CHAPTER 3

1611 Words
CHAPTER 3 That easy strides with his long limbs. But there's that heavy appeal sa kilos nito. Pansin niya na medyo naging tanned na ang skin nito at mas humaba ang wavy na buhok. May ilang hibla na tumatabon sa noo and he simply pushed it back with his hand. Dahilan ng ka pansin-pansin nitong pag flex ng biceps. He's wearing a white V-neck shirt and a black straight-leg jeans, paired with black ankle boots. Pansin din ni Aurora na napapatingala ang mga kababaihang dinadaanan nito sa bawat table. Who wouldn’t? He had that lean and fit muscled body na halata sa fitted shirt na suot. She won’t be surprised if there were toned abs hidden inside that shirt. Ang itim na itim nitong buhok na medyo wavy, kahit magulo tingnan ay mas nakakadagdag pa sa alindog nito. He had that clean-shaven face, prominent jaw line, roman nose at ang mapupulang labi para sa isang lalaki. His green eyes na namana nito sa pure Italian na ama at ang height na pang modelo, 6’2. Maximus D’Arco. Super close ang family nilang dalawa. Their dads were best friends and pure Italians. While their moms were Filipino. Kaya same sila na hati ang lahi. But unlike her, Max totally grew up in Italy. Minsan lang ito pumunta ng Pinas para lang dumalaw sa family ng mom nito at sa kanila or pag may business trip. Pero marunong naman itong mag Tagalog dahil yun din ang lengwaheng ginagamit sa mansyon ng mga D’Arco para hindi kalimutan na may lahing Pinoy din sa pamilya nito. EcoSource. Pag mamay-ari ng pamilya D’Arco ang pinakamalaking supply company sa Italy. They have mines and almost every resource needed to create something for manufacturing or producing. Ito din ang nag susupply sa kanila ng mga best quality raw materials to make their stellar creations. Fontalva and D’Arco’s business go hand and hand together. “Salve.” Hello. Formal na bati ng binata sa kanilang dalawa nang tumigil ito sa harap nila. “Hello.” Ganting bati ni Aurora dito. Need nilang tumingala talaga sa taong to lalo na’t nakaupo lang sila. “Signorino Max, kumusta po?” Pag-uumpisa ni Ade. Napakunot ng noo si Max. Pamilyar sa kanya ang nagtanong pero nagtataka siya sa galing nito mag Tagalog. Mapagkakamalan itong pinay kung hindi lang sa Italyanang mukha. “Ade?” Sambit niya ng maalala na ito. Madalas nakabuntot ito sa nag-iisang anak ng mga Fontalva. Nagliwanag naman ang mukha ng dalaga nang maalala niya. “Galing mo na mag Tagalog.” “Hindi ka na kakausapin niyan sa Italian.” Sambit ni Aurora. “Anyway, I’m good. How about you girls? Kumusta paglipat niyo dito?” Then itinuon niya ang tingin kay Aurora. “Sinabi sakin nina mamma at papa na dito ka mag-aaral.” “It was so sudden but here I am.” Nagkibit-balikat pa siya sa pagsagot dito. “Wanna join us?” Alok niya. Ayaw na niyang tingalain ito habang nakaupo. “Uh, no.” Tanggi agad ng binata. “Instead, do you wanna join us?” Tinuro pa nito ang table at paglingon niya ay halatang nag-aabang ang group of friends nito which consist of two guys and girls, ang isa sa mga babae ay hindi Italyana ang itsura. Mukhang pinay, exchange student siguro or international. Malawak naman ang table na inukupa ng mga to but she’s tired enough to mingle with other people for now. May gagawin pa din sila mamaya so she want to conserve some energy left. Umiling siya but she gave him a small smile. “I’m sorry. Nagmamadali lang din kami kasi hindi pa kami tapos sa paghahakot ng gamit.” “Do you need some help?” Alok nito. “No—” “--Ikaw po ba ang tutulong signorino? Sure.” Putol ni Ade sa pagtanggi niya sana sa tulong nito. “Kung ayaw mo buhatin mga kagamitan mo, may boys naman sa katapat na building. Sila—” “--Signorina, alam kong pagod ka na po sa mahabang biyahe at saka anong boys? Syempre hindi naman pwedeng magpapasok tayo ng kung sino-sinong ibang tao sa room natin.” “I’m the best option.” Singit ni Max na naaaliw sa sagutan ng dalawa. “Tama si signorino Max.” Dagdag pa ni Ade na may kasamang malapad na ngiti. Nakatitig na naghihintay ng sagot niya si Max. Nakadungaw ito sa kanila. Napatitig din siya dito ng saglit may tumamang repleksyon ng ilaw galing sa labas sa mga mata nito. That second is enough for her na makita kung gano ka entense ang green eyes nito pag nakatitig at natamaan ng liwanag. That forest green eyes made her hitch a breath. Napalunok siya at binawi ang tingin dito. “Fine.” Sambit niya at napalakpak ng isang beses si Ade. Gusto niya tadyakan ang binti nito sa ilalim ng mesa. “Great.” Nagliwanag na din ang mukha ng binata. “Um, I’ll get back to my group to tell them I’ll be going with you later.” “May dala ka bang kotse? Kasi kung wala iiwan ko tong si Ade.” “Signorina!” Napasinghap ito sa sinabi niya na iiwan ito. “What? Saan siya sasakay kung wala siyang dala?” Nakataas kilay niyang tanong dito. Max chuckled in their exchange. “Don’t worry. I brought my own car. I’ll follow you in your place.” “Ayun naman pala eh.” Napasandal na ulit si Ade sa kinauupuan nito. “Sige. Balik nalang muna ako sa grupo ko then I’ll be with you later.” “Sure. Thanks, Max.” Tumango ito sa kanilang dalawa saka tumalikod at bumalik sa grupo. Saglit niyang sinundan ng tingin ang pagtalikod nito. Kahit likuran palang ay malakas na ang dating. She shook her head sa naiisip. Gutom na nga talaga siya. Pagbaling niya sa kaibigan ay nanliliit ang mga mata nitong tinitignan siya. Nagtagpo na din ang mga kilay niya. “Ano?” Dahan-dahang sumilay ang nakakalokang ngiti nito sa mga labi at tumawa bigla. Mag-iisang linya na ata ang kilay niya sa pagtataka ng ikinikilos nito. “Wala, signorina.” Umiiling pa ito at kinakagat ang pang ibabang labi para mapalis ang mga ngiti pero hindi pa rin yun nawawala at sumilay ulit ang pilyang ngiti ng kaibigan niya. Nahuli niya ang pagsulyap nito sa kinaroroonan ni Max. Napasandal na sa kinauupuan si Aurora and she folded her arms. “Schiarisci la tua mente maliziosa, Adelina Conte.” Clear your malicious mind, Adelina Conte. Napagtanto na niya ang nasa isip ng kaibigan. “Uh-huh. Napapa Italian pa nga with my complete name.” Panunudyo pa nito na pigil pa rin ang ngiti. May sasabihin pa sana ito pero may dumating na dalawang waiter. Ang isa ay may bitbit na dalawang tray and the other brought their take-out orders. Inayos ng mga ito ang pagkain sa kanilang harapan at ng matapos ay nagpasamalat sila at tinanguan ng mga ito bago umalis. “Bon appetite.” Sabay nilang sabi sa isa’t isa bago nagsimulang kumain. They ate with some side comments about the snacks. Masasarap naman ang lahat and no doubt kaya sikat ang shop na to. Mapapalagi nga sila dito. Balak naman nila tikman ang iba pang nasa menu sa susunod. “Mabibigat ba yung boxes mo that you need help sa pagkarga?” Aurora asked as she finished her food and now sipping her orange juice. Si Ade naman ay dahan-dahan pang kumakain ng inorder nito. Ito talaga mas mabagal kumain sa kanilang dalawa. Tumango si Ade at sinubo na lahat ng natira para matapos na. Kinuha niya ang pineapple juice para malunok agad ang pagkain dahil mabubulonan na siya. “Tatlo don ay sewing machines. The other boxes are threads and sewing equipment. At ang isa ay footwares ko. Sa isang maleta mga damit, and the other ay mga iba’t-ibang tela.” Sabi nito ng matapos sa pag-inum ng juice. Hindi na nagtaka si Aurora sa madaming kagamitan nito dahil isang fashion designer ang mamma niya. Idolo ito ni Ade kaya kumuha rin ng kursong iyon. Mamma niya ang head designer sa fashion line nila. Wala itong interes na mamahala ng negosyo, ang gusto lang nito ay gumawa ng mga desinyo at magtahi ng iba’t-ibang damit. Nag aapprentice din si Ade sa mamma niya kaya marami-rami na din itong alam sa kursong tatahakin. “Gulat nga ako na binilhan ako ni Butler Durante ng mga kagamitan. Si Signora Sofia daw ang nag suggest ng mga yun, kung ano ang mga kailangan ko.” Nakangusong salaysay nito. Ang sinasabi nitong signora Sofia ay ang mamma ni Aurora. Butler Durante, ito ang papa ni Ade pero ganon kadalasan ang tawag nito dahil masyado itong pormal kahit sa sariling anak. “Buti nga mga mahal ang sinabi ni signora para naman mapagastos talaga ang matandang yun. Alam mo naman kung gano kasungit yun sakin kahit sa anak niya mismo.” Umiirap pa ito sa pagbabahagi ng saloobin. Halata ang pang gigigil. “Mas mabait pa nga si signor Adolfo. Mas ngumingiti pa sakin. Samantalang yung si Butler Durante wala atang kiliti sa katawan.” Natawa siya sa mga pinagsasabi nito. Kasi napapansin naman talaga niyang hindi palangiti ang butler nila sa mansyon. Pero napakahusay mamalakad ng bahay. Lahat ng katulong ay sumusunod. Lahat ng bahagi at kasul-sulokan ay malinis, kahit ang harden nila at bakuran ay pwedeng dalawin ng bisita anytime. Bago pa man siya nakalipat ng Italy ay naninilbihan na ang pamilya ni Ade sa mansyon. “Excuse me. Mind if I join?” Nabaling ang tingin nila kay Max na nakabalik na pala sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD