala nila ng kaibigan niya. Napatingin din ito sa gawi nila. Kumaway siya dito at tumango naman yung lalaki. Hindi na sinita ni Aurora ang kaibigan sa ginawa nito. May waiter na lumapit sa kanila na binati sila at nag abot ng dalawang menu book. Bago binuksan yun ay inilapit ni Ade ang mukha niya sa katapat. “Just to confirm ah, libre mo?” Kahit naka focus ang tingin ni Aurora sa menu ay halata niya ang pagngiti nito sa kanyang tanong dahil sa pagliwanag ng mukha nito. “Everything, Adelina. Just order anything you want.” Sagot niya na hindi inaalis ang tingin sa menu. “Yey. Thank you!” Parang batang sabi nito at agad binuklat ang menu book. Hindi maintindihan ng waiter ang lengwaheng gamit ng dalawa pero nakahanda na siya ng panulat at order slip. After a few moments ay nagbanggit na sila ng pagkaing gusto nila orderin. Light lang ang mga napili nila dahil maghahapunan pa naman sila mamayang gabi. They decided to order take-out food for later. Para hindi na kailangan magluto dahil mag-aayos pa sila ng mga gamit at iinitin nalang ang mga binili for dinner. “Gwapo talaga siya no?” Lumingon uli si Ade sa tinutukoy nito. Yes, he is. Sa isip ni Aurora kahit hindi niya na lingunin ang binata. “Pero mas gwapo talaga yung kuya niya.” Dagdag nito. Hinayaan lang ni Aurora na dumaldal ang kaibigan dahil busy siya sa phone niya. Her mom was texting. “I think palapit siya dito.” Sambit ni Ade at nagtaas na din siya ng tingin galing sa phone niya. Naglalakad na nga ito papunta sa pwesto nila habang ang mga naiwan nitong mga kaibigan ay nakasunod lang ng tingin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD