CHAPTER 2
She assured her at tinignan ang passenger seat mirror. Nakatingin rin ang anak sa kanya na may inosenteng tingin. Bahagya nya itong nginitian. " Tita Yacrin once said this to me, mom...promise means to be broken. But you're not tita, you are my mom, so I trust you," nadagdagan ng lamig ng hangin ang nararamdaman nya sa narinig. Trust? 'How can a child give trust so easily?'
"Thanks sweety, " 'anong tinatanim ni Yacrin sa utak ng anak ko?'
"Parang hindi ka na bata magsalita."
Napahawak pa ang anak nya sa sarili nitong labi at bahagyang ngumiti.
"It is because I have an Asian blood, mom. Tita Yacrin said that my dad was from part of an Asia, like us. And you're family have a racist blood," napailing sya sa anak.
"Does your tita Yacrin told about who or what your dad is?," Nakita' nya na umiling ang anak nya agad sa naging sagot nya.
"No mom. Tita Yacrin said that it is not her place to tell me who is my father. She said it will be you who will going to tell me everything about who he is.... And I respect you mom. I'll be patiently waiting for the right time for that moment." Napangiti sya sa narinig mula sa anak nya. Lahat ng lumalabas sa bibig nito ay bakas na hinahayaan sya na sabihin ang lahat ng dahan-dahan. Bakas roon na ayaw syang pilitin ng anak. Saksi ang anak nya sa mga pagdudusa na kinaharap nito sa nakalipas na ilang taon. Sa apat na taong gulang ay matalas na ang pag-iisip nito at iba itong mag-isip kumpara sa ibang bata. Parang matanda na ito.
"Thanks sweety" Mae responded a smile.
WALAng katao-tao ang ibang dumaan sa daang ito pero kitang-kita nya sa di kalayuan ang mga kotseng patagilid na humarang sa kalsada.
Hininto nya ang kotse."mom, saan ka pupunta?" Inosenteng pagtatanong nito." Dyan ka lang, wag kang lalabas... May titingnan lang ako" tumango ang anak nya at nginitian nya ito. Tinungo nya ang gawi ng kotse.
Sa bawat paghakbang nya ay dahan-dahan lamang ngunit ramdam nya ang kaba sa loob nya. Nanunuot ang kanyang lalamunan na parang tinatakasan na sya ng laway. At ramdam nya ang paglalamig at pagtaas ng balahibo nya. Tirik na tirik pa ang araw pero matinding lamig na ang kumakawala sa kanya.
Takot sya. Hindi para sa sarili nya. Kundi sa anak nya.
Ilang hakbang na lamang ay nalapitan na nya ito ngunit nanlaki ang kanyang mga mata at napalingon at ang kanyang kaba na naramdaman kanina ay mas tumindi pa at nahanap na nya ang rason. There is he, soaking with his blood and unable to breathe.
"Mommmm!!!," Agad syang napalingon sa gawi ng anak nya.
Ang anak nya ay hawak ng lalakeng nakaitim at tuwang-tuwa na nakatingin sa kanya. Itatakbo nya sana ang sariling mga paa patungo sa gawi ng anak nya upang iligtas ito ay nagpawalang kwenta pa sa kanya.
Tinamaan ng bala ang paa nya. Napahiyaw sya sa sakit. At naramdaman nya ang mga luha sa mga mata nya dahil sa matinding kirot. "Mom!!!!," Pilit nyang iginapang ang sarili. Hindi nya kayang igalaw ang sariling paa dahil sa tama ng bala. Ngunit mas napahiyaw pa sya ng tinamaan naman ulit ang isa nyang paa at ang kabilang paa nya rin ang isinunod na paputukan.
Narinig nya ang iyak ng kanyang anak. Umiiyak na ito ng malakas kaya pinilit nya ang sarili na iangat ang tingin at tingnan ang anak ngunit nahugot na lamang ang tingin nya sa taong biglaang bumulosok sa harapan nya.
Sobrang basang-basa ang mukha nito sa luha at sa gilid pa ng labi nito ay ang shake na bakas na tumapon sa sarili, ngunit ang mas nagpapahiyaw pa sa damdamin nya at nagpasugat pa ng sobra sa puso nya ay ang maraming dugo na nasa damit ng kanyang anak.
"M-mae! Mae!," Garagal na sigaw nya sa pangalan ng anak.
Hindi naaawa ang taong bumaril sa anak nya dahil mas pinagbabaril pa ito hanggang sa mawalan na ng hininga. " Mae!" Pilit nyang ibinangon ang sarili para respundihin pa ang anak. Ngunit hindi na ito humihinga.
"Walang hiya ka!" Nginisihan lang sya ng matanda.
"Demonyo ka!— anak! Gumising ka, wag mong iwan si mommy!" Ilang luha na ang tumakas sa mga mata nya ngunit wala pa ring nangyari. Nakaratay ang anak nya sa semento na naliligo na sa sariling dugo.
"Binalaan na kita, ayaw mo kasing makinig. Dapat lang iyan sa iyo."
"Demonyo ka! Demonyo."
"Natural na sa akin iyon. Hindi na bago ang salitang yan. Sa tingin mo ang pagtatago mo ng limang taon ay tatahimik na ako at titigil? YOU'RE WRONG EMPRESS REGALIA! YOU'RE ABSOLUTELY MISTAKEN! AND PLEASE KEEP THIS IN MIND FOR YOUR LAST BREATH, I DON'T ACCEPT THAT IMP AS MY GRANDDAUGHTER....."
"H-halimaw ka!" Ngunit nginisihan lamang sya ng matanda at tuwang-tuwa na pinagbagsakan sya ng tingin.
"At para patunay pa na demonyo ako, kainin mo ang balang ito." Pinatamaan muli sya ng bala ngunit sa kanang balikat nya ito tumama na ikinawala ng diwa nya. 'Pinatay mo ang anak ko...'
"Itapon sya sa ilog at ang bata ay iwanan nyo sa gitna ng kalsada para pagdiskitahan ng mga malalaking gulong ng mga truck"
Walang awang utos ng matanda at binalingan ang walang buhay na si Mae ng nakakadiring tingin.
"That child of her is not welcome in my dynasty, but welcome in hell"
"Dad, don't," angil ng isang lalakeng nakaitim na isa sa mga bumaril sa bata.
"Are you disobeying me again, Nard?" Masamang tono ng ama.
"Dad, she still my niece."
"Want me to beat you here and kill with them?" Nanlamig sya sa sinabi ng kanyang ama. Napababa sya ng tingin sa pamangkin nya. 'patawad'
Napabuntong hininga ang matanda at matagal na inusisa ang mukha ng anak nya saka sa batang walang kabuhay-buhay.
" itapon nyo na rin sa ilog kasama ang ina nya, pagsisilbihan pa nila ang mga hayop sa tubig," narinig ni Nadhelyn ang utos nito ngunit hindi na iyon maproseso sa utak nya sa tindi ng panghihina at sakit sa kalooban nya.
Habang nahihirapan sa sugat at sakit, ay hindi nya hinayaan na hindi man lang makapag-iwan ng salita sa walang hiyang taong ito. "T-ta-tandaan mo! Ang bangkay na ipaliligo muli sa ilog na ito, ay sariling iyo na. Hinding-hindi Kita mapapatawad"
"After you visit the Hell"
At hindi nya rin namalayan na sabay silang itinapon ng anak nya sa ilog, ngunit niyakap nya ng mahigpit ang anak.
"Patawad Mae, anak. Patawad at Hindi ka maligtas ni mom" sabi ng puso nya hanggang sa mabalot na rin Sya ng kadiliman.
ICHINeck ni Ailyn ang vital status niya saka iginaya na isulat sa nurse note nya. Sinuri nya ang mga mata nito at nang makitaan na maayos-ayos na ito ay ang laboratory results naman na nasa mesa nya. Masasabi nya na may nag-improve sa mga ito. Ngunit ang ikinabahala lamang nya ay ang resulta nito sa isang neurologist.
Itinanggal nya ang mask at inihilot ang sentido at napapikit. Naramdaman na lamang nya na may humilot na noo nya kaya ibinaba na nya ang kamay niya. " Maayos na ang kalagayan nya, malayo na sya sa kapahamakan ngunit hindi lang trauma at depression ang mararamdaman pa nito, sa resulta na ito ay magcaucause ito ng lack of emotions nya at memory loss. Magkakaroon sya ng Post Traumatic stress disorder"
Huminto si Dewn sa paghilot ng noo nya at humarap sa kanya." Sobra kang nag-aalala sa kanya. Don't stress yourself honey, si baby madadamay nyan," ngumiti sya rito. Hinaplos nya ang pisngi nito.
"Humahanga ako sa iyo, matapang ka kahit mas masakit pa ito sa side mo," hinalikan sya ng binata ng saglit lamang at lumingon ito sa gawi ng pasyente.
"Mas humahanga ako sa iyo, kasi iniintindi mo ako. Matapang ka kahit parang sinasaksak ka ng ilang karayom dahil sa nangyari sa pamilya mo". Sinserong saad ni Dewn kay Ailyn. Tumingin si Ailyn sa nakahimlay na pasyente.
Si Ailyn ay bunsong kapatid ng ina ni Nadhelyn. Lumaki sya sa isang probinsya ng mahiwalay sya dahil sa isang insedente. Nakidnap sya at matagal-tagal rin itong hindi nahanap. Umabot sya ng labin-anim na taon bago makapiling muli ang mga tunay nyang mga magulang. Ngunit ang nakakalungkot lang ay hindi nya naabutan na makilala ang tunay nyang ina dahil mabilis itong kinitilan ng hininga ng kalaban ng pamilya nya.
"Ngunit, siya ang matapang bukod sa ating dalawa, pinapagaling nya ang sarili nya, ramdam ko bilang isang ina, hindi nya hinayaan na masakop sya ng panghabang buhay sa kamang yan. Ang kinakabahala ko lang kapag nagising na sya at ang sakit ang una nyang mararamdaman." Inihilig nya ang ulo nya sa balikat ng binata at niyakap ito ng patagilid.
"Balak ba natin itong sabihin kay Heallar, Dewn?," Hinaplos ng binata ang buhok nya.
"Malalaman rin nya, wag ka ng mag-aalala" napatango sya sa sinabi ng binata sa kanya. Bumuga sya ng malalim na pagbuntong hininga.
'Pero mahirap pa rin i-proseso ang lahat, Sana sa paggising mo, makuha mo ang nais na dapat na hustisya sa buhay nyo, gumising ka lang '