CHAPTER ONE
MISTAKEN GRATITUDE 2022
"ALL living things have rights to love and gain love. Kaya ikaw na hayok sa laman, wag ka ng mamalagi sa iba't ibang lungga, find a woman to settle with," tinawanan nya ang kaibigan sa narinig. Kung hindi nya lang talaga ito kaibigan ay pinatulan na nya ito. Masayahin at matalino ang binibini. Ito ang nagpapasaya at nagpapabuo ng araw nya. Ang hindi nya lang maintindihan bakit hindi man lang sya nahulog ng malalim sa kaibigan nya? O bakit bigla-bigla na lamang nawalan sya ng interes sa kaibigan? Hindi kagaya noon na nahuhumaling sya sa kaibigan.
Pero napagtanto nya na iba ang nakalaan ng Diyos para sa kanya. He secretly found the ideal woman na nais nyang makasama habang buhay. Eh kaso, ang hirap abutin at higalapin. Yes, now, naniniwala na si Tres na may Diyos.
Subalit, nais lang ng matalik nyang kaibigan ang puro adventure sa buhay kaya hindi sya mapansin-pansin. Buti na nga lang sa tulong ni Nadhelyn, ang kaibigan nya na palagi syang pinagsasabihan na hanggang ngayon ay single at walang planong makimingle ay napalapit sya kay Ruby.
Si Ruby ang babaeng nakaagaw pansin nya noong araw sa talent competition. Nakamaskara ito ng full face mask. Ngunit hinding-hindi sya nagkakamali na sabihin na si Ruby nga iyon. Ruby loves adventure, 'ibang klaseng adventure na nakasanayan nya sa best friend nya', kaya hindi na nakapagtataka kung marunong itong humawak ng baril. For survival skills na rin iyon. Isang target shooting talent ang ipinakita nito. At sobra syang namangha.
Pp
Nakalimutan na nga nya ang kaibigan nya na hinanap nya sa buong paligid dahil sa angking husay ng babaeng sumali sa competition.
"Eh bakit ikaw wala ka pa ring pinapasettle down sa lungga mo?," Pinandilatan sya ng mga mata nito. Kahit hindi man vulgar ang pagsasalita nito, nahihimigan pa rin ni Nadhelyn ang kabastusan nito. Sa tono ng pananalita nya, tiyak nagsasalita sa isipan ang kaibigan sa pagiging insensitive nya.
"Because I love my life"
"So sinasabi mo na hindi ko mahal ang sarili ko ganon kung magsesettle ako...kung yon naman pala eh, mananatili akong single " proud na sabi nya at ini-on ang blender para mapino ang yelo. Ibinigay naman ni Nadhelyn ang strawberry at kiwi sa kanya kaya sinali na rin ito sa pagpino sa blender.
"Kung buhusan kita ng yelo, sa tingin' mo makakasettle ka pa. Loko ka, wag mo kong masali sa ganyanan mo, Mr. Lacoste dahil mawawalan ka talaga ng kaibigan. Hindi ko naman sinabi na wala kang pagmamahal sa sarili mo, ang ibig ko lang ay may tamang panahon ang lahat, hinahanap ko lang ang tamang tyempo," pagbabanta nito sa kanya. He loves Nadhelyn hindi lang kagaya sa pagmamahal nya kay Ruby. Hindi pa alam ni Nadhelyn ang relasyon nila dahil sa pagkawala nito ng isang taon na walang bakas na ibinigay.
"You still amuse me, Nadhz. Hindi ka pa rin nagbabago." Tinignan nya ito sa mga mata. Hindi nya alam kung bakit gustong-gusto nya na mahuli ang tingin nito. He loves seeing her looking at him at the same time.
"Bakit kapag nagbago ba ako may babago pa?." He can sense a bitterness in her tone. Ano nga ba ang nangyari sa iyo sa loob ng limang taon Nadhelyn? Nais nya itong itanong sa kanya, ngunit wala syang lakas para itanong ito. Even they are best friends, isiniside nila ang pribadong buhay nila, kaya kahit nais nyang ikuwento sa best friend ang babaeng gusto nya ay pinipigilan na lamang nya.
"Wala rin naman eh. Ako pa rin naman ito. Kahit anong gawing pagbura natin sa mga bagay, wala pa ring mangyayari, mananatili pa rin iyong bangungot." Ang aura nito ay nakita nya na nagbago, pinaghalong sakit at lungkot. Naaawa sya at nasasaktan. Nararamdaman nya ang guilt sa sarili dahil hindi man lang nya ito nadamayan at natulungan sa pinoproblema nito.
Niyakap nya ito ng mahigpit na mukhang ikinagulat ni Nadhelyn. Hinaplos nya ang buhok nito at isinandal ang chin sa balikat ng dalaga. "Ngunit kahit ganoon, maaari bang manatili tayo sa ganitong posisyon?"
"Hoy, Tres, umayos ka. Nagtatake advantage ka na eh," he slightly chuckled and caressed her hair.
Naramdaman nya na pinagtutulakan sya ng bestfriend nya na parang diring-diri pero hinigpitan nya ang yakap hanggang sa naramdaman nyang nagpatiuna na lamang ito at hinayaan sya. Kahit parang napapaitan sya sa pagtulak nito sa kanya sa yakap, hindi nya' mapigilan na magpatakas ng buntong hininga nang nanatili na lamang itong nakatayo at hinayaan sya na yakapin ito. 'bakit pakiramdam ko, mawawala ka na naman sa piling ko? Habang yakap kita parang nagpapaalam ka.' Malungkot na napasabi na lamang sya sa sarili.
"You need to find the better man for you, Nadhelyn. Yong mamahalin ka ng buong-buo at hinding-hindi ka sasaktan," ang unang pumasok sa isipan nya ay sa isang lalake. Wala namang problema sa pamilya si Nadhelyn eh. Mahal na mahal nila si Nadhelyn ng pamilya nito kaya masaya sya para sa kaibigan. But thinking her in a man's arms made something hit on him. Parang may parte sa puso nya hoping for something different and for good sa hindi nya maintindihan.
"Bakit mo naman nasabi ang mga bagay na iyan? Do you think I'm hurt because of a man?. Sa lagay natin na sobrang close, do you think sa lalake ako nasasaktan?," Marahan nyang binitiwan ang pagkakahigpit ng yakap nya sa dalaga. At pinagtitigan ito, buong anglo ng mukha nito ay itinatak nya sa isipan.
Sa ilang taong pagkawala nito, hindi nawala sa isipan nya na mag-aalala rito o kalimutan ang pinagsamahan nila. Naging malaking parte si Nadhelyn sa buhay nya. Naging tulay rin ito sa taong pinakamamahal nya.." I want to know what did happen to you for this recent years," Hindi iyon isang utos pero para sa kanya parang pinipilit nya ang dalaga na sabihin ang lahat.
Bakas sa mga mata nito na wala iyong balak na isiwalat ang nangyari sa dalaga. Parang sa likod ng magagandang mga mata ng kaibigan ay ang sikretong pinagtataguan nito mula sa kanya.
Ngumiti lang ang dalaga sa kanya at yon na ang nagpahiwalay sa yakapan nila at nagsalin ng shake sa Isang baso." Salamat sa shake," iginaya pa nito sa harapan nya ang shake."I'm leaving, so dadamihin ko na ang paghingi ng shake knowing you ikaw lang ang uubos nyan sa ganyan karami so, dadamihan ko na lang," kumunot ang noo nya dahil naging magiliw na ang ekspresyon nito pero nababasa pa rin nya sa mga mata nito na pinipigilan lang ang lungkot na mapawi.
"Ngunit ilang oras ka lang dito—"
"Kaya uuwi ako agad, I know magsesettled ka pa ng plan sa taong nais mo isettle down. Sana maging mabuti sya sa iyo. Yon lang ang hangad ko, ang hangad 'namin'." Tinalikuran na sya nito at mabilis na tumakbo patungo sa pinto at lumabas.
Sa kapwa kamalayan,hindi napansin ni Nadhelyn ang pagkahulog ng isang larawan sa ilalim ng sofa ni Tres sa sala.
Napatungangang iwan si Tres na nakatingin sa pintuang nilabasan ni Nadhelyn. Tila humihina ang daloy ng hangin sa buong kabahayan nya habang sinusundan nya si Nadhelyn ng tingin mula sa pwesto nya. Ang pagtakbo nito palabas ay mabagal sa paningin nya na ni miski habulin nya ito at pigilan ay parang maiiwan lamang sya sa pwesto nya na pinagmamasdan itong mawala sa paningin nya.
"Kung saan ka man paroroon, balikan mo ko. I don't want to lose a friend like you"
NADHELYN happily give the shake to Mae na masaya naman nitong tinanggap at pumapalakpak pa. "Strawberry shake!... thanks mom!," Masayang hinaplos ni Nadhelyn ang pisngi nito at nagdesisyon na ipasok ang susi sa key hole." Masaya ako at gustong-gusto mo ang shake na dala ko," napatango-tango pa ito habang sinisipsip ang shake. Double mirror ang kotse nya kaya hindi sila makikita sa mga tao sa labas.
Huminto si Mae sa pagsipsip at hinalikan sya sa pisngi. Naramdaman pa nya ang paghalo ng mainit na labi at malamig na shake sa pisngi nya nang halikan sya nito. " syempre po, dahil nakita kita na Masayang lumabas sa bahay, kaya gustong-gusto ko ang shake na gawa mo po," she blushed by her words. Hindi nya talaga mapigilan na maging malambot ang puso nya kapag ang batang ito ang nagpapalambot roon. "Tara na nga!"
"Mahal Kita mom!"
"Mahal ka rin ni mom"
Pinaandar na nya ang kotse nasa kalagitnaan na sila ng highway sa mahabang byahe nila ay nanlaki na lamang ang mga mata nya at bumagal ang kanyang takbo.
"Mom, the guy that living inside that house,is he my dad?"
Dinatnan sya ng kaba.
Hindi lang sa tanong ng anak.
Kundi sa kaweirduhan ng paligid. The place is creeping her out. The silence telling her there is trouble ahead.
"Soon, you'll meet your dad. But not now sweety. Mommy is driving"
Napatango naman ang maraming mukha ng anak nya.
"Is that a promise mom?" Inosenteng tanong ng apat na taong gulang nyang anak.
"Pinky promise."
She assured her at tinignan ang passenger seat mirror. Nakatingin rin ang anak sa kanya na may inosenteng tingin. Bahagya nya itong nginitian. " Tita Yacrin once said this to me, mom...promise means to be broken. But you're not tita, you are my mom, so I trust you," nadagdagan ng lamig ng hangin ang nararamdaman nya sa narinig. Trust? 'How can a child give trust so easily?'
"Thanks sweety, " 'anong tinatanim ni Yacrin sa utak ng anak ko?'
"Parang hindi ka na bata magsalita."