CHAPTER 5 - PART 1

1589 Words
CHAPTER 5 – PART 1 Ade slowly stopped the car nang makarating na sila sa harap ng building na tutuloyan. Then she looked at the rearview mirror, huminto din ang kotse ni Max sa likod nila. Nilingon niya ang katabi pero hindi ito gumagalaw kahit nakahinto na ang sasakyan. Ang ulo nito ay nakasandal sa headrest na nakaharap sa labas. “Signorina.” Marahan niyang tawag dito pero hindi pa rin ito gumagalaw. Nakatulog nga ang kaibigan niya sa pagod. Hindi na niya ulit ito tinawag. Kinuha niya ang nakapatong sa kandungan nito na mga bitbit at nilagay sa upuan niya. Dahan-dahan din siya sa pagtanggal ng seatbelt at paglabas ng kotse. Nakalabas na din ng kotse nito si Max. There are people looking at them. Nagsisimula ang mga bulungan sa paligid. He looked up the entire building. Sinalubong siya ni Ade ng palapit siya sa kotse ng kaibigan nito. Napansin niyang hindi bumaba si Aurora. “She fell asleep, signorino.” Nakatingala nitong sabi sa kanya. “Just call me ‘Max’. You don’t work for me.” Sabi niya dito dahil naiilang siya na tawagin nito niyon na hindi naman ito nagtatrabaho sa pamilya nila, lalo na sa kanya. Ade rolled her eyes at him. “Fine, Max.” Napaka expressive talaga ng babaeng to. Kaya din siguro close ito ni Aurora. “Maya nalang natin siya gisingin. Tayo nalang maghakot ng gamit. Okay lang ba?” Namamangha pa rin siya sa dire-diretso nitong pag Tatagalog. Kahit accent halos nakukuha na. “How about I’ll carry her first to your dorm room para makapagpahinga na siya ng maayos?” He suggested. “Sure. Kunin ko lang po ang susi ng room namin.” Sang-ayon agad nito na halos napapatalon pa na bumalik sa pagbukas ng driver side. Ano ba meron sa sinabi niya? Umiling nalang siya sa kagalakan nito. “Nakuha ko na gamit niya.” Pinakita nito ang dalang phone at pouch ni Aurora kanina. “Mauna muna ako sa lobby para magsabi sa receptionist.” Tumango lang siya dito at tumalikod na ito. He approached the passenger side and opened the door gradually. Bumungad sa kanya ang nakapikit na mga mata ni Aurora habang nakasandal sa headrest. Napapaisip siya dahil baka madali lang itong magising pag nagalaw. Ang maamo nitong mukha changed into a very fine young lady. It was a year ago when he last saw her. She gets prettier everytime makikita niya ito. Like now, dalagang-dalaga na ang kababata niya. Yumuko siya para ipasok ang kalahati ng katawan para tanggalin ang seatbelt nito. But before he could reach for it, natigil siya dahil sa saglit na pag galaw ng ulo nito at pagbaling niya dito ay ilang pulgada nalang ang layo ng mukha nila. Her sweet scent na hindi masakit sa ilong made him feel light-headed. She had that perfect glass skin with no open pores. Long and dark eyelashes na alam niyang natural dahil pansin na niyang kahit dati ay hindi ito mahilig magmake up ng makapal. Ngayon niya lang din napansin na may nagkalat itong maliliit na freckles sa cute nitong button nose na gusto niyang kurotin. Hindi nga nahahalata ang freckles nito pag hindi sa ganitong distansya natitingnan. And his eyes landed on her tempting lips. That heart-shaped lips looks so soft and sweet. He wants to find out if it’s as delectable as it looked. He shook his head to clear his mind. This was such a wrong idea. Itinuloy na niya ang pag abot ng seatbelt nito sa gitna. Rinig niya ang paghinga nito at dumadampi din ang hangin niyon sa kanyang leeg. Or maybe it was his breathing he heard. Parang nag iinit ang pakiramdam niya and his heartbeat faster. Naabot na din niya ang lock at pinindot iyon. Dahan-dahang napamulat ng mga mata si Aurora. Pakiramdam niyang may presensya sa harapan niya. Pero bago pa man nagmulat ng mga mata ay naamoy niya ang pamilyar na pabango. “Sto sognando?” Am I dreaming? Her eyes was still half-closed. Ang pabango na yun ay kay Max at nasa harap niya ito mismo, nakayuko. Ang isang kamay ay nakahawak sa headrest sa ulonan niya. Pagkatapos pindotin ni Max ang seatbelt lock ay nabalisa siya sa narinig mula dito. Naalimpungatan ata to at natanong iyun. “No.” He answered saka bumaling sa mukha nito na nakatingala sa kanya. Ang mga mata nitong medyo namumungay pa sa antok. Ilalabas niya na sana ang sarili para dumestansya rito ng muli itong magsalita. “It better not be.” Sabay hila nito sa batok niya, closing the distance in their faces and colliding her lips to his. A second bago nakabawi si Max sa gulat, and damn! His eyes closed automatically. Mas malambot pa ang mga labi nito sa inaasahan niya. This was so wrong. But her sweet and delectable lips was just too good to stop himself. Kaya ang isang kamay niya na inabot sa pagpindot ng seatbelt ay nalipat sa batok nito. Hindi alintana ang naipit nitong buhok sa paghawak niya sa dalaga para tugunan ang halik. He bit her lower lip teasingly until she opened it for him. Hindi palalagpasin ang pagkakataong matikman ang loob ng mga labi nito. He heard her moan and that made him feel hotter as his body grew rigid. She let him explore his tongue inside. Dancing with hers. Her taste was too sinful to resist. “EHI! Prendi una stanza!” Hey! Get a room! May sumigaw mula sa katapat na building. At sa boses na yun ay tila nabuhusan sila ng nagyeyelong tubig. Nawindang silang dalawa. Masyadong mabilis ang pangyayari. Agad nila binitawan ang isa’t isa at tumayo na si Max ng tuwid. Tumikhim siya at nagbuga ng hininga. Nawala ang kaninang mainit na nararamdaman. Dang it! That was a big mistake. Naihilamos niya ang palad sa mukha. He bit his tongue para hindi magbitaw ng mura. Shaking his head to clear his mind. She made him feel drunk. Then he took a step back ng ibaba ni Aurora ang isang paa sa lupa at lumabas na din ito na naka sunglasses na. Nginitian ni Aurora ang grupo ng mga lalaking nakatambay sa isang bench. Galing dito ang boses na gumising sa kanila. “Buon pomeriggio, signori.” Good afternoon, gentlemen. She doesn’t want to feel embarrassed by what happened. She immediately composed herself at tiningnan ang mukha sa compact mirror bago siya bumaba ng sasakyan pag layo ni Max sa kanya kanina. Isinara niya na ang pinto ng kotse. Tumango sa kanya ang mga kalalakihan at bumati pabalik na nakangisi. May ibang mga tao sa paligid na inirapan siya at ang iba ay nagbubulungan. May mga benches din kasi sa side walk na pwedeng tambayan. She looked at Max’s car. A Lamborghini. Isa yun sa pinakabagong model. Kaya naman pala mas pinag pipiyestahan sila ng tingin ng nasa paligid. Tumingin na siya uli kay Max, pakiramdam niya ay na awkward ito sa nangyari. “Where’s Ade?” “Sa lobby, naghihintay.” He turn his head to the building’s entrance. “Bubuhatin sana kita hanggang sa dorm room kasi nakatulog ka na. Pero nagising ka.” Pansin niyang bahagya lang siyang tinitingnan ng binata. Her lips curled into a smile. “I see.” Kaya pala nasa harapan niya ito kanina. “Signorina!” Tawag ni Ade na may tulak ng bellman’s trolley. Iginiya nito iyon palabas ng building hanggang sa tabi ng sasakyan. “Nakita kitang nakatayo na kaya lumabas na ko.” “Shall we start? Medyo may kabigatan ang mga yun.” Turan ni Aurora kay Max. Tumango na ito at naglakad papuntang likod ng kotse niya. Binuksan niya na ang trunk para mailabas nito ang mga maleta na nandon. “Signorina, ito po.” Iniabot sa kanya ni Ade ang kanyang pouch at cellphone, kalakip ng isang sealed envelope. Ito yung pinaiwan niya sa receptionist kanina bago umalis. “Grazie.” Thank you. Sambit niya sa kaibigan habang tinatanggap ang mga iyun. Bumaling na din ito sa pagtulong sa binata. Hinahawakan ni Ade ang trolley para hindi gumalaw habang nilalagay ni Max ang mga maleta sa platform nyon. Sunod naman na binuksan ni Aurora ang bubong ng kotse pagkatapos isara ang trunk. Maraming mga matang nakatangkilik sa gawi nila lalo na sa kotse. Max started lifting the boxes slowly. “What are these?” Tanong nito ng mabuhat ata ang isa sa mabibigat na box. “May tatlong sewing machines dyan. Please be careful.” Sagot ni Ade. Hinayaan ni Aurora ang dalawa sa ginagawa at binuksan niya ang sealed envelope. Binasa niya ang kanyang schedule for the first semester. Tiningnan niya na rin ang kay Ade. May ilan silang same schedule pero magkakaiba ang lahat ng klase nila, magkaiba naman kasi sila ng degree. Business Economics ang sa kanya, kakagraduate lang ni Max ng first degree and he proceeded to take a second degree in business still. Max is three years older than her. Fashion and Culture naman ang kay Ade. “Eh, Max! Finalmente hai una ragazza? E’ una matricola?” Yow, Max! Finally got a girlfriend? Is she a freshman? Buti naka shades si Aurora ng itim dahil sinipatan niya lang ang lalaking nakakilala kay Max at lumapit dito. Naka jogging attire ang lalaki at matipuno din ang katawan. Pero nakatingin ito sa kaibigan niya. Si Ade ang sinasabi nitong girlfriend. Napataas siya ng kilay. Buti nalang at hindi siya ang napansin nito. Sana lang walang bumaling sa kanyang mga kaibigan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD