CHAPTER 4

1521 Words
“Sure.” Sagot agad ni Aurora at umusod palapit sa glasswall para bigyan ito ng pwesto. “How about your group?” Tumingin siya sa naiwan nitong grupo na nagsitayuan na. “They were leaving. They want to know you. Would you mind if I introduce you to them?” Umupo ito sa tabi niya at kahit na nangangamoy pagkain ang paligid ay nangingibabaw ang pabango nito. Which surprisingly, she didn’t mind at all. Hindi naman matapang ang pabango nito, just enough for her senses to be allured. She shook her head. “Is it okay to refuse? I really don’t feel like mingling with a lot of people right now.” Exhaustion was clear in her voice. Pinipigil niya lang na humikab sa harap nito. “Signorino, pag ganyan, pagod na talaga si signorina. She drove in her own car to get here. Wala pa yang pahinga dahil sa pagsundo sakin sa train station. And from there, dumiretso na kami dito.” Ade filled in the details for him. Dadaan sa kanila ang grupo ni Max and he raised a hand for them to stop and he shook his head. “La prossima volta. Lei e `stanca.” Next time. She’s tired. Sabi nito at tumango nalang ang mga kaibigan niya. Sinulyapan nalang ni Aurora ang mga ito with apologetic smile. Nang binawi na niya ang tingin ay may narinig siya na sigurado siyang galing sa isa sa mga babaeng kaibigan nito. “Akala mo naman kung sino.” May pag-irap sa boses nong babae. Palabas na ang mga ito sa shop. Parang nawala bigla ang pagod na naramdaman niya. Pansin niya din na napatigil ang dalawang kasama niya sa mesa. Napangiti si Aurora and she was about to look back to that group pero dumikit si Max sa kanya at inilagay ang braso nito sa likod ng kanyang upuan na parang aakbayan siya nito. Sabay naman ng pag tawag sa kanya ni Ade ng ‘signorina’ para pigilan siya sa paglingon. Bumaling siya kay Max, magkalapit na ang mukha nila at mataman siyang tinitigan nito. “Don’t.” Hindi niya alam kung nakikiusap ba to sa kanya o binabalaan siya. Nahagip ng pang-amoy niya ang minty breath nito but that was not enough to make her forget what she heard. She gave him a sweet smile. “I would really like to meet them next time. I’ll take the first step. Babawi ako. Don’t worry.” And she picked up her orange juice to take a sip. Saka lumipat ang tingin niya kay Ade na umiiling sa kilos niya. Kahit naman hindi niya tingnan kung sino ang nagsabi niyon ay may ideya na siya. Isang babae lang naman ang napansin niya na mukhang pinoy sa grupo nito at hindi nga siya nagkamali. Did she think na hindi niya magets ang sinabi nito? Wala nga itong ideya kung sino siya at halatang walang naekwento si Max nung bumalik ito sa grupo. Should she be happy na inakala ng babaeng yun na hindi siya nakakaintindi? But there’s that upsetting feeling deep inside her that Max did not bother to mention her. That she’s not important, worst not someone he knows that was even worth mentioning. Ang OA na ng mga iniisip niya. She wanted to give herself an eyeroll. Sumandal na siya at parang nakaakbay na nga sa kanya si Max dahil ramdam niya ang mahabang braso nito sa kanyang balikat. She looked outside at nakita niyang naglalakad pa ang mga ito sa kanilang kotse. Napangiti siya sa kalokohang naisip. Umakto siyang patayo. “Let’s go. Baka mahabol ko pa at—” “--Signorina!” Singhap ni Ade sa kanya. Hindi rin siya natuloy sa pagtayo dahil hinawakan siya sa braso ni Max at pag-upo niya ay nakapatong na ang braso nito sa balikat niya. Securing her on the spot. Hindi naman mahigpit ang mga kamay nito sa balat niya pero sapat na yun para pigilan siya sa pag galaw. “Aurora.” She never thought that hearing her name from him with his growling tone would sound so sexy in her ears. Magkalapit lang din ang mukha nila and that forest green eyes of his, para siyang nililigaw nito sa kagubatan. Samahan pa ng makakapal at mahabang mga pilikmata na sa kaitiman ay mistulang naging itim na mga ulap sa kagubatang nakikita niya. She’s lost in that forest with the storm approaching. That’s not good. Nararamdaman pa man din niya ang mainit na mga kamay nito o sadyang naiinitan lang talaga siya. Nagpakawala siya ng tawa sa reaksyon ng dalawang kasama. At sa sarili niyang hindi maintindihan kung bakit bigla nalang siyang naging conscious sa bawat kilos ng lalaking katabi at sa epekto nito sa kanya. “Relax nga kayo.” Humarap na siya kay Ade. “Para namang hindi mo ko kilala. I’m just kidding.” At lumingon uli siya kay Max. Hindi pa rin siya nito binibitawan. She pushed herself closer to him to look back directly to his eyes as she put her hand sa kamay nitong nakahawak sa braso niya. She felt how big his hands in her touch. His long and powerful limbs. There she is again. Gusto niyang sabunutan ang sarili sa kakaibang nararamdaman na naman mula sa pag hawak lang sa kamay nito. “I’m too educated for that kind of trouble. We are too educated for that. So, please would you take your hands off me?” Inilapit niya ang kanyang bibig sa tenga nito. “Baka isipin nilang naglalandian tayo.” She inhaled his scent and it clouded her mind. “I wouldn't mind though.” She breathlessly uttered. Ramdam niya na parang natuod ito. Binawi na niya ang mukha at tumingin ulit dito. She gave him a smirk. Pinakawalan naman siya agad ni Max at lumayo ng konti na parang napaso sa kanya. “I’m sorry. I didn’t mean to—” “--It’s okay. Gets ko naman. You don’t know me that well kahit mag best friends ang parents natin.” She chuckled sa nag-ibang anyo nito na kanina lang ay napakadominante ng trato sa kanya. Then now, he’s like a deer caught in a headlight. How cute. “Let’s go? We still need to settle everything.” Anyaya niya sa dalawa. Ibinaling ni Max ang tingin sa labas para masigurong wala na ang mga sasakyan ng barkada niya. Sinundan ni Aurora kung saan ito nakatingin at hinarap ulit ang katabi. She gave him an eyeroll then she shook her head at him. She folded her arms as she playfully said. “Com’on, Maximus. Don’t you trust yourself that you can restrain me if I attack them? Para saan yang muscles mo kung mas malakas pala ako sayo, hmm?” Tinaasan niya pa ito ng kilay. Napatawa na din ang binata and she felt his tense body loosened. She doesn’t want to look at him but she’s all ears sa pagtawa nito. Tinitingnan niya ang kanyang phone habang ninanamnam ng tenga niya ang mga halakhak ng katabi. Parang nabura nito ang inis niyang naramdaman sa sinabi nong babae. She raised her eyes to look at Ade in front of her. And she caught her staring at her with wide eyes. She groaned internally dahil alam niyang hindi siya nito titigilan pag sila nalang dalawa mamaya. Her eyes caught the billpad sa gilid ng mesa. Halos masapo niya ang noo dahil muntik niya ng makalimutan magbayad. Wala sa sariling napatingin siya sa katabi niya. The cause of her distraction at binaling na ang atensyon sa bagay na hawak. Binuksan niya ang billpad. “Cameriere!” Waiter! Tawag ni Max sa waiter at kinuha nito ang billpad sa kanya. “Let me pay.” May nilagay itong ilang bills sa loob at tiniklop nito iyun. Hindi na umangal si Aurora. “Thank you.” Mahinang sambit niya na hindi aakalaing marinig nito. “It’s nothing.” Umiiling pa nitong sagot at may lumapit na waiter sa kanila. Iniabot nito ang billpad sa waiter. “Tenga il resto.” Keep the change. “Grazie, signor.” Thank you, sir. Tumango ito at ngumiti sa ibang mga nasa mesa bago umalis. Kinuha na ni Ade ang mga nakabalot nilang take-out. Naunang tumayo si Max at lumabas sa mesa para makatayo na din si Aurora sa pwesto nito. Sumunod naman si Ade. Sinabi ni Aurora ang address ng dorm nila kay Max habang papalabas sa restaurant at tumango lang ito. Naghiwalay sila papunta sa kani-kaniyang kotse. Nang palapit na ang dalawang magkaibigan ay pinindot na ni Aurora ang remote at binalingan si Ade. “You drive. Medyo inaantok ako. Halos same lang to with my last car.” Kinuha agad ni Ade ang susi sa kanya. “Sure, signorina. Ako na bahala.” Excited na sagot niya. Excited naman kasi talaga siya na maexperience mamaneho ang isang Rolls Royce car at para na rin makapagpahinga ang signorina niya. Kinuha ni Aurora ang mga bitbit nitong order at sumakay na sila pareho sa kotse. After securing their seatbelts, Ade typed on the monitor the address Aurora said at nagsimula na siyang magmaneho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD